Chapter 61: Ex boyfriend

82 3 0
                                        

Danielle point of view

Hating gabi na at umiinom padin kami dito, hindi parin umaalis ang mga tao.

Nahagip ng mata ko si Ken...Ex boyfriend ko...Kinabahan ako nung nakita ko siya dahil nakatingin din siya sakin.Hindi ko alam pero parang may kumirot sa dibdib ko.

Nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya bigla siyang umiwas at parang nataranta siya kaya umalis siya kagad sinundan ko siya ng tingin at alam ko na sa  dagat siya pupunta.

"Guys wait lang. King, wait lang ah may kukunin lang ako kay I-Iah" pag sisinungaling ko sa kanya

"Okey, ingat ka Queen hintayin kita dito" umalis nako, hindi ko pa man siya nalalapitan nakita kona na kausap siya si Iah.

Kinabahan ako nung nakita ko sila, mabuting tao din si Ken kaya ko siya minahal dati. Nag tagal kami ng 2 years and 8 months. Nag break kami dahil nag bago yung ugali niya. Naging masama siya, nasaktan niya din ako dati kaya nakipag hiwalay ako sa kanya. Nag habol siya sakin non Ilang taon siyang nag hintay ulit sakin pero ayoko na talaga.

Nung nakita kong paalis na siya pumunta ko sa maraming tao para hindi niya ko makita.Nakita ko siyang pumunta sa maraming puno, madilim, nakakatakot, pero kailangan ko siyang makausap. Kung bakit siya nandito?

Pumunta ko sa gilid niya, nakita kong may dala siyang alak. At halatang galit siya.

"Ken" diretsong tawag ko sa kanya, hindi siya kagad makalingon.Siguro dahil nagulat siya

"D-danielle, anong ginagawa mo dito?" halatang gulat pa din siya.

"Ako dapat mag tanong sayo, anong ginagawa mo dito?" nakakunot na noong sabi ko sa kanya

"Sinusundan kita" diretsong sagot niya at tumalikod ulit.Pumunta ko sa harap niya at blangko lang ang reaksyon niya. Kitang kita sa malaking maliwanag na buwan ang muka niya.

"Bakit moko sinusundan?  ano ba kailangan mo? " iritang tanong ko sa kanya, ngumisi naman siya

"Hindi ba obvious na ikaw ang kailangan ko?" sarkastikong tanong niya, sumama ang tingin ko sa kanya

" Payag akong sundan moko ng sundan pero wag mong subukan na siraan  relasyon namin" babalang sabi ko sa kanya at tumawa siya ng sarkastiko

" Pero hindi ako payag sa gusto mo, hindi naman grabeng pangsisira gagawin ko sa inyo kaya chillax ka lang---" sinampal ko siya. Sobrang lakas na sampal

" Kung Matured ka mag isip, hindi mo gagawin yan. Ganyan ka ba kadespererado  Ken?" mapaklang tanong ko sa kanya pero hindi parin naaalis ang pag kasarkastikong boses ko

" Pasensyahan tayo, Imma ako, hindi ako yung matured na inaakala mo. Sige, hindi ako maninira sa inyo. Sabagay, dadating din naman kayo don eh, sulitin niyo nalang. Alalahanin mo, dadating din yung araw na mag dedesisyon ka, kung kakapit ka pa...o bibitaw na" Sabay ng pag katapos niya ay umalis na siya.

Dadating yung araw nayon, kaya hihintayin ko nalang. Well gusto kong ipamukha sa kanya na lalaban kaming dalawa ni Klint. Harap harapan pa, para lamunin siya ng hiya.

Bumalik na ko kila Klint at nag inuman kami, hindi ako mapanatag sa sinabi ni Ken sakin, kaya hindi kona halos maenjoy inuman  buti nalang hindi nila npapansin.

Dumating si Denice Noona, hindi ko napansin na umalis pala siya, lumapit siya sakin at may ibinulong.

"Ken Lorens nandito siya." seryosong sabi niya, hindi nako nagulat pa dahil huli naman na siya

" Alam ko, wag mong problemahin yung maliliit na bagay. Kalimutan mo na yon" nginitian ko nalang siya at uminom nako

"Pero mag uusap tayo mamaya" tumango nalang ako sa kanya, pag ganito nangyayari seryoso na kami. Pag may nangyayaring ganito seryoso kaming lahat lalo na si Iah. Siya kasi yung maraming dada pero mga tama. Magaling mag isip ng mga paraan at plano.

------

" Ano daw ginagawa ni Ken dito?" seryosong tanong niya habang natutulog na sila Klint sa Hotel kami nalang yung nandito sa Garden

"Actually, nag usap kami kanina sa totoo nga sinundan ko siya kanina. Nag sinungaling lang akong may kukunin ako kay Iah pero susundan ko talaga siya" nag hihintay siya ng sunod kong sasabihin " Kinausap ko siya kung bakit siya nandito at ano yung ginagawa niya dito, sagot niya sinusundan niya ko" napabuntong hininga nalang ako

"Para saan?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko alam, pero sabi niya guguluhin niya relasyon namin ni Klint, pero hindi niya na yata itutuloy. Dahil sabi niya...dadating naman daw kami ni Klint don balang araw...kaya daw sulitin na namin." Kung totoo man yon hindi ako matatakot na harapin yon dalawa. Alam kong lalaban si Klint don.

" P-pano nga kung mangyari yon edi posible din na mangyari sa amin ni Zeann yon" nagulat ako sa sinabi niya.

"Bakit kayo na ba?" nagulat siya sa tanong ko

"O-oo kami na kanina lang"

"Ayiee congrats Noona, pano yan? nakatali ka na sa kanya" natatawang tanong ko sa kanya parang nawala lahat ng kaba at problema ko sa sinabi ni Nonna

"Wag kang Oa hindi kami mag asawa" natatawang sabi niya.

"Hahahaha pero masaya ko sa  inyo dahil kayo na, kelan niyo naman balak sabihin sa kanila yon? "

"Bukas" tipid na sagot niya.Wow kaya pala ang saya ni Zeann kanina. "Tara na makatulog na! maga daw yung uwi natin bukas dahil pupunta pa daw tayo sa presscon sabi ni Tito" bakit kaya?

Natulog na kami since mag katabi nga pala kmi ni Klint sa pag tulog kaya naabutan ko siyang natutulog na.Nakaharang nadin yung Unan sa gitna namin.Hindi ko tuloy matiis na hind titigan si Klint.

May pagkakahawig kasi siya kay Ken, pero mas pogi siya, mas makulit siya, mas joker siya, mas mabait siya, mas sweet siya, mas caring siya, mas honest siya, mas loyal siya, mas mahal ko siya.

Natulog na din ako na katabi siya.Hinalikan ko muna siya sa Noo, pero nagulat ako ng halikan niya din ako pero nakapikit siya.

"Nag nanakaw ka pala ng kiss sakin ah" aba ang yabang sa noo lang naman

"Ang yabang mo ah? mas malala pa nga yung ninakaw mo sakin" tumawa lang siya habang nakapikit. Sira ulo talaga

"I love you Good night, matulog ka na Queen" kiniss niya ulit ako sa noo at Natulog na kami

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن