Last Chapter of Book 1
Thank you for reading this story
Iah point of view
Malakas yung kutob kona, babalikan niya ako. Ayon pa, mahal ako nun eh.
--------Pag gising ko sa maga, lumabas ako. Mag jojogging ako mag babakasakali akong makita ko siya.
Nasa kalagitnaan nga ako at nakita ko siya na nakatayo at parang may tinatanaw. Ito na yung chance ko na makausap ko siya.
Desperada na kung desperada
" Drake" hindi kagad siya humarap sakin pero alam kong napahinto siya. "M-may sasabihin sana ako--"
" Sabihin mona" Ang lamig na ng boses niya. Siya ba talaga ito?
" D-drake tungkol ito nung g-gabi--"
" Sabihin mo na nga diba?" Naiinis na tanong niya sakin habang nakatingin siya sakin ng nawawalan ng pasensya. Hindi tuloy ako makasagot kagad, natatakot nako sa kanya.
" Drake, sigurado ka na ba don?" Tumalikod ulit siya. Kaya tumabi ako sa tabi niya.
" Lahat ng sinasabi ko Iah, sinisigurado ko." Ito na naman yung luha ko.
" Bakit mo ba ako natitiis ng ganito? " Mahinang tanong ko sa kanya pero siya diretso parin siya na nakatingin sa tinitingnan niya
" Hindi kita tinitiis--"
" Drake baka naman pwede pang maayos ito" Nanginginig na sabi ko sa kanya naramdaman ko naman na tumingin siya sakin at tumawa ng sarkastiko.
" Nag papatawa kaba? Nung gabi pumayag kana tapos ngayon 'aayusin?' ---"
" Kung hindi ba ako pumayag nung gabing yun, maaayos paba natin? Tayo pa kaya hanggang ngayon?" Tumitig ako sa kanya, pero nakatingin pa din siya ng diretso sa harap niya.
" Hindi, dahil may mahal na akong iba. Alam mo, dapat mag pasalamat ka pa nga eh. Kasi nag pakatotoo ako sayo. Nagpakatotoo ako sayo na may mahal na akong iba. Nakipag hiwalay ako ng maayos sayo. Kase yung ibang ex ko hindi naranasan yan. Kase kung hindi kita hihiwalayan, habang may mahal na akong iba. Lalo ka lang masasaktan. " Tama nga siya mas lalo lang akong masasaktan pag may iba na pala siya pero kami pa.
" Drake, bakit ba humantong sa ganito? Ayaw mo akong nasasaktan diba? Ayaw mo din akong nahihirapan? Eh bakit ganito?" Nakakunot na tanong ko sa kanya.
" Iah, hindi moba talaga maintindihan?" Naiinis na tanong niya sakin. Halata na ang inis sa mata niya. " May mahal na nga akong iba" Lalo niyang dinudurog yung puso ko sa sinasabi niya.
" Ako lang yung mahal mo diba? Akala ko ba hindi mo ako ipagpapalit? Drake baka naman pwede pa tayong mag kaayos, please. Hindi ko na talaga kaya" Nagmamakaawang sabi ko sa kanya. Tumulo na naman yung mga luha ko. Gusto kong umiyak ng umiyak sa harap niya ngayon, maramdaman niya lang yung sakit na binigay niya sakin.
" Tapos na tayo. Kaya pwede ba, lubayan mo nako--"
" Kung kaya nga lang kitang lubayan baka matagal ko ng nagawa eh. Drake, hindi ko talaga kaya"
" Pwes, kayanin mo. Simula nung hiniwalayan kita, kinalimutan ko na din na minahal kita. Lumubay ka na"
Ang sakit pala ng pinagtatabuyan ka ng taong mahal na mahal mo...
"Luv, let's go home na? " sabay kaming napatingin sa Likod ko. Si Riann lang pala.
Akmang lalapit na siya kay Riann pero hinawakan ko yung kamay niya." Bitawan moko" Matigas na sabi niya sakin. Hindi ko yon pinakinggan at hinawakan ko pa lalo ang kamay niya
" Hindi kita bibitawan Drake" pagmamatigas ko sa kanya.

YOU ARE READING
My Enemy is my Forever (BOOK l) COMPLETED
Teen FictionBOOK 1: MY ENEMY IS MY FOREVER (COMPLETED) BOOK 2: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED) BOOK 3: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED)