Chapter 39: Pro Dancers Battle(prt2)

90 3 0
                                        

Rhake point of view

Nahalata kong nagiging Clingy si Daze kay Drake at si Drake naman hindi pa lumayo at napapangiti pa na parang napipilitan lang ano ba yung nagyayari sa kanya nakakainis siya.

Nakita kong Umakyat si Iah kanina sa taas at nakita ko siya sa veranda niya na umiinom habang umiiyak ang fragile niya talaga.Naaawa ako sa kanya.

Naisipan kong wag nalang sumali sa laro ni Billy at mag judges nalang.Sa totoo lang tinamad talaga ko at gusto kong lumayo kay Nadine! nakakainis siya! ang clingy din niya at masyado niyang dinidiin yung katawan niya sakin,ang laswa niya!

Nung sila na yung mag sasayaw,saktong pag baba ni Iah at Danielle namumula pisngi niya siguro hard yung ininom niya.Pero kahit ganon napansin kong nasasaktan siya kahit nakangiti siya kanina.

Nung natapos na silang lahat,napansin kong magaling pala yung mag pipinsan parang mas proffesional sila kesa kila Vanessa.At si Daze parang sinusubukan talaga si Iah sa step nila kanina,sinasadya niyang dumikit ng dumikit kay Drake.

'bitch'

----

Ngayon naman nag aya na naman ng panibagong challenge sila Daze,at pumayag naman lahat.Bawat grupo kukuha sila ng isa.Isa sa grupo nila Vanessa at isa sa grupo nila Angel,at pag lalabanin nila.Ang makuhang points o matanggap nilang points galing samin ay idadagdag namin sa points nila dagdag kumbaga at pag nacompute na ang finale score dun na malalaman kung sino ang panalo at kung sino ang talo.

"Okey para patas nalang babae nalang mag laban." masayang sabi ni Grent,sira ulo talaga siya.

Yung mga gago naman nag sipayag at yung mga babaeng nakaikit kala Klint ay mga nakangisi lang at parang may binabalak.

"Ako yung lalaban at gusto kong makalaban si Danielle" sabat ni Aly at parang wala lang yon kay Danielle nung narinig niya sumabat naman si Klint

"Okey lang ba sayo Danielle?" nag aalalang tanong ni Klint.

"Ako kelan bako hindi naging okey?ngayon lang naman" nakangiting sabi niya at tumingin siya sa lahat ng kasama ni Klint
"pero nevermind" ang plastik ng boses niya at parang galit siyang tumingin kay Klint.

"so,ganon pala pwede na bang mag simula" masayang tanong ni Aly at nag hiyawan naman lahat kasama na sila Angel nag hihiyawan din sila.Sila Vanessa naman ang ingay din lalo na sila Drake.

Sa pwesto ni Aly nasa likod niya sila Klint at nag hihiyawan.Sa likod naman ni Danielle sila Iah.Bahala na kayo...

Mag katabi sila pero may konting space sa gitna at nasa harap namin sila.Naka pwesto na sila at kami na ang bahala sa sasayawin nila dun namin makikita na handa sila at may baon silang steps.Si Grent ang naka assign sa Pag papatugtog kumbaga Dj wahahaha

At ang sira ulo pinlay niya yung kanta ng Marshmello na Alone,sira ulo talaga kahit kelan.

(now playing; marshmello-alone)

Hindi ko matatanggi na pareho silang magaling pero yung kay Danielle parang hindi siya naka focus sa sayaw niya at parang may iniisip.Baliwala lang talaga sa kanya lahat....

Si Aly namin tinodo at magaling talaga siya.Kaya pala sikat siya sa Campus nila.Mukang mataray na maarte pero magaling mag sayaw.

Score
Yuan Group
Aly:2.4

Angel Group
Danielle;1.8

Hindi namin sinabi yung score hanggang sa matapos sila,dahil balak ko mamaya sabihin pag tapos na silang lahat.Nahagip na naman ng mata kona pumasok si Iah sa loob.Ano ba ginagawa ng bunso namin? Oo,bunso nadin namin siya.Napamahal na siya samen.

"Nextttt!" hiyaw ko sa kanila at para talaga silang nag paparty party.

"Si Vanessa yung leader namin!" hiyaw ni Nadine.Wala naman akong pake kung leader siya tss.

"Hana pwede tayo?" normal na boses lang pero parang may pag kasartiko si Hana naman tumingin lang sa kanya at tumayo sa kinauupuan.

"Sorry hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae eh sa lalaki lang ako marunong mag mahal" sarkastikong sabi niya, burnnn! Nakita ko siyang tumingin kay Billy.

HINDI KAYA?!!!!

"Ha ha ha I mean,makalaban ko" nakangiting sabi ni Vanessa pero halatang naiinis siya.

"Ganon ba? bakit kasi ganon yung tanong mo eh" sarkastikong sabi ni Hana at parang tamad na tamad na pumunta sa harap at pumwesto nag hiyawan na naman sila pero si Billy nakaupo sa gilid at tahimik na nakatingin sa dalawa.

(now playing; cold water by Major Lazer)

Ang galing nilang pareho parang totoong laban talaga bumabagay sa kanilang dalawa yung kanta parang may tensyon sa kanilang laban parehas silang seryoso.Ang galing pala ni Hana hindi halata sa muka niya na dancer siya pero sobrang galing niya...ang ipinag tataka ko pareho sila ng step pero mas magalaw si Hana.Ang galing niya talaga nahagip ko si Billy na titig na titig kay Hana may gusto ba siya kay Hana,tiningnan ko kung sino yung tiningnan niya sigurado talaga kong si Hana eh,nakakagulat na pati si Hana nakatingin sa kanya.

Parang may gusto si Hana kay Billy peri indenial lang,nag seselos kaya toh ngayon kay Vanessa at kay Billy?

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now