Chapter 1: Unang pag kikita

632 10 0
                                        

Iah point of view

Nakahiga ako ngayon dito at nag papahinga dahil sobrang pagod sa dance practice ng biglang pumasok ang kaibigan ko na si Liane. Hindi kami masyadong close. Sadyang magkalapit lang talaga ang bahay namin dalawa.

"Iah!!!" tawag niya sakin kaya napabangon ako sa kama ko sa sobrang pag kagulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat kaya binato ko siya ng remote pagkapasok na pagkapasok niya buti nalang at nakaiwas siya.

" Ano?! Hayop ka talaga!" naiiritang sabi ko sa kanya. Hinawi ko patalikod ang buhok ko at humiga ulit. Nakakaasar pagod na nga sa practice pati sa pagbubunganga ng choreo tapos dumagdag pa 'to!

"Hindi kasi, ganito kase yon, may concert bukas ang The Core pupunta ko." sabi niya habang nakahawak ang dalawang kamay sa pisngi niya at kilig na kilig. Tinapunan ko lang siya ng tingin at dumapa para makabilis ng makatulog.

"oh kailangan pa ba malaman ko yan? 'di naman ako mahilig diyan, lumayas ka nga diyan matutulog nako!" pag tataboy ko sa kanya dahil gusto ko na talaga mag pahinga. Iba ang pagod ko ngayon

"ano ba naman! siyempre dahil sa kaibigan kita at oo na! magandang kaibigan na kita, isasama kita sa concert para naman may kasama ko" nakangusong sabi niya kala naman niya maaawa ako sa kanya

"Umiyak ka man diyan wag kang umasa na sasamahan kita." kalmadong sabi ko sa kanya at nanlumo naman siya kagad at hindi kagad nakasagot. Bahala siya. Ano ba hilig ko sa panonood ng concert? Boyband nga ni Tito may concert ngayon dito pero wala akong pakielam, e.

" Ganon? Edi kayo pala ng nilalandi mo ang magkikita. Sabi sakin ni Ryx kanina susunduin ka daw niya dito bukas dahil gusto niyang magsama kayo bukas." sabi niya sakin at tumayo na nagulat naman ako sa sinabi niya...kung sumama nalang kaya ako?

" Ano ba kailangan paramakapanood ng punyetang concert nayan? Tangina naman kase.." reklamo ko. Mas pipiliin ko naman na manood nalang ng concert kesa don sumama kay Ryx. Hindi ko naman talaga yon type. Binugaw lang talaga ako nila Eisen don dahil kayang kaya ko naman daw lokohin yon dahil uto uto. Ako din naman na uto uto pumayag!

" Kailangan lang don pera para makabili mg ticket. Pero sabi ko nga libre na kitang hayop ka, gumayak ka nalang at daanan mo ako sa bahay bukas, kotse mo nalang ang gamitin natin." Hindi na ako kumontra dahil gusto ko din gumala bukas kasama sila Athena pagkatapos ng concert.


Nakatayo kami dito at siyempre ang boring. Siyempre, diko naman kilala yung mga ito mapopogi nga sa tarpulin pero duhh, baka sa tarpulin lang naman. Nagamitan lang ng filter o kahit ano para umayos ang muka nila sa picture.

Ito naman katabi ko, di pa man nag sisimula mamatay matay na kagad kakatili. Nakahalukipkip lang akong nakatanga at nakatingin sa stage na wala naman tao. Nakatayo pa kami VIP standing daw. Sana duon nalang sa nakaupo makikita din naman don. Hindi pa mangangawit.

"wahhhhhhh Rhake babyyyyyyyy! lumabas ka na diyan!" hiyaw ni Liane, grabe nakakahiya pinag titinginan na siya jusko sana pala hinatid ko nalang siya dito sa Arena at dumiretso nalang sa resort nila Athena.

"Ate bawalin mo naman kasama mo ang ingay oh!" reklamo ng tatlong babae sa liko namin

" Duh, concert 'to mga Pate, malamang lang na maingay." Bobo ba ha? Mga bobo ba?

Nagulat ako at biglang napatingin sa harap, at puta dahil masakit sa tenga tinakpan ko nalang ang tenga ko at madiin na pumiki. Nabingaw yata ako bigla. Ano bang klase 'to!

"Hi guys Yuan Lim i am the leader" sabi ng isang lalaki na matangkad at singkit ang mata, pwede nadin. Nakaka attract siya. Ang lakas lakas ng dating niya at ang tangkad niya. Hindi na masyado marinig ang boses dahil sa hiyawan ng mga Fans nila.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now