Klint point of view
Nag iinuman lang kami at hindi ako pinapansin ni Danielle,nakakayamot kanina ko pa inaabangan yung boses niya.Pero tawa lang siya ng tawa kausap sila Hana Noona
Nakita kong umalis siya at sinundan ko siya ng tingin matutulog naba siya? Pumunta siyang kwarto niya,kaya pasimpleng umalis ako don at sinuot ko ang cap ko.
Salamat at hindi pala naka lock.Nakita ko siyang nasa veranda at nag cp.Yinakap ko siya at alam kong nagulat siya.
"Sino ba to?" nag tatakang tanong niya dahil hindi siya makalingon
"Hindi mo ba kilala yung mapapangasawa mo? Si King mo to" malambing na sabi ko sa kanya
"Ah si King ko?" yan na naman yung mukang Kingkong nayan
"King nga lang ang panget nga eh" reklamo ko sa kanya at tinawanan niya lang ako,salbahe
"Ayaw mo bang matawag kitang Akin?" tanong niya sakin,siyempre gusto ko! Kaso ang panget kasi ng King ko
"Siyempre gusto sira ka talaga! pero wag naman King ko kadiring pakinggan eh,Klint ko mana pa!" masayang sabi ko sa kanya
"Gusto mo pala yung mas kadiri eh" Nakakaasar talaga yung babae nato masyadong panira!
"Ang arte mo ah! matulog tulog ka na nga diba sabi ko sayo wag kang nag pupuyat!sinusunod mo bako?!" napaka kulit niya talaga,Sabi ng wag mag pupuyat eh!
"Sabi ko din sayo wag kang iinom ah! sinunod mo bako?!" hiyaw niya din sakin.Sabi ko nga siya na yung panalo eh
"Oo na,sige na Queen matulog na tayo" malambing na sabi ko sa kanya pero tinarayan niya na naman ako
"tseee uminom ka na don! kaya kong matulog mag isa" kanina sinusumbatan niya ko ngayon naman pinapainom pa niya ko
"Queen hindi naman ako lasing" tumabi ko sa kanya at yinakap ko siya
"Edi uminom ka pa para malasing ka" sagot niya,pilosopo.
"Ehhh! ayoko ng uminom.Sayo palang lasing nako eh" nakangising sabi ko sa kanya at tiningnan ko yung labi niya.Nung isang araw ko pato hindi nakikiss.
"Gusto moba malasing tayong dalawa?" tanong ko sa kanya at lumunok siya,natatakam ba siya sa alak?
"Oo,gusto ko pa nga uminom eh" nakapout na sabi niya,gusto ko ng kagatin labi niya
"Alam mo babe may alak pa sa labi ko baka gusto mong inumin" tiningnan niya ko ng masama at ngumuso ng nandidiri,ang arte tsk
"Eh kung ngusuan kita diy---" hinalikan ko na siya oo hinalikan kona,alam ko naman na hindi lulubay bibig nito pag hindi ko hinalikan eh.Kinagat ko yung labi niya,pag talaga nag kikiss kami feeling ko nasa langit ako
Nilayo ko ang muka ko sa kanya,at yinakap ko siya.Hindi siya nag sasalita at parang natrauma hahaha iba talaga nagagawa ng halik ko sa babae nato
"Yan na yung goodnight kiss ko,I love you Queen Goodnight" hinalikan ko siya sa noo at umalis nako,bumaba nako at nakita ko si Angel Noona at si....
*TOTOO BA ITO?! SI YUAN HYUNG?! HINDI NGA?! MAG KAHALIKAN SILA AT UMIIYAK PA?! TOTOO BATO?! LASING NA BA TALAGA KO?!
Sinampal ko yung muka ko yung malakas at ang hapdi totoo nga! Sila ba?! Kailangan malaman ko yung totoo! Pero ayokong makielam,gusto ko sila na mismo mag sasabi samin.Yung bukal sa puso nila na sabihin na sila na! Napag iiwanan na si Billy na panot,si Vanessa pa kasi yung gusto.Eh nandiyan naman si Hana Noona
Bumalik ako kila Drake at wala ng tao don?! ay may dalawa palang pandak na naiwan hahahaha!
"Oh ang sipag ng mga unano namin ah ,oh ingat kayo diyan baka malaglag kayo sa pool hindi ko kayo makukuha sa ilalim niyan" ang sama ng tingin ng dalawa sakin at tumawa lang ako.Aba hindi nag sisisagot
"Ang behave naman ng mga unano" sabi ko in a baby voice hahaha para mainis sila,pero waeffect nililigpit lang nila yung mga bote.Nung dadaan na sila dinunggol nila ko
*BOOGSHHHH
"Ayy kawawa naman,nahulog" bwiset naman! bakit ba kasi dito pako nahinto eh,hindi ko naisip na gaganti pala sila.
Pinag tawanan nila kong dalawa,bwiset na mga pandak to humanda yung dalawa nayan bukas.Papakuluan ko sila!
"Nabundol mo Zeann?" nanakot na sabi ni Denice Noona.Nanadya talaga sila
"Hala akala ko kasi walang tao sa gilid!" kinakabahan kunwaring sabi ni Zeann niya.Muka kayong tanga!
"Hoy itutulad niyo pako sa inyo eh pandak kayo! kayo nga yung hindi nakikita eh!" hiyaw ko sa kanila,sinasadya talaga nilang hindi ako pansinin.
"Ayy sino yon? may narinig ka? shett hating gabi na pala baka may lumilitaw na!" nag katinginan sila at parang natatawa
"Oo kanina pa! kaya nga may nanulak sakin na dalawang Nuno dito eh!" hiyaw ko sa kanila,alam kong naiinis sila sakin at umalis sila.Habang papalayo sila Naririnig kong tawa ng tawa si Zeann
No choice ako kaya umahon nako! Ang daming pag dudunggulan dun pa sa pool! kabibihis ko lang eh! ihahampas ko sa dalawa nayon yung damit ko na to eh!

YOU ARE READING
My Enemy is my Forever (BOOK l) COMPLETED
Teen FictionBOOK 1: MY ENEMY IS MY FOREVER (COMPLETED) BOOK 2: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED) BOOK 3: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED)