Iah point of view
Nung umalis na si Danielle,Naiwan nako sa likod ng kotse para mag tago naisipan kong tingnan yung dalawa kung nandon pa kaya unti unti akong tumingin pag tingin ko sa kanila muntik ng mag dikit ang muka namin ni Drake puta! wala na nahuli nako
"San ka galing?" nanlilisik na sabi ni Drake sakin at kinabahan naman ako
"s-sorry na babe" nag mamakaawang sabi ko
"san ka galing?" pag uulit siya sa tanong niya
"dito lang ako kanina p--" pinutol ni Klint ang sasabihin ko kaya napatingin kami ni Drake sa kanya
"Si Danielle nasan?" nag aalalang tanong niya
"h-hindi ko ala--" pinutol na naman ang sinabi ko dahil bigla siyang nag tatakbo at kami naman ni Drake naiwan dito
"Bakit moba ginagawa toh?!" galit na sigaw niya sakin.Sana pala hindi nako pumayag sa plano ni Danielle,baka mag away pa kami ni Drake
"Sorry pinlano lang toh ni Danielle,sorry talaga wag ka ng magalit" nag mamakaawang sabi ko sa kanya at kusa nalang tumulo ang luha ko
"Sinong hindi magagalit eh pano kung mangyari sa inyo na wala kami!?" galit na sigaw niya sakin.
"Sorry" wala nakong maisip na saabihin at yan nalang ang pumapasok sa isip ko na sabihin.
Bigla niya kong inakap ng sobrang higpit at inakap ko na din siya at kusa nalang ulit tumula ang luha ko
"sorry din,nag alala lang ako kala ko kasi hindi na kita mahahanap pero nung may narinig kami ni Klint Hyung na tumawa tinry namin tingnan at hindi kami nag kamali na ikaw pala yon pero si Danielle wala" sabi niya sakin
"Sorry talaga" malungkot na paumanhin ko sa kanya
"wala ng kasunod ito" nag bababala na sabi niya at kinabahan ako.Oo wala na talaga.
(now playing :love myself by bts)
may tumawag sa phone ni Drake at kumalas siya sakin.Ano nangyari nahanap na kaya niya
"Oh Hyung?" sabi niya sa kabilang linya
"Ano?! oh sige sige!" nag aapurang sabi niya kaya kinabahan ako
"Babe,si Danielle nakaaksidente pumunta nalang daw tayo don sa Hospital dahil kararating lang daw nila don at nandon na din yung lima kong Hyung tara na" hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa parking lot ng kotse at dun pa sa dulo ang kotse ko at yung nasa kanya malapit sa harap.
"Babe tara ihahatid kita sa kotse mo" nag aalalang din na sabi niya pero huminto ako at hinawakan ko ang kamay niya
"Babe wag na malapit lapit din naman toh oh chaka mapapagod ka lang mag lakad dali na" nakangiting sabi ko sa kanya pero bakas sa mata niya na hindi siya payag
"Babe kaya ko,okey walng mangyayari sakin dito" nakangiting sabi ko sa kanya
"Sige siguraduhin mo lang na magiging safe ka dahil pareho tayong may dalang sasakyan mag ingat ka" nag bababala na naman na sabi niya ngumiti nalang ako at tumalikod na para pumunta sa kotse ko.Pero bigla nalang niya ko hinitak bigla at napaharap ako sa kanya,ang lapit ng muka namin.Kinakabahan ako,hahalikan niya ba ko? sa 3 months namin hindi niya pa ako hinahalikan dahil sabi niya pag 1 year na kami dun lang may halik.Unti unting lumalapit ang muka niya at unti unti din akong kinakabahan.
Nung malapit na naramdaman kong hinalikan niya ko...sa noo <3
"love you" malambing na sabi niya
"love you too" sabi ko at nag tatakbo nako sa parking jusko gusto ko ng pumunta sa hospital kaso masyadong maarte tong bf ko kaya napatagal pako.
Habang nasa daan ako,hindi ko mapigilan na mag alala kay Danielle ano ba kasi nangyari at naaksidente yon? kinakabahan ako kung pano malaman yon nila Tita? kailangan ko pa bang sabihin kay Tita at Tito yung nangyari? malala kaya yung natamo niya? Aishhh!
Nakaliko nako papasok sa Hospital at nag hahanap nalang ako ng pag paparkingan ko.May nakita nakong parking at maganda ganda don kaya naisipan ko ng lumiko don.Pero naudlot! dahil may liliko din pala don buti nalang at napreno ko kagad at ganun din siya dahil kung hindi babayaran niya ang sira ng Oto ko.Chaka bakit kasi dito pa siya mag paparking eh alam naman niyang may mag paparking na! ako yung nauna dito!
Tiningnan ko ang kotse na yon at parang pamilyar wait kay Drake pala toh epal naman oh!
binusinahan ko siya at nilabas ko ang kamay ko sa bintana at sumenyas na tumabi siya.At kagad naman niya ginawa umabante siya at humanap ng ibang pag paparkingan,pero bago yon kinindatan niya pako.
'tss panget'
Pag pasok ko sa hospital tinanong ko kagad ang room ni Danielle at sa 3rd floor pa pala ang room niya kaya nag apura akong sumakay sa elevator at sakto ako lang mag isa laking pasasalamat ko nayon dahil ayoko ng may kasabay ako sumakay sa elevator.
Bago sumara bigla na naman naudlot at may nakita akong lalaki na hinarang ang kamay niya don at pumasok siya ng nakangisi napanganga nalang ako.
Hindi ko siya nakilala dahil nag black leather jacket na siya ang hot niyang tingnan.
"Di moko hinintay Babe" ang lungkot pa ng pag kakasabi niya.Nag papaawa ka na naman.
"Babae na pala ngayon yung nag hihintay sa lalaki" sarkastikong sabi ko.alam ko naman na pwede din naman pero nag aapura nako noh!
"Ang sweet mo kasi talaga" sarkastiko din na sabi niya at napatawa nalang ako ng mahina at inakbayan na niya ko hanggang sa makapasok kami sa Room ni Danielle.

YOU ARE READING
My Enemy is my Forever (BOOK l) COMPLETED
Teen FictionBOOK 1: MY ENEMY IS MY FOREVER (COMPLETED) BOOK 2: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED) BOOK 3: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED)