Drake point of view
Pag katapos namin dumugin ni Iah kanina bumalik na kami kala Danielle at Klint Hyung.Dahil nakakapagod,hindi ako makaangal kagad dahil siyempre haha ang sarap kaya pakinggan na sasabihin ng Fans niyo na bagay kami wahahaha siyempre mabait ako kunwari sa kanila.
Ngayon ko lang naranasan na dumugin ng tao na kasama ko ang girlfriend ko,at sobrang dami ng tao dahil nag hati ang fans namin.Si Iah halatang napipilitan nalang kanina at tulad ko pawis na pawis na din siya.
"Hey hey hey" pag uumpisa ni Iah sa dalawa at napatingin naman ang dalawa samin,mukang pinag uusapan nila kami ah.
"Oh ano kamusta ano lagay niyo diyan" tanong ko sa kanilang dalawa habang tumataas taas pa ang kilay ko sa kanila.
"Hindi ba kayo mag ku-kwento man lang diyan?" nakangising sabi ni Iah at umupo sa harap ni Danielle hahaha ang epic ng muka nila.
"Oo nga naman,buti nga sinama namin kayo eh,kung di namin kayo sinama wala kayo ngayon diyan" sumbat ko sa kanila,para mag salita naman sila
"Sumbatero ka talaga eh noh?" sarkastikong sabi ni Klint.Whoooo pero kinikilig ka na diyan!
"pero kinikilig ka na diyan" sarkastikong sabi ko sa kanya
"w-woii hindi ah" napapangiti na sabi niya at namumula pa siya.
"kabaklaan yang ginawa mo nayan,namumula ka oh nauutal ka pa diyan para kang babae!" sigaw ko sa kanya
"wala naman ganyanan,samahan mo nalang akong bumili nagugutom na si Danielle" tatayo na sana siya pero hinila siya pababa ni Iah.
"Wait wait wait! alam niyo bang busog na si Danielle malakas chumibog yan.Mas maganda kung kami nalang ibili mo ng pag kain Klint,sulit pa pera mo" proud na sabi ni Iah,takaw talaga.Hahahaha
"diba Drake?" tanong niya sakin kaya nagulat ako
"a-ahh o-oo,o-oo sulit na sulit talaga!" mayabang din na sabi ko at pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.Parang barkada lang talaga ko neto kung ituring pag kain na pag uusapan,nag iiba tingin niya sakin.
"oh egh sige sige,pero ibibili ko pa din si Danielle tingnan niyo yung muka oh mukang nalugi." pang aasar ni Klint kay Danielle at sinamaan kagad siya ng tingin.Si Iah at ako naman umiwas ng tingin sa dalawa at nag pipigil ng tawa.Wahaha mag katulad lang pala sila ni Iah ang ganda ng mata nila kahit nanlilisik na.Wahahahhaa pero effective talaga sakin yung tingin ni Iah wahahah.
"Drake samahan mo,bili mo din ako ng Siomai don" utos niya sakin wahahha naalala ko natapon nga pala siomai niya kanina dahil sa katangahan niya!
"Sige akin na yung pera mo" inabot ko ang kamay niya pero naka pout lang siya at hindi nag bigay ng pera sakin.Bakit?
"I love you Babe" malambing na sabi niya.Ahhhhhhh ang sweet niya talaga pag may ipapabili siya!lintek ang rupok ko talaga
"oo na! oo na! I love you too! " sigaw ko sa knya at tumawa sila ni Danielle.Parehas sira ulo
"Drake tara!" aya sakin ni Klint at umalis na ko sa pwesto nila Iah.
Danielle point of view
Naisipan kong gumawa ng prank kay Klint at Drake gusto kong pag taguan namin sila,kami ni Iah.
Susundan namin sila pero nakatago padin kami.Gusto kong malaman na talagang hahanapin nila kaming dalawa ni Iah.
"Iah gusto mong malaman kung Loyal talaga sila satin dalawa kahit na ako nililigawan palang ni Klint?" tanong ko sa kanya at nanlaki naman ang mata niya putcha patay na!
"Okey forget it." sabi ko sa kanya pero nakangisi na siya sakin argh dire diretso kasi bibig ko eh
"Pano ko pang kakalimutan eh...Tumatak bigla sa utak ko Hay nako Danielle nadulas ka na eh" nakangising sabi niya.Inaasar niya ba ko?! Damn
"Oh sige ganito nalang...pag tataguan natin sila para malaman natin kung loyal ba talaga sayo si Drake." sabi ko sa kanya habang ako excited na
"Kung loyal ba talaga satin silang dalawa ni Klint" pag didiin niya sa pangalan ni Klint,inaasar niya na ko.Wala na,talo nako.
"S-sige tar--" naputol ang sinabi ko ng bigla niya kong hilahin at tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makapag tago na kami
"Ang bilis mo naman wala pa naman sila dapat nag pakita muna tayo" reklamo ko kay Iah pero di niya ko pinapansin parang busy siya kakalingon
"Tumahimik ka lang diyan,nakita nila tayo at tumakbo kagad sila nakita ko pa nga si Drake eh nag katinginan kami pero ngisian ko lang siya kaya nag taka siya kaya bigla nila tayo sinundan" galing talagang mag pa-plano tong pinsan ko.Proud ako sayo hahaha.
"Drake nasan ba sila?" tanong ni Klint at bigla naman akong hinila ni Iah sa gilid ng kotse muntik na nila ko makita buti hinila niya kagad ako
"Hindi ko alam,si Iah nag taka ko sa kanya dahil tumngin siya sakin at parang nag killer smile siya at nag umpisa na silang tumakbo ni Danielle." paliwanag ni Drake kay Klint
"Ano ba balak ng dalawang yon kailangan kong makita si Danielle." halata sa boses ni Klint na nag aalala siya at napangiti ako don
"Pinabili pa niya ko ng siomai pag tataguan niya lang pala ko" napatawa ko ng malakas sa sinabi ni Drake dahil mukang nag mamaktol siya don buti nalang nahawakan ko yung bibig ko
"Unnie,umalis ka na ako na ang huhuli kay Klint titingnan ko kung nag aalala talaga siya umalis ka na ako na bahala nahuli na tayo dali alis na" First time niya ko tinawag na Unnie ah. Sa utos niyang yon napatakbo kagad ako pero maingat baka mahuli ako
pag punta ko sa kabilang high way tatakbo sana ko pero may tumawag sakin at napahinto ako saglit at tinanaw kung sino yon at nakita ko si Klint bakas sa mata niya na nag aalala siya at kinakabahan siya siguro dahil hindi ako kasama ni Iah
Pero pag lingon ko bigla nalang nahagip ng sasakyan ang kamay ko at bigla nalang namanhid, pag bagsak ko sa kalsada tumama ang noo ko at may naramdaman akong tumulo
'double kill'
"Danielleeeee!" may sumigaw pero nawalan nako ng malay

YOU ARE READING
My Enemy is my Forever (BOOK l) COMPLETED
Teen FictionBOOK 1: MY ENEMY IS MY FOREVER (COMPLETED) BOOK 2: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED) BOOK 3: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED)