Chapter 34: Horror Movie

92 4 0
                                        

Billy point of view

Pag uwi namin,saktong malapit ng mag 12 midnight.Kaya may naisip ako sakto naman na hindi pa sila inaantok ang parang naiinip sila.

"Guys nood tayo ng horror movies" pag aaya ko sa kanila at sabay sabay naman silang nag sipayag.

"Tara tara tara" sabi nilang lahat.

" kayo nalang guys,pagod ako eh feeling ko nag lalangoy padin ako hanggang ngayon" sabi ni Iah.Nakakalungkot naman ang kj niya.Wala tuloy mag iingay,pero okey lang may next time pa.Umakyat na siya sa taas pero bago yon nag salita pa siya " patayin ko nalang lahat ng ilaw diyan sa baba para may thrill yung panonood niyo" tama siya mas maganda pag nakapatay lahat ng ilaw.
nag sipayag naman kami lahat

"ako din pagod ako eh" sabat na naman ni Drake,pati ba naman siya? aishhhh ang Kj nilang dalawa

"Sige na nga ang kj niyo eh!" hiyaw ni Klint.

Sinimulan ko na at The nun yung napili ko sakto bago bago lang to at maraming natakot nung pinanood to.

----

Iah point of view

Nag kunwari lang akong pagod kanina may balak talaga ko.At kaya kong gawin yon kahit mag isa lang dahil balak ko si Drake ang tatakutin ko.Oo tatakutin ko siya hahahahahh

Kaya pinatay ko lahat ng ilaw sa baba kaya sobrang dilim na yung tv nalang yung nag sislbing liwanag sa kanila.Pag punta ko sa kwarto ko kumuha ko ng telang puti at water color na red.

Palabas nako dala ko yung gamit ko ng biglang may humitak sakin,hindi ko kagad siya nakita dahil madilim din sa taas para hindi nila ko maaninag mamaya pag bumaba.

"Akala mo mapapaniwala mokong pagod ka? alam kong may balak kang manakot kaya sinundan kita" letseng lalaki nato sa tenga ko pa talaga nag salita akala ko kaharap ko lang ang dilim naman kase.Mag kadikit yung pisngi namin habang binubulong niya yon kinakabahan ako takte!

"Alam mo naman pala eh! ako din alam ko! wag mong uudlutin yung gagawin ko dahil kung hindi ibubuhol ko yung tela nato sa leeg mo!" pasigaw na bulong ko sa kanya at akmang lalayas nako sa pag kakasandal ko pero nabangga ako tumama yung ilong ko sa ilong niya

wait!

tumama yung ilong ko sa ilong niya

tumama yung ilong ko sa ilong niya

tumama yung ilong ko sa ilong niya

tumama yung ilong ko sa ilong niya

tumama yung ilong ko sa ilong niya

tumama yung ilong ko sa ilong niya

Nagkiss ba kami?!!!!!!

"wag kang Oa diyan hindi nag dikit,umatras kagad ako dahil naramdam ko yung ilong mo sa ilong ko" sabi niya,ayssttt kala ko nag kiss kami hindi pako handa sabi ng mommy ko wag daw muna ko mag papahalik pag wala pa kaming 1 year. "Hindi ako papayag na makukuha ko yung first kiss mo ng biglaan gusto ko mismong anniversary natin maramdaman yung labi natin na mag kadikit" ang husky ng boses niya don.Feeling ko nag iinit yung muka ko

"Ang init tara sumama ka nalang sakin sa baba tatakutin natin sila" sabi ko sa kanya at tumawa naman siya ng bahagya

"Bilib din ako sayo eh,kaya mong manakot ng mag isa ka lang" natatawang sabi niya.Siyempre naman noh!

"Kayang kaya ko talaga,epal ka lang" bulong ko sa kanya

Dahan dahan kaming bumaba at naaninag namin yung itsura nila sa mahabang sopa tabi tabi silang lahat hahahah nakakumot pa yung iba at yung iba may hawak na unan Hahahah

(pwesto; Rhake,Billy,Klint,Danielle,Zeann,Yuan,Denice,Grent,Hana,Angel)

----

3rd person point of view

Bumaba ng dahan dahan yung dalawa papunta sa likod ng sofa.Nag pipigil sila ng tawa.

Nag uusap sila kung ano ang gagawin nila pamaya-maya.Kumuha sila ng Map para yun yung talukbungan mamaya ng telang puti na may halong pula para mukang dugo.

Sinimulan ni Iah na kalabitin si Billy nagulat naman si Billy at biglang kinuha yung kumot.

"Ano ba Rhake ang gulo mo naman wag ka ngang manakot!" sigaw niya kay Rhake,halata sa sinag ng tv yung nag tatakang muka ni Rhake

"Lingaw ka ba?! nakikita mo naman na kumakain ako ng popcorn diba?!" sigaw niya din kay Billy

"Ikaw yun Klint noh?!" nag babakasakaling tanong ni Billy,habang yung dalawa naman nag si-silent laugh sa likod

"Hoy Billybong,wag moko masali sali sa katopakan mong taglay ah! Hindi moba nakikita na nakaakbay yung isa kong kamay kay Danielle at yung isa kong kamay eh nakahawak sa kamay niya?! alam mo ba yung salitang sweet?! ha?" sigaw niya din kay Billy

"Kunwari pa kayo,ako lang naman target niyo pag nanonood tayo ng horrow movie" may halong kaba at panginginig yung boses ni Billy at natawa naman sila Danielle sa sinabi nito

"Sa sobrang takot ni Billy Hyung naging Horrow movie na sa kanya yung dapat Horror movie wahahahha!" tawa ni Danielle pero halatang natatakot nadin

----

"Ano ba Klint maka kapit ka sakin kulang nalang tanggalin mo balat ko!" reklamo ni Danielle kay Klint

"Sige hindi na,umasog ka muna dito" nag mamakaawang sabi ni Klint dito.

----

Pinatong ni Drake yung kamay niya sa braso ni Billy,ramdam ni Drake na nanginginig na sa takot si Billy.Dahan dahan na lumingon si Billy sa likod at kitang kita ng dalawa yung itsura ni Billy takot na takot nga!

Itinapat nila yung map na naka talukbong na tela kay Billy at napahiyaw nalang si Billy sa pag kagulat umalis sa kinauupuan niya.Hawak hawak pa rin ni Iah yung map at dahil sa sobrang tawa niya nabitawan niya yung map at nakita sila nila Billy

"Drakeeee!!!Iah!!!!!!!!! letseeee kayoooooo!"

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now