Kinabukasan
Iah point of view
Nandito ko sa Race City kung saan ay lahat ng kotse ay nag kakarera.Kahit sinong tao dito eh pwede mong ayain na mag karera.
"Heyy heyy heyy!" ang hangin ah pati ba naman dito nakakapunta pa! Letseee
"ano na naman ha?" sarkastikong tanong ko sa kanya
"Kita mo yon? nag kakarera sila diba? " tanong niya sakin,abay malamang makikita ko talaga yon ano tingin niya sakin walang mata?!
"may mata ko" mapaklang sagot ko sa kanya
"Mag karera tayo " nakangising sagot niya at ako?! tss mag papatalo ba ako?lalabanan ko siya
"o sige.10k ang pusta ko pag---" pinutol niya na naman ang sasabihin ko!
"hey hey heyy" pag pigil niya sakin habang nakaharap pa sakin ang kamay niya"ayoko ng pera gusto ko kakaibang pusta" nakangising sabi niya
"okey what is it?" nakangising sagot ko sa kanya
"pag ako nanalo,sasagutin mo nako,NGAYON NA" sabi niya habang nakatingin siya sakin ng seryoso
"at pag ako nanalo hanggang mag kaibigan nalang tayo" nakangising sagot ko at sumeryoso siya.may mali ba sa sinabi ko
"kaibigan talaga?" nakatulalang sabi niya
"c'mon,laban to hindi pa nag sisimula,malay mo manalo ka,pero malay mo hanggang mag kaibigan nalang tayong dalawa." nakangiting sabi ko sa kanya pero wow ha ang sakit isipin na mag kaibigan talaga kami.
"oh sige!" sumakay nako sa kotse ko at sumakay nadin siya
pamaya maya lang,nag simula na kami pero bago yon tinext ko siya para naman maasar siya
to:Drake
goodluck babe hahahaha!
ilang minuto lang nag reply nadin siya
from:Drake
"handa mo callsign natin pag nanalo ko wahahahaha!
letse naman oh kala ko maaasar!
(CAR SOUND )
may pumunta ng lalaki sa gitna at dala ang flag ng pang-karera at nag bilang ng 3 seconds para makapag umpisa na.
Nag uumpisa na at sabay na sabay lang kami at pamaya maya nauna ako at nahuli siya wahahaha! ako na panalo neto.Pero malapit nako sa finishline ng bigla siyang humarurot at ako ang nahuli punyeta tinodo ko na pero wala na talaga! Wala na finish na!
" Champion Lamborgini Black Orange Drake Zalles! " pag kasabi ng lalaki hiyawan ang mga tao punyeta nakakahiya huhuhu uuwi nako.
sumakay ulit ako sa kotse ko pero may humila na kagad sakin at pag kakita ko si Drake na abot tenga ang ngiti! nang aasar pa!
"pano bayan nakatali ka na sakin" nakangising sabi niya.hanudaw! ano kami mag asawa!?
"Boyfriend lang kita at hindi asawa wag kang OA!" hiyaw ko sa kanya
"Ang sweet mo pala" mapaklang sabi niya
"Thanks" sarkastikong sabi ko at ngumiti ako
"Wag moko ganyanin,hahalikan talaga kita dito" seryosong sabi niya at nagulat ako
"M-mabait talaga ko b-binibiro lang kita" kinakabahan na sabi ko dahil unti unti ng lumalapit ang muka niya sakin.
"Ano tayo na ha?" nakangising sabi niya at sobrang lapit na ng muka niya sakin
" oo na sige na tayo na" pilit kong pinapahinahon ang sinasabi ko dahil ayokong mahalata na natatakot ako sa ginagawa niya
Bigla nalang siyang napangiti at inakap ako ng mahigpit nakakahiya ang daming taong nakakakita samin!
