Chapter 52: Beautiful

106 4 0
                                        

Zeann Point of view

(now playing ; Beautiful~BTS)

Biglang nag play yung kanta sa Van na ikinagulat ko naman.Tulog na kasi lahat yung mga babae at kami nalang ang gising.

Naalala ko yung una nung nag aapurang pumasok si Denice sa hospital noon nung naaksidente si Danielle.Napatulala ako sa kanya non.Hindi pa kami non mag kakilala pero tinamaan kagad ako sa kanya.Hanggang sa mag kakilala kami pero panget yung umpisa dahil aso't pusa daw kami.Pero maganda naman ang kinalabasan dahil hindi ko inaakala na maiinlove ako lalo sa kanya.Siguro nga nung nag aaway kami lagi at nag babangayan gusto ko na siya,indenial lang ako.

Pero ngayon ito na,nakasandal siya sa balikat ko habang naka akbay ako sa kanya.Ang himbing ng tulog niya,kaya nakatingin lang ako sa kanya.Ngayon ko nalang ulit mapagmamasdan yung muka niya.Ang amo ng muka niya,matangos yung ilong sakto lang ang laki ng labi.Sakto lang ang haba ng kilay.Lahat yata ng nasa babae nato gusto ko.

'Isa lang ang masasabi ko,mag hihintay ako sa sagot mo'

-------

Klint point of view

Nag play ang kantang beautiful ng BTS naalala ko yung una,yung unang una.

Naalala ko sa kantang yon nung nag video call kami,sa kagustuhan kong mag kagirlfriend pumayag ako.Nung una kong nakita si Danielle non,alam ko na kung ano ang mangyayari,nailove ako kagad sa kanya,panget man dahil inlove kagad pero yun kagad yung naramdaman ko.Ang kulit niya non at ang likot niya wala siyang arteng gumalaw.Yung oras na nag usap kami sa video call nakaramdam kagad ako ng awkwardness alam kong madaldal ako non pero hindi ko alam kung bakit natahimik ako non.

Tiningnan ko si Danielle na tulog na habang nakahawak sa sitchirya niya dahil siya yung nanalo.Pinag masdan ko yung muka niya,sobrang ganda niya para sakin.Sobrang tangos ng ilong at sakto lang sa itsura niya yung labi niya,itim na itim na pilik mata.Ang tahimik niya talaga pag tulog (ayshhhh siyempre,baliw lang Klint)

Hindi maalis yung ngiti sa labi ko dahil kundi kala Iah at Drake hindi kita makikilala.Ang lungkot siguro ng buhay ko ngayon kung wala ka.

'kung wala sila,wala ka din'

--------

Drake point of view

Yung kantang yon,nung narinig ko yon parang bumalik ako sa umpisa,nakakatawang isipin na,sa panget na paraan kami nag umpisa,sagutan,asaran,inisan

'Nung hindi pa kita kilala magulo yung buhay ko,nabibili ko naman lahat ng gusto ko,pero kulang pa din.Dati puro Gangster lang ang nakakasama ko at puro kami kalokohan.Away don,away dito.Pero nung nakilala kita,nabago lahat,nanibago sakin lahat.Yung dating pambubully ko nawala,yung pag sagot sagot ko kahit kanino nabago.Yung madalas na pag inom namin at pag takas sa klase nabago mo.Nang dahil sayo,tumino ako kahit papaano,naging top ako sa klase at naging magalang ako kahit kanino,nang dahil sayo napuri ako ng Gangster dahil tumino na daw ng konti yung leader nila.Simula nung naging akin ka,pumalit ka na sa kanila,sayo nako naadik.Sayo nako lagi,sayo nako habang buhay...Nang dahil din sayo lumayo ako sa Grupo ko,sinabi ko sa kanilang,hindi nako makakasama sa inyo pero kasali pa din ako sa kanila at ako padin ang leader nila.Napaka understanding ng mga ka-grupo kahit mga bobo noh? Lagi nila kong pinupuri dahil napatino daw ako ng isang babae.At lagi din nila kong inaasar dahil ikaw lang kaisa isang nakapag taray sakin.Ngayon...simula ngayon,hindi ko hahayaan na mag hiwalay na tayo,sakin ka at sayo ako...Hihintayin ko yung araw na ikakasal tayo at sabay natin tutuparin ang pangarap natin dalawa'

---------

Yuan point of view

Napangiti nalang ako ng biglang nag play yung Beautiful.Tiningnan ko si Angel na himbing na himbing yung tulog.Lagi nakong masaya dahil panatag nako na nadiyan lang siya.Dati nung nag hiwalay kami lagi ko siyang iniisip at nag aalala ako dahil hindi ko na sjya nakakasama.Pero sa isang iglap,nakasama nalang kita kagad sa iisang bahay.Sobrang saya ko non na kahit sa pag lilinis ko ng kwarto ko nakangiti ako.

'Hihintayin ko yung sinabi mong,mag simula na tayo alam kong hindi pa sa ngayon yon.Pero alam ko na kapag sinabi mo tutuparin mo,may tiwala ako sayo Angel.Mag hihintay kahit gaano pa katagal,sa ngayon ipaparamdam ko na kagad sayo kung gaano kita kamahal.'

------

3rd person point of view

12:40 am Nakarating na sila sa Dagupan,hindi na bumaba pa ang mga gising at natulog nalang din,bukas nalang naisipan ni Yuan na pumuntang hotel sa tabing dagat para hindi na maistorbo ang mga natutulog.

5:00 am ng madaling araw ng magising silang lahat,huli ng nagising sila Iah at Drake dahil sa himbing nilang matulog.

Lumabas sila at nag lakad lakad sa tabing dagat,sila Iah at Drake nag hahabulan ganon din sila Klint at Danielle,Zeann at Denice.Ang iba naman ay nag lalakad lang habang nag tatawanan at nag ku-kwentuhan.Napag kasunsuan nilang mag paa para daw masarap mag lakad at para daw may thrill.

Yung ibang tao na naroroon ay nakitingin lang sa kanila,at yung iba ay nag papapicture na,lahat sila nag taka kung bakit may nakaalam pa na nandon sila.

Pag dating ng 7:am nag breakfast na sila sa isang restaurant.Inabit sila ng ilang oras don dahil dinumog sila ng tao.Napag usapan nila na kung lalabas pa sila ay mas lalo lang silang dudumugin kaya napag pasyahan nalang nilang,mag palipas ng ilang oras sa Hotel na pinareserve ng Manager/Tito nila.

Pag alis nila don dumiretso na sila sa Hotel at ang mga gamit nila ay nakasunod sa kanila na dala ng mga guard.

"Manong pakisabi sa kasamahan mo na mag pahinga na kayo at kumain na din,wala kayong gagawin kami napong bahala,aalis po kami mamayang 12 at pupunta kami sa dulo para walang tao na makasunod samin." sabi ni Yuan sa isa sa body guard na pinag bantay sa kanila ng manager/tito nila.

"Sige sir Yuan,mag ingat po kayo salamat po" nakangiting sabi ng Body guard na may kaedaran na,tinapik naman ni Yuan ang balikat nato at dumiretso na sa hotel at nag pahinga.

Ilang oras silang nag aliw aliw at gumayak sa pupuntahan nila mamaya.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now