Chapter 72: Biglaan

94 3 0
                                        

Denice point of view

After 2 weeks

Ilang araw na kaming nag tatrabaho, at lalong napapalapit yung panahon na mag dedebut na kaming lahat bilang isang Grupo.

Ilang araw na din nung hiwalayan niya ko, mismong First anniversary pa namin. Sobrang saya ko non nung araw nayon dahil mag kikita kami sa Isang lugar. Sa isang Romantic na lugar.

Flashback

" Love nasaan ka na?" Seryosong tanong niya sakin habang nakatutok sa tenga ko ang cellphone habang kausap ko siya.

'Masyado naman excited itong pandak na to!'

" Otw na Love, malapit nako."

"Saan ka ba nakasakay? para malaman ko kung nandito ka na pag dating mo. Tago kasi yung pwesto natin baka hindi mo makita yung pwesto ko" Bakit ba ganito yung boses nito?

" Sa Van, may sumama sakin na anim na staff. Utos sa kanila ni Tito na bantayan at samahan nila ko ngayon, dahil baka makilala daw ako diyan. Pero sabi nila ayaw daw nila makiepal kaya dun nalang sila sa Van at hihintayin nalang nila ako don." Umokey naman siya at sinabing hihintayin niya nalang daw ako don.

Excited nakong maka date ko siya. Sa first anniversary namin. Sobrang saya ng araw na ito dahil maraming bumati samin karamihan ay Fans namin pareho.

Specially yung Pamilya ko. Mag tagal pa daw sana kami ni Zeann at maging matatag pa daw kami lalo.

Botong boto din sila kay Zeann simula nung unang ipakilala ko sa kanila yung pandak nayon.

---------

Pagdating ko ang daming Ilaw sa Garden at sobrang ganda talaga may mga kandila pa.

May tinatago pa palang sweet si Zeann.

Itinaas niya yung kamay niya kaya nakita ko siya. Naka Tuxedo siya ang Pormal niyang tingnan.

Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya.

Pinaghila niya ako ng upuan at umupo naman ako don.

" So ano yung gusto mong kainin" tanong niya sakin.

"Carbonarra nalang" Tinaas niya yung kamay niya at tinawag yung waiter. Umorder siya at pamaya maya dumating na yung order namin at may wine pa.

"So ano na ganap sa BlackMovers hindi pa kayo nag dedebut pero mapapantayan niyo na kami sa kasikatan" natawa naman ako sa sinabi niya.

" Kasikatan? Tsk kahit kelan hindi namin kayo mapapantayan mga awards niyo nga lang sobrang dami na eh. " biro ko sa kanya napatawa naman siya at napatingin ulit sa baba.

Ano ba problema nito? Bakit parang ang lungkot

" Oh ano ba nangyari sayo" tumingin ulit siya sakin at parang malungkot yung mata niya.

" Denice...--"

" Ito na po yung Order niyo Sir" biglang litaw ng Waiter. Ibinaba yung pagkain sa mesa at umalis na.

Habang kumakain kami, hindi kami nag kikibuan para ang awkward ng Moment nato.

Hindi ako makakain ng maayos at parang gusto kong malaman yung sasabihin niya kanina.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now