"KAMI NA!!!!!GIRLFRIEND KO NA SIYA!" sigaw niya at inakap ulit ako nag palakpakan naman ang mga tao.Napangiti nalang ako,ang sarap pala sa feeling na yung taong minamahal mo,pinag mamalaki ka at proud siya na nakuha ka niya.
'Ganito pala ka-sweet itong taong 'to'
After 3 months
Masaya kami lagi ni Drake at madaming nag sasabi na ang saya daw ng relationship namin dahil para lang kaming mag boybestfriend at mag girlbestfriend. Marami din nag sasabi na bagay kami,simula nung naging kami wala siyang pinag bago napakayabang niya parin pero hindi nako naiinis sa kayabangan niya natatawa nako.
Naging Close ko na din ang anim at alam ko na din kung bakit malungkot si Klint Hyung
Nalulungkot siya dahil hindi makapag bayad ng utang ang pamilya niya sa Pamilyang Japanese.Sabi ng Pamilya na inutangan ng magulang niya,hindi na papabayaran ang utang pero sa isang kondisyon...ikakasal siya sa anak ng pinag kakautangan ng magulang niya na si Szina Mitosaki.
Ayaw ni Klint na maikasal kagad lalo na sa babae na hindi niya naman mahal at gusto.Ganun din ang Pamilya niya dahil gusto ng magulang na mapangasawa ni Klint ay ang Talented at mabait.Pero wala na silang nagawa at napilitan nalang sila na maikasal si Klint
Sa totoo lang ayaw din nila Drake na maikasal si Klint At Szina kaya umisip sila ng paraan
Pinagsama-sama namin ang pera namin hanggang sa maipon namin yon at binigay kay Klint sa una ay ayaw niyang tanggapin ang pera pero binatukan siya ni Yuan at sinabing 'mag kakapatid na turingan natin at matik lang na tulungan ka namin diyan sa problema mo.'
Hanggang sa sumunod na buwan nabayaran na nila ang utang at bumalik na ulit sa dati ang ugali ni Klint,bumalik na ang dating walang pinapasan na problema at ang muka na masayahin at madaldal na ulit
" Alam niyo ba na nagkita kami ng Szina nayon, na-badtrip kagad ako? Nakakabanas! " Halata ang inis sa muka ni Klint Hyung habang sinasabi ang ganun kataga.
" Baket?" Nagtatakang tanong ni Grent Hyung
" Sobra niya kasing Clingy! Tapos hanggang sa pagkain--ehh basta! Hindi ko na itutuloy ayoko na! Nakakaasar lang!" Sigaw niya. Tinitingnan lang namin lahat yung ginagawa niya
" Sino ba kasi yung biglang nag kwento?" Bulong ni Drake na katabi ko lang. Sinamaan naman siya ni Klint Hyung ng tingin. Nadinig yata. Nagpigil nalang kami ng tawa nila Zeann Hyung.
" Wag kang bumubulong ah!" Balyaw ni Klint Hyung kay Drake
" Ano naman sayo kung bumulong ako?" Sabi naman ni Drake kay Klint Hyung
" Alam mo bagay ka kay Szina eh! Pareho kayong nakakaasar" balyaw na naman ni Klint Hyung kay Drake. Natawa naman ako imbis na mag selos, ewan ko ba kung bakit.
" Hoy Klint! Hindi ako bagay sa 'fiance' mo no! May Iah ako! At hindi ko ipagpapalit yung Syota ko sa babae mo! Eheee wala pa nga sa kalahati ni Iah yun eh! Talampakan lang siya Men, talampakan lang" pagyayabang ni Drake.
" Hindi ko Fiance yon! Hindi na hahaha!" Sagot lang ni Klint. Sila lang dalawa ang nag iingay at nakatanga lang kami habang pinapanood silang mag balyawan.

YOU ARE READING
My Enemy is my Forever (BOOK l) COMPLETED
Teen FictionBOOK 1: MY ENEMY IS MY FOREVER (COMPLETED) BOOK 2: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED) BOOK 3: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED)