Chapter 22: Sembreak

113 3 0
                                        

Iah point of view

Nakakabagot pala sa bahay pag sembreak, kahit na marami pa kayo at kasama mo ang mahal mo nakakabagot paren. Biruin niyo, 4 weeks ang sembreak. Masaya nga na walang pasok, malungkot naman dahil nakakabagot.

Mahirap din naman kasi mag gala ng mag gala dahil, mahirap madumog ng tao. Ang hirap ng ganito, wala naman ako sa showbiz pero ganito yung buhay ko.

Alam kong ako lang yung mababagot lagi dito.Dahil sila masasaya sa baba. Ako nandito lang sa kwarto lonely. Pero okey nayon. Atlis walang istorbong lalaki na papasok dito.

"Babe" speaking of...

"oh?" walang ganang sabi ko

"ang boring no?" boring! ang saya niyo nga kanina habang binabara ko.

"ano gagawin ko?" sigaw ko sa kanya

"kiss moko" nakangising sabi niya, at kinabahan naman ako don.

"Lumayo ka nga sakin naiirita ko sayo!" sigaw ko sa kanya

"Bakit meron ka ba?" nag aalalang tanong niya, ano naman kung meron ako?! hindi naman ako mamatay

"wala, gusto ko lang mapag isa" walang ganang sabi ko at tumingin nalang ulit sa labas.

"Tss,yan ang hindi ko ikakapayag. Tayo na, Iah kaya hindi ako papayag na mag isa ka lang. Ano pa silbi ko? napaka walang kwentang tao ko naman kung papayag lang ako na nag iisa ka diyan" lambing ng boses niya ang sarap niyang sapukin.

Hindi nako mag sasalita, talo naman ako eh. Tama siya. Hindi dapat ako nag iisa dito.

"Tara labas na tayo" nakangiting sabi ko sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya at hinitak ko na papalabas.

Yuan Point of view

Nandito kami sa sala at kumakain ng lunch, nakita namin yubng dalawa sa taas na mag kahawak yung kamay habang tumatakbo pababa.

Nalungkot ako, oo nalungkot ako. Hindi dahil may gusto ako kay Iah.At mas lalong hindi kay Drake!

Ganyan din kasi kami dati, kaso pinag hiwalay kami. Dahil sikat ako at sikat din siya. Grabe yung pag mamahalan namin dati. Kaso pinag hiwalay kami para sa career namin, bawal daw may karelasyon pag naging artist ka. Kaya wala kaming nagawa dati at nag hiwalay nalang. Mali man na hindi kami lumaban pero hinayaan nalang namin. Dahil kahit ipag laban mo pa yan kung alam mong talo ka, talo ka. Hindi ko gustong mangyari yung nang yari samin ng babaeng mahal ko. At ayoko din mangyari kala Drake yon.

Sana nga wag nilang maranasan yung pag hihiwalay nilang dalawa, posibleng mag hiwalay sila dahil parehas silang sikat. Wag na sanang maulit pa yon.

"Hoy kumain na kayo!" pag aaya sa kanila ni Billy

Umupo naman sila at nag tatawanan pa hanggang ngayon, nakikita ko sa kanilang dalawa yung samin dati ng nakaraan ko,pero mukang mas masaya sila kesa samin. mas masaya, mas masakit

"May sasabihin ako sa inyo mamaya pag katapos natin mag lunch kaya bilisan niyo" nakangising sabi ko sa kanilang lahat at sila naman napahinto don, siguro excited tong mga toh mamaya.

Tinapos na namin ang pag kain namin at pumuntang garden.

"Sabi ni Manager, dahil sembreak naman daw at 4 weeks yon, dito lang daw tayo sa bahay" nakangiting sabi ko sa kanila at bigla naman silang nalungkot at nag reklamo naman sila Drake. Hahahaha ang panget nilang tingnan.

"Joke! wahahahha" hiyaw ko sa kanila at tumawa ko ng tumawa

"ano nga! ikaw lang naman natawa sa joke mo eh!" reklamo sakin ni Klint. Oo nga noh

" sabi ni Manager, mag swimming daw tayo bukas sa sikat na resort, ginawa na niyang private yon at binayaran na. Para wala daw makapasok na iba kundi tayo lang lahat dahil baka daw dumugin tayo.Sabi ni Manager may Ipapadala pa siyang Van na isa para sa mga gamit natin at sa mga guard na mag babantay satin." masayang sabi ko sa kanila at nag liwanag naman bigla ang mga muka nila si Zeann nag tatalon pa at yumakap kay Denic-- whuttt? yumakap?! may tinatago ba sila

Lahat kami napahinto at napatingin kay Zeann na masayang masaya pa habang nakayakap kay Denice. Lahat kami nag tataka kung bakit eh alam namin close na sila pero hindi sila nag hahawakan tulad ng pag akap ni Zeann. Inlove na kaya dito si Zeann halata eh.

"A-ayy sorry. Yehey! mag s-swimming bukas ! Best Day ever! wooohhhhh! " hiyaw niya ulit at tumalon talon.

"Magiging best day ever lang samin yon pag nalunod ka gago!" hiyaw sa kanya ni Drake at napahagalpak naman kami ng tawa si Zeann naman napahinto at napanguso nalang na tumingin samin lahat.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now