Chapter 73: Jealous

106 3 0
                                        

Iah point of view

'Hahahahahha ang sakit, ang sakit palang makita na may kasamang ibang babae yung taong mahal mo. Parang hindi niya ko naalala. Parang hindi niya naaalala na may girlfriend siya'

Nakaupo ako lang ako sa isang gilid at pinagmamasdan ko silang dalawa habang nag tatawanan.

Parang kami lang dati ni Drake kung mag tawanan. Walang pake sa iba basta nag uusap.

*tininint *tininint* *tininint

Dinukot ko yung phone ko sa bulsa ko. Pero hindi ko inalis yung tingin ko sa dalawa. Mahirap na baka may ibang gawin hindi ko pa makita.

Binasa ko saglit yung text ni Mommy.

'Sa isang buwan na pala Birthday ko, mag dedebut nako.'

Nakaramdam ako ng excitement at tuwa ng maalala kong makakasama ko si Drake sa Birthday ko at siya ang huling mag sasayaw at magbibigay ng rose sakin.

" Hoy! Kalat na kagad sa social media yung Birthday mo ah? Bilang pa ng Fans mo kung ilang araw!" Bigla na naman humihiyaw si Danielle. Parang baliw to.

" Oo alam ko! Lumayas ka nga! Epal ka eh kita mong pinapanood kong mag harutan yung nasa harap ko" ang sakit nga eh, nakakaselos. Hindi niya ko pinapansin kahit nakikita niya ko.

"Oyy alam mo pansin ko lang ah, si Drake parang iniiwasan ka. Nakita kita kanina na inabutan mo siya ng tubig pero tinanggihan niya, pero nung si Riann na tinanggap niya. " May nakapansin din pala non. So may nakakita pa pala talagang napahiya ako don.

" Noona, nararamdaman mo ba yung nararamdaman ko? " Seryosong tanong ko sa kanya.

Tumingin namn siya sakin na parang nagtataka.

" Ano ba nararamdaman mo?" Seryosong tanong niya saken.

"Nasasaktan ako Noona, nasasaktan ako sa Relasyon namin ni Drake. Napapagod nako Noona. Palagay ko hindi nalang niya masabi sakin na ayaw na niya. " Oo matagal ko ng nararamdaman kay Drake yon. Mas masaya siyang nakakasama si kesa sakin.

" Bakit hindi nalang ikaw mismo yung tumapos pagod ka naman na pala" Tanong niya sakin bago niya tingnan sila Drake na pinasan si Riann habang nag tatawanan.

" Kung di ko lang siya mahal baka nagawa ko na yan. Kaso, Mahal ko eh. Kaya kahit pagod at suko nako, titiisin ko. Uso naman yung pahinga eh." Magtitiis nalang ako, titiisin ko hanggang kaya ko.

Umaasa kasi ako na baka bumalik pa yung dating Drake kaya hindi ko siya maiwan iwan.

Mahirap naman din kasing bumitaw pag mahal na mahal mopa.

Nangako ako sa kanyang di ko siya iiwan kaya tutuparin ko yon ano man yung mangyari.

" Minsan talaga ang tanga din natin eh noh? Yung marami ng patunay na sawa na sila pero, tayo naman mga tanga. Nakakapit parin. Tulad niyan, live na live yung landian nila at 'pinapanood mopa' pero tinitiis mo" natatawang sabi ni Danielle Noona pero may lungkot sa bawat tawa niya.

" Aminado naman akong tanga ako, matik na yung pagiging tanga pag nag mahal ka."

Kaya siguro ako nakakapit hanggang ngayon kase hindi pa talaga ako handa na iwan niya ko.

Hindi pako handa na mag isa nalang. Hindi pako handa na umiyak. Hindi pako handang gumising ng hindi na siya makakasama. Hindi pako handang maiwan.

----------------------

Nandito kami ngayon Pito nakaupo at ganun din yung The Core, The Generation, at dK. Naka upo din sila. Mag papakilala daw kase bawat Grupo. At mag kakamayan daw.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now