Chapter 19: Jogging

115 3 0
                                        

Denice point of view

Kagigising ko lang at eksaktong 5:00 am.Ang sarap mag jogging pag kumpleto,pero malabo,dahil may sadyang mga tamad talagang bumangon.

Pumunta nako sa kwarto ni Danielle at ginising ko siya pero hanep, dieg kopa gumigising ng patay.Ang Hirap talaga nilang gisingin ni Iah parehas na parehas sila.By the way ako din naman pero,hindi naman masyado.

"Hoy Gising na ano ba?! mag jojogging tayo 5:00 na oh! tara na!" hiyaw ko sa tenga niya at siya nakapikit padin,pag ganitong mga mahirap gisingin dapat sinasapok kagad eh para isahang gising nalang

"hmmmm maaga pa" sabi niya habang nag iinat at tumagilid at natulog ulit pero gising na yung diwa ng gagong to.

"Eh ano gusto mo?! jogging ng hapon? abnormal kaba?! kung tawagin ko si Klint at siya yung gumising say---"

"Oo na! eto na nga oh bumangon nako okey na!? sabi ko naman sa inyo maaga kong gigising eh!" Tss maagang gigising,baka nga abutin siya ng hapon sa pag bangon kung wala ako dito.

"Bilisan mo gigisingin pa natin yung Patay sa kabila" hiyaw ko sa kanya habang nasa cr siya

"Ikaw nalang gising ka naman na eh" hiyaw din niya sa cr

" eh ano tingin mo sa sarili mo tulog pa?! Ayokong pumunta don mag isa noh?! Gusto ko pag natadyakan ako don gusto ko pati din ikaw, para patas!" sigaw ko din sa kanya.Wala na siyang magagawa,damay damay na dapat.

"Hintayin mo nalang ako sa labas ang ingay mo diyan!" reklamo niya sakin.Madidinig ba niya ko pag binulong ko lang?

Lumabas na ko at pag baba ko nandon na sila Yuan Hyung,Billy Hyung,Grent Hyung,Zeann,Klint,at Drake.Si Rhake Hyung nananaginip payon panigurado,sing haba ng tulog nun yung panaginip niya eh.

"Oh akala koba ginising mo na si Danielle,Denice Unnie?" tanong sakin ni Klint.Grabehan ah! utusan pala ko dito

"Ayaw kasi ng girlfriend mong maingay sa kwarto niya kaya pinalayas ako,okey lang naman sakin at hindi yon masakit,sanay naman ako ng tinataboy...Nilang dalawa!" hiyaw ko sa kanya at nagulat siya sa pag sigaw ko pati si Zeann nakakunot ang noo na nakatingin sakin pero inirapan ko lang!

"Buti nga pinalayas ka lang eh ako pinapalo ako ng unan pag ginigising ko siya,ganon siya kabait" mapaklang sagot niya.Huh? eh bakit nung sinabi kong si Klint nalang yung pupunta don bakit parang mag apura siya?! Wahahaha siguro nahihiya siya kay Klint na makita yung muta niya Wahahahah.

"Eh..si..Iah..gising..naba?" tanong niya sakin at halatang malungkot siya.Nakakaawa siyang tingnan.Mag kaayos na sana sila

"Hindi pa,dalawang tao yung gumigising dun eh,hinihintay kopa si Danielle na bumaba para sabay kaming gisingin siya" oo na! masyadong wild kasi yung gigisingin namin.Kaya kailangan mag handa kami.

"Hoy Denice tara" salubong na kilay na sabi niya ano ba problema non?

"Teka pinababa mopa kasi ko!" reklamo ko sa kanya habang papaakyat sa hagdan

"wala naman akong sinabing bumaba ka sabi ko lang lumabas ka sa kwarto ko " nakakunot na sabi niya

"Wag ka ng maingay diyan ang dami mopang dada buti nga ginising kita eh" sabi ko sa kanya at pumasok na kami sa kwarto ni Iah.Saktong madilim pa,madilim din sa kwarto niya at may ilaw lang dun sa mga picture na mga naka ayos sa isang kagaguhan na lagyanan at mga nakasabit don habang napapalibutan ng kulay Blue na Christmas light.Hindi pa pasko,alam ko!

"Buksan mo nga yung ilaw diyan" utos ko kay Danielle at binuksam naman niya nakita ko si Iah na sobrang himbing ng tulog at balot na balot sa makapal na kumot niya na kulay Blue jusme parang dagat naman tong higaan ng babae nato! blue na blue.

"Babae gising na!" hiyaw namin sa kanya pero gumalaw lang siya ng kaunti kaya hinawakan namin siya at nayugyog.Parang may mali eh,parang may nararamdaman to.Hinawakan ko yung braso niya at ang init nga! kahit na naka long sleeve tumatagos yung init.

"Danielle hawakan mo yung ganito niya ang init may lagnat siya!" nag aapurang tawag ko kay Danielle habang siya nakatalikod sakin at nakaharap siya dun sa mga picture.

" Hindi ba dapat sa noo at leeg yon! kelan pa nilagnat yung tao na sa braso hinahawakan para malaman na may lagnat?" sermon niya sakin! oh edi siya na palibhasa Doctor kasi si Tita kaya may nalalaman din siya kahit papaano.

"Sasabihin ba natin sa kanila?" tanong sakin ni Danielle.Oo nga noh,kailangan nga namin to sabihin sa kanila lalo na kay Drake.

"Iah may lagnat ka" sabi namin sa kanya

"oo feeling ko kagabi pa to sorry pass muna ko sa jogging hindi ko kaya" nahihirapan na sabi niya

"mabuti pa nga teka babalikan ka namin kukuha kami ng gamot" sabi naman sa kanya at nag salita siya kagad

"Wag na,kaya ko sarili ko inaantok pako iwan niyo nako,mag jogging na kayo.Kaya ko to promise pakisabi sa kanila hindi ako makakasama" sabi niya samin at naintindihan naman namin yon dahil may common sense naman kami

Pag baba namin don nakagayak na sila at si Zeann naka bonet pa mukang may cancer joke hahahahaha

"Hindi daw makakasama si Iah kase..." sabi ni Danielle at tumingin pa sakin

"kase..." bigla naman sumabat si Drake at parang nag aalala na kagad siya

"ano nangyare?" kabadong sabi niya

"may lagnat siya" malungkot na sabi namin ni Danielle,nagulat kaming lahat ng biglang nag tatakbo si Drake sa kwarto ni Iah.Ang sweet...

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now