Chapter 21: DrIah moment

112 3 0
                                        

Drake point od view

Nag kabati na din kami at bumalik sa dati, siyempre walang pinag bago yung relasyon namin. Lalo na siya, nakasama ko na naman siya at ramdam ko na naman ang pag kabaliw niya.

Pag pala may lagnat ang tao at naging masaya ito, nababawasan pala yung lagnat niya at napapabilis ang pag galing. Nangyari yon kay Iah at siya mismo nag sabi sakin. Ang saya lang dahil ako daw ang dahilan non.

"Babe, mag kakaaway pa kaya ulit tayo?" tanong niya sakin, gusto niya paba ng round 2? tss round 2 na pag aaway!

"Ano ba naman yan!? kababati lang natin, tinatanong mo kagad kung may susunod?!" reklamo ko sa kanya at siya naman tumatawa lang.

"Joke lang naman Babe ang sungit mo ah!" ayon na naman yung pag tataray niya!

"Wag mong isipin yung pag aaway nayon babe, dahil hinding hindi na mauulit yon!" sermon ko sa kanya at siya naman sa iba lang nakatingin.

"Babe nagugutom ako" sabi niya kagad sakin, alam kong nag papaawa siya sakin kahit na hindi ko siya makita dahil nakahiga siya sa hita ko.

"Ang porma mo ah! bigla kang mag iiba ng usapan diyan!" hindi ko alam kung saan ako lulugar sa gilrlfriend ko na ito, masyadong kakaiba! kanina lang kung ano anong tinanong tapos biglang iibahin yung usapan. Ang ganda na sana ng sinabi ko sagot nalang niya yung kulang! ang bastos kausap!

"Mas mahalaga pa ba sayo yung kwento mo kesa sakin na nagugutom na?" nag papaawa pa talaga susungalngalin ko to ng plato eh.

"Oo na siyempre mahalaga ka sakin noh! hintayin moko diyan ikukuha kita ng pag kain" mabuti nalang at nakahanap pa siya ng mapag timpi na boyfriend nako! kung hindi!

Lumabas nako at pumuntang kusina, kinuha ko siya ng pag kain niya at nang iinumin niya. Ang sweet ko pala sa ginagawa ko na to. Kaso sadyang walang pakiramdam yung babaeng pangarap ko, kundi yung gutom lang lagi.

"oh yan kumain ka na" sabi ko sa kanya at siya naman nakatingin lang sakin

"may galit ka pa ba sakin?" naka pout na sabi niya at napangisi nalang ako. Ano naman ang nasa isip niya at naitanong niya yon?

"Ako nalang kasi lagi yung humahalik sayo ikaw never mokong kiniss" nakangising sabi ko sa kanya at siya naman nakakunot lang ang noo habang nakayingin sakin

"edi magalit ka nalang ng magalit sakin mas okey yon." kalmadong sabi niya at kinuha niya ang pag kain niya at sumubo na

'see? ang unfair diba?'

"Kumain ka na ng kumain diyan, wala naman kwenta yung mga sinasagot mo" reklamo ko sa kanya totoo naman eh!

"bagay lang yon sa tanong mo" kalmadong sabi niya habang sa pag kain nakatingin

"bakit?" alam ko ang sama na ng tingin ko sa kanya pero okey lang yon sa pag kain naman siya nakatingin

"wala naman din kasing kwenta yung tanong mo" kalmadong sabi niya, ang yabang niya ngayon ah!

"kumain ka na sabi eh" hiyaw ko sa kanya

"wag mo kase kong kausapin" sagot naman niya aba't pilosopo

"wag ka ng sumagot pag nag sasalita ako" nawawalan ng pag asang sabi ko

"matitiis ba naman kitang hindi kausapin?" nakataas kilay na tanong niya saken at tumingin pa ng nakangisi.

"Pinag ti-tripan mo ba ko?" nakangising tanong ko sa kanya habang papalapit ako sa kanya siya naman nanlalaki yung mata

"nasan yung pinag titripan do--"

"gusto mo bang subuan kita gamit bibig ko?" nakangising tanong ko sa kanya at halata sa muka niya na kinabahan siya

"T-tss, ni hind mo pa nga ako nahahalikan eh" pilit niya talagang hindi pinapahalata na kinakabahan siya,matibay!

"Kaya nga, kabahan ka na pag 1 year na tayo eh" nakangising sabi ko sa kanya at siya naman ngumisi din,bakit?

"I'll break up with you" diretsong sabi niya sakin ng walang emosyon kaya kinabahan ako.Tumingin siya sakin at

"im just kidding" nakangising sabi niya,patago naman akong nakahinga ng maluwag,jusko! akala ko totoo! " sabik ka talaga sa labi ko" mapaklang sabi niya at tumingin siya sakin

"Baka ikaw" reklamo ko sa kanya at tumawa siya

"Halata ka bugok" maangas na sabi niya at kumain na.

----

pag katapos niyang kumain sinamahan niya ko bumaba at sabay daw kaming mag urong ayaw daw niya na ako pa ang mag urong.Siyempre sa pogi kong toh hindi ako pumayag,kaya kami pareho mag uurong

"Hayst! kapagod mag jogging,Grent Hyung mag luto ka na yung sobrang dami" bigla kaming nagulat ng biglang may nag salita at nakita namin si Billy Hyung na hingal na hingal habang nakahawak siya sa dalawa niyang tuhod.

"Ano silbi ng jogging mo kung kakain ka din ng madami?!

" tsk oo na!" reklamong sabi niya

"Iah,ano lagay ng pakiramdam mo?" nakangising tanong ni Denice kay Iah.

"okey naman feeling ko sinat nalang toh baka mamaya wala na" kalmadong sagot niya kay Denice

"hahaha hindi yon" maangas na sabi ni Denice at tumingin kay Danielle.Bigla naman kumunot yung noo ni Iah.

"eh ano ba?" nag tatakang tanong ni Iah.

"Masaya ka na ba?" nakangising sabat ni Danielle.Ano ba ibig sabihin nila? si Iah hanggang ngayon nag tataka habang maangas na nakatayo sa tabi ng lamesa

"San?" nag tatakang tanong ni Iah.Ayaw pa kasi nilang diretsuhin para maintindihan ko na din.

"Masaya ka na ba na okey na kayo ni Drake ?" nakangising tanong ni Denice at nagulat naman si Iah sa sinabi niya.Pati ako ay nagulat don dahil akala ko kung ano?

"Bakit ba ang aga niyong bumalik dito dapat mamayang 9 na lang eh" namunulang sabi ni Iah at napangiti nalang ako don kasama si Danielle at Denice Unnie

"Ang layo ng sinabi mo para mamula ka ng ganyan" nakangising sabi ni Denice kaya napangiti nalang din lalo ako.Ang galing din pala nilang barahin si Iah.

"B-balik na muna ko sa kwarto ko sumakit ulo ko eh" sabi niya at hindi siya makatingin sakin.Hahahaha

"Owwww bago palusot mo ah" natatawang sabi ni Danielle.Ngayon ko lang napagtanto na pinag tutulungan nila si Iah

"Sumakit ulo ko ng nakausap ko kayo" pag tataray ni Iah at nag tatakbo na sa taas

Nag katinginan naman kaming tatlo at sabay sabay natawa.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now