Iah point of view
"tss buti pa tong ngiti nato napansin mo" Sobrang sakit na harap harapan siyang nag hihinala ng masama sayo,sa paghihinala niya nayon pinaramdam niya sakin na wala siyang tiwala
"Pero yung lungkot ko binaliwala mo" Ngumiti ako yung ngiting alam kong yun nalang yung kaya ko,wala nakong pake kung may maisip na naman siyang masama sa ngiti ko
"Nakangiti ako hindi dahil sa may balak ako,nakangiti ako para matago yung lungkot ko" ngayon ko lang naramdaman kay Drake na mag hinala siya sakin ng ganito,sa araw nato pakiramdam ko nagbago kagad siya.Ang sakit pala noh? nasaktan ka na nga niya,siya pa yung nag hinala sayo...Ang unfair talaga
(now playing; ed sheeran- supermarket flowers)
Hindi ako makatagal sa sitwasyon nato, kahit pala idaan mo sa inom at iyak yung problema mo,wala pa din palang mangyayari.
Gustuhin ko man kanina na maging masaya sa harap nila pero sa una lang pala gumana sa huli lumabas din yung tunay.
Gusto kong mag langoy,naalala ko na naman na pag may problema ko dinadaan ko lang sa pag langoy para kahit papaano nakakalimutan ko yung problema ko at nawawala kahit konti.
Bumangon ako sa kinahihigaan ko tiningnan ko yung cp ko 7 na pala,pumunta ko ng bintana at nakita kona malinis ang tubig sa pool at sakto walang tao at may ilaw na nakapalibot sa pool.Nakakatanggal ng stressed kahit papaano.
Nag palit ako saglit ng white long sleeve at nag maong short ako wala naman ng tao kaya pwede ako mag short ng maigsi.
Bumaba ako at sakto walang tao sa sala sa ngayon ayokong may makita kong tao kahit na sino at gusto ko mapag isa lang ako.
Nag dala ko ng wine at ng junk foods sa pool at itinabi ko yon sa gilid kasama ang cp ko.
Tumalon kagad ako,alam kong malalim to at mas lalong alam kong walang magliligtas sakin pag nalunod ako,nag focus ako at successful naman dahil kaya kong mag balance.Habang nasa ilalim ako naalala ko na naman lahat,kusa nalang humahalo yung luha ko sa tubig.
Naaalala ko yung nasa pool ako ng mapapayag niya ko na ligawan niya ko,yung pag ligtas niya sakin.Nakakatawa na isipin yun noh? kasi ngayong malungkot ka wala siya at ang mas masaklap siya yung dahilan.
Umahon ako at umupo kumuha ko ng wine at ininom ko,kinuha ko ang cp ko at may notificafion.
'Daze upload a photo with you and Drake Zalles and 18 others '
Ayom din ah tinag pa talaga ko pati yung mga kasama namin kanina eh sa kanilang picture lang naman to ng lalaki.
Caption: With my Boybestfriend💛
kapal maka boybestfriend,baka kalandian mo kanina tss.
"Ano ginagawa mo dito gabi na?" seryosong tanong niya,tanong ng mga tanga yun ah
"Wala naman sinabing may araw lang pwedeng pumunta dito" walang ganang sagot ko sa tanong niya
"Ayusin natin toh" nakakagulat ah,biglang gusto niyang mag ayos?! okey lang ba siya
"Ikaw ang gumulo kaya ikaw ang umayos Drake " diin ko sa pangalan niya.Sa ngayon ayoko na munang mag usap kami lalo pa't nakaupo siya sa tabi ko.Tumayo nako pero tunayo din siya at hinila niya ko.Malakas ang pag kakahila niya sakin kaya bumagsak kaming dalawa sa tubig nag katinginan kami sa ilalim kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya umangat ako at iniwan ko siya don pero hinila na naman niya ko at sabay yakap sakin,kakapusin yata ako ng hininga dito kaya tinanggal ko ang pag kakayakap niya sakin pero ayaw niya parin kaya umiling ako at tiningnan ko siya ng 'kakapusin ako ng hangin' at tumigil siya saglit at bigla nalang niya kong
*TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG TUG*
'hinalikan niya ko...binigyan niya ko ng hangin'
'nakuha niya na yung first kiss ko'
Umangat na kaming dalawa at nagulat ako ng nandon silang lahat at may mga lobo na sa harap namin dalawa at may party popper pa silang pinasabog.At nahagip ng mata ko ang nakasulat sa tarpulin na sakto lang ang laki na 'Happy Anniversary Babe'
Hindi ko alam pero kusa nalang yata akong napangiti,nag ayieeee naman silang lahat samin ni Drake at tiningnan ko siya at nakatingin na pala siya sakin ng seryoso bigla siyang ngumiti
"Hindi ka na ba kinapos?" nakangising sagot niya nakakainsulto yung ngisi niya,dapat hindi ako pumayag na halikan niya ko eh chaka nakakahiya wala akong alam sa kiss.
"Ang yabang mo hindi pa tayo ayos,baka nakakalimutan mo pinagpalit moko kanina diyan sa Daze mo!" balyaw ko sa kanya at napatawa naman siya pati nadin sila Klint
"Hahahaha Hindi siya sakin,May iba akong pag aari at ikaw yon" nakangiting sabi niya sakin! ang landi ah.
"Plano lang namin nila Klint at Zeann yung kanina na pag selosin ka para mangyari.....yan yung mag mukmok ka,alam din ni Daze yon at pumayag naman siya kaya nga friend nga daw kami eh hahaha pero wala sa plano yung kay Klint at kay Aby wala akong alam don" sabi ni Drake. Nakita ko naman si Danielle at salubong ang kilay, tumingin siya kay Klint,hinulog niya si Klint? haneppo ahhh hahahaha
"walangya ka! hindi naman pala kasali sa plano yung sayo pero nakipag landian ka don kay Aby!" hiyaw ni Danielle kay Klint at itinulak niya si Klint sa pool nag tawanan naman kaming lahat
"Queen naman sariling plano ko yon" nakangusong hiyaw ni Klint kay Danielle na nakatayo don at salubong na salubong yung kilay.Sabagay,talagang nakakaselos yon
"Para saan ha? manahimi--wahhh!" tinulak din nila si Danielle sa pool at nag tawanan silang lahat humagalpak naman kami ng tawa nila Drake,kung gaano ako kalungkot kanina kabaliktaran naman ngayon ang sarap sa feeling.

YOU ARE READING
My Enemy is my Forever (BOOK l) COMPLETED
Teen FictionBOOK 1: MY ENEMY IS MY FOREVER (COMPLETED) BOOK 2: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED) BOOK 3: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED)