Chapter 41: Dance Battle (pt4)

85 3 0
                                        

Drake point of view

Ang saya pala na manood ng mga showdown lalo na pag mga professional ang gagaling nilang lahat.

"wowwww ang galing ni Denice" bulong ni Zeann sa gilid ko.Tsk halata naman na gusto niya si Thea eh pero mas halata naman yung kay Denice,kung ako ang tatanungin kung sino ang nararapat kay Zeann Hyung si Denice ang pipiliin ko.Kalog kasi si Denice Noona sa ilang buwan na nakasama naman siya ang bait niya at mapagmahal,maalaga,masayahin,madiwara nga lang.Siya yung tumatayong ate sa dalawa pero nung dumating sila Angel Noona para na silang magkakapatid.At may matured na silang kasama na babae.Sila kasing tatlo dati may pag kaisip bata pag may topak.

Pero ngayon? sa iisang araw nato...maraming nabago,lumabas yung pagka seryoso nilang lahat.Hindi ko ngayon matanggap na may tampuhan kami ni Iah.

Kahit naman na may umaligid na babae sakin siya at siya paren.Walang makakapalit sa pwesto niya sa puso ko.Cute man at masarap sa pakiramdam na nag seselos siya dahil nararamdaman ko talaga na mahal niya ko pero nakakakaba padin pag nag away na kami.

"Wala na bang mag shoshowdown? bitin talaga,sige na...last na promise" nag mamakaawa na naman si Zeann nakakainis siya,nakita na nga namin na may dirty moves na dala dala yung kampon ni Vanessa eh baka mamaya sa susunod na showdown manabunot na isa sa kanila.

Nakita ko kanina na tinalisod ni Thea si Denice pero hindi lang siya pinansin nito.Tssk professional pa naman. Ang alam ko sa mga nag di-dirty moves naiinis na sa kalaban eh at may isa pakong alam,insecure sa kalaban niya o natatalo na siya kaya siya nag di-dirty moves.Pinatunayan ni Thea na ganun siya.

"Ako namannnnn! kaso wala akong kalaban" ang cute ni Daze pag nagmamakaawa.Actually kaya lang ako hindi kumikibo pag nakahawak siya sa braso ko,feeling ko kasi may kapatid akong cute na mataba ang pisngi.Mataba kasi yung pisngi niya at para siyang bata,este isip bata.Hehehehe

"Oo nga noh? " nanghihinayang na sagot naman nila Nadine,bakit magaling ba si Daze mag sayaw?

"Si Iah nga pala nasan pwede siya nalang?" sagot naman ni Vanessa,nagulat ako ng marinig ko yung pangalan ni Iah.Naalala ko na naman yung seryoso niyang muka.

Tiningnan ko sila Angel Noona,parang tutol sila,siguro dahil sa nakita din nila na may dirty moves nga si Thea kanina siguro ayaw lang nilang mangyari lang din yon kay Iah.

Siguro naman hindi gagawin ni Daze yon.Sa ngayon mag titiwala ako sa kanilang dalawa.

"Heyyy heyyy heyyy" napunta ang tingin namin lahat kay Iah na...lasing ba siya? namumula siya at pinagpapawisan hinawi niya yung buhok niya kaya nagulo,ang ganda niya

"Oh bakit? may problema ba?" tanong niya samin hindi naman kagad kami nakakibo kanina kasi ang seryoso niya at tahimik.Ngayon seryoso siya na hyper,basta kakaiba siya ngayon.

"Iah pwede ba tayong mag showdown?" si Daze ba to? bakit parang nag iba yung boses niya ngayon naging seryoso at parang nagiging plastik siya sa harap ni Iah?

"Showdown sigurado ka?" nakangising sabi ni Iah at nakahalukipkip na naglakad papalapit sa harap ni Daze "sige" matipid na sagot niya,tss may katok na naman toh hahaha paiba iba siya ng mood.

"Iah " tawag ni Angel sa kanya na parang pinagbabawalan si Iah na wag ituloy,halata sa boses niya na nag aalala siya

"Noona ako bahala,manood nalang kayo" walang emosyon na sabi niya.Walang emosyon yung mata niya na tumingin sakin.Ang sakit ng tingin niya,ang awkward pero masakit talaga.

(Axwell Ingrosso - Dreamer)

Ang ganda ng sasayawin nila,nakakaxcite na manood.

Pagdating ng Intro namangha ako sobrang galing ng dalawa,kung ako siguro yung judge mahihirapan ako mamili.

Sa gitna non,napapansin kong gumagawa ng paraan si Daze na matalisod si Iah,nagulat ako don at nainis ako sa kanya.Parehas sila ng kasama niya.Mga dirty moves.

Pero nagpapasalamat at natatawa nalang ako dahil parang alam ni Iah yon at mabilis na nakakaiwas at ang mas nakakatawa pa don binalik niya yung pagtalisod sa kanya ni Daze kaya muntik ng matumba si Daze.Si Iah naman nakita kona tumawa saglit.Kaya niya din palang makipag sabayan sa mga nakakalaban niyang may maruruming galaw.

Natapos yon at kinakabahan ako kung sino ang manalo,masaya nako na si Iah ang manalo.

"Oh wag na natin sabihin yung score" natatawang sabi ni Rhake,pinag titripan niya ba kami?!

"Hoy Hyung ayusin mo kase!" hiyaw ko sa kanya

"oo nga!" sumagot naman silang lahat sila Angel Noona naman nakaupo parin si Iah naman sarkastikong nakangiti lang.Bakit ba siya nag kaganyan? Hayssst lasing nga pala siya.May binabalak ba siya o ganyan lang talaga siya pag nalalasing

Pumunta na sa harap sila Zeann kasama sila Daze nag kumpulan na sila don lahat pwera lang kila Angel Noona silang lahat nila Hana Noona.Lumapit ako kay Iah dahil para talagang may balak siya gusto ko siyang tanungin.

"Ano ba yung binabalak mong gawin?" seryosong tanong ko sa kanya,naiinis ako dahil pakiramdam ko may gagawin siya.

"Huh?" nakangising sagot niya,may balak nga toh kung ano man yon kailangan hindi niya matuloy

"Alam kong may binabalak ka dahil halata naman diyan sa ngiti mo" diin na sabi ko sa kanya at napatigil siya saglit umiwas siya ng tingin

"Tss ganyan ba yung tingin mo sakin?" nakangising sagot niya naiinis ako sa mga sagot niya.Ayoko lang na may away na mabuo dito

"Ngayon oo,oo ganon yung tingin ko sayo" seryosong sagot ko sa kanya,sumeryoso naman siya saglit at natawa

"tss buti pa tong ngiti nato napansin mo" nakatingin siya sa mata ko at nakikita ko sa mata niya na malungkot siya,wala pa man din siyang nasasabi na dahilan feeling ko nag hinala ako ng masama at mali sa kanya.Inshort na-guilty kagad ako

"Pero yung lungkot ko binaliwala mo" nakangiting sabi niya sakin pero may halong dissapoinment

"Nakangiti ako hindi dahil sa may balak ako,nakangiti ako para matago yung lungkot ko" nakangiting sabi niya sakin feeling ko iiyak na siya.Umalis siya at nilagpasan niya ko nilingon ko siya pero nakita ko nalang na nakayuko na siya at nag papahid ng luha.

'kasalanan ko na naman'

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now