Iah point of view
"Mars hindi mo naman sakin nabanggit na mas maganda pa pala sayo itong baby girl mo" sabi ni Tita Mariz at natawa naman ako sa sinabi niya. Baby girl? Muka ba akong baby?
"Wahahaha maganda ba siya? mana mana lang yan eh hahaha" matawa tawa si momny habang sinasabi yon.
"Hi Iah call me Tito Daddy nalang hindi nag kamali si ----" sabi ni Tito dahil tinulak siya ni Tita Mariz
"Hi Iah, call me Tita Mommy nalang ang ganda mo hihihi bagay ka sa anak ko kay Drake sagutin mo siya pag niligawan ka niya ha?" sabi niya at inakap niya ko at natawa nalang ako at inakap ko nalang siya ng pabalik. Bagay daw ako sa anak niya? Bakit ako pa? Ang dami naman sigurong naghahabol don sa anak niya. Sikat yon. Ako hamak isang member lang ng Dance troupe lagi pang sablay.
Tiningnan ko naman si Drake na nakaupo lang sa isang sulok at nakatingin ng seryoso sakin. Bigla naman siyang tumayo at pumunta sa Pool. Ano nangyari don?
" So, sa Clark ka pala Iha nag aaral?" Pinaupo niya ako sa isang wooden table na may nakalagay na mga pagkain na mukang kaluluto lang. Siya pa ang naghain ng pagkain para sakin. Mukang mabait at humble ang mag asawa. Pwera lang duon sa anak niyang may hangin sa katawan.
" Opo, Grade 10 student." Hindi kona sinabi na member ako ng Dance troupe at apo ako ng mayari at Principal ng School dahil mukang ang yabang na sa pandinig non. Hindi ako nagpunta dito para mag yabang.
" So Graduating ka pala, balita ko magagaling ang mga Dance troupe ngayon don, ikaw ba ang leader nila? Nakapanood na ako ng Video niyo nung Division meet, ah?" Lumabas yata ang butil butil na kanin sa bibig ko. Alam pala niya? Uminom ako ng juice na nandon at tumikhim.
" Hindi po," umiling pa ako. Muka ba akong leader? Ako nga yata ang pinakabata sa mga yon! Buti kung pumayag ako na leader, kaya na ni Gab yon! Ang hirap hirap maging leader, e.
" Ah, madalas kase ikaw ang nasa harap at gitna. Kaya akala namin ni Tito mo ikaw ang leader." Natatawang sabi niya. Para naman boyfriend ko yung anak nila kung tatawagin ko silang Tita at Tito. Ngayon ko nga lang din sila na meet.
Nang matapos na ako sa pagkain ay nagpahinga lang ako at nakipag text kay Chanel na mali mali na ang type. Bakit kase ang hilig mag drunk text ng hayop na 'to. Sumasakit ang utak ko kakabasa at kakaisip kung ano yung sinasabi niya.
Nagpalit lang ako ng Highwaist na short at croptop na white. Naglakad na ako papuntang pool na mukang kalalagay lang ng tubig. May ilaw pa sa ilalim na iba't ibang kulay. Meron pang waves. Nakakasabik lalo.
May hagdanan pa dahil mataas yung pool na yon at nagiisa lang.
Balak ko sanang bumalik ng makita kong nakahiga si Drake don sa isa sa mga upuan na pwedeng higaan. Pero sayang kung aalis ako dito. Pwede naman na hindi nalang siya pansinin dahil mukang wala din naman siya balak mamansin. Naka earphone siya at mukang nakapikit.
Walang nakalagay kung ilang feet pero alam kong mababaw lang 'to. At isa pa, hindj naman ako pandak kaya hindi ako lubog dito.
Tumalon ako na parang bata at napunta kagad ako sa medyo gitna. Napalunok ako ng maramdaman kong malalim pala at hindi pa ako nakakaapak sa ilalim. Putangina, gaano ba 'to kalalim at mukang ang layo kopa sa baba?
Nakita kong medyo malayo pa ang paa ko para makaapak don sa tiles. Ang layo kona din sa pinagtalunan ko kanina.
Mamatay kaya ako dito? Parang oo.
Pag kaapak napagkaapak ko sa tiles mabilis akong tumalon at dahan dahan akong tumaas. Hindi naman kase ako sanay maglangoy ang kapal kapal ng muka kong tumalon dito. Ano 'to Dam sa sobrang lalim? Lulunodin yata ng mayari nito ang mag suswimming dito.

YOU ARE READING
My Enemy is my Forever (BOOK l) COMPLETED
Teen FictionBOOK 1: MY ENEMY IS MY FOREVER (COMPLETED) BOOK 2: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED) BOOK 3: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED)