Chapter 7: Explanation

143 4 0
                                        

_-_-_-School-_-_-_

*morning

Wala akong gana ngayon,ano ba nangyayari sakin? Kagabi pako ganito.Sa bawat kilos ko feeling ko wala ako sa sarili ko.Dahil ba ito kay Drake? tss mas mainam na kalimutan ko na siya tutal hindi naman talaga kami mag kakakilala ng dahil sa punyetang concert nayan! nakakainit lang ng dugo

"huyy!" sigaw sakin ni Danielle,tss mang-gugulo na naman ito.Araw araw nalang napaka hyper.

"Oh ano na naman?" tanong ko sa kanya

"nako wah lq pala kayo ni Drake sabi niya sakin kahapon nung umuwi ka."

"sinabi o tinanong mo? " sarkastikong tanong ko sa kanya

"both,tinanong ko tapos sinabi niya " sabi niya at lumapit sakin at bumulong "mamaya pumunta ka sa gym mamayang 5 bawal ma-late" sabi niya at umalis na ano naman kaya yon?

Mag hapon kaming nag practice ng hindi nag paramdam si Drake pumasok kaya siya o baka nandun sila sa Kompanya ng Grupo niya? Miss ko na kayabangan niya!

"Oh bukas ulit practice natin dun tayo sa Conference Hall dahil utos yon ng Lolo ni Iah!" sabi ng Choreo namin.Pupunta ba dito si Lolo? Miss ko na siya

"Pupunta siya dito bukas at gusto niya sa Conference Hall na kayo mag practice dahil pinasabi ni Sir Ponciano Francisco kay Dean na mainit." sabi niya ulit at nanlaki ang tenga ko sa narinig ko.Hanepp uuwi na Lolo ko kailangan sabihin ko ito kay Danielle paniguradong masusurprise din yon,nasan ba kasi yung babae nayon?!

[5:00 pm]

nandito nako ngayon sa gym puta ako palang yung tao?! kala koba bawal ma-late nakakatakot madilim na peste naman oh!

Biglang may nag pakanta ng Mundo at naka-connect lahat sa speaker na nasa taas ang mga yon kaya ang sarap pakinggan

[now playing:Mundo Michael Pangilinan]

(intro)

Parang ang lungkot ng kanta na to diba may pang rock non? ang lungkot ng pinapatugtog nato naalala ko tuloy si Drake sa kanta nato! letsee!

San...Darating ang mga salita...
Na nanggagaling samin dalawa...
Kung lumisan ka...Wag naman sana...
Ika'y..kumapit na hindi makawala..
akin sinta..ikaw na ang tahanan ng mundo..
sa pag balik,mananatili  ka sa piling ko
mundo'y magiging ikaw...

Wag mag aalala..kung nahihirapan ka...
Halika na...sumama ka..pag masdan mga tala...
Akin...Sinta..ikaw na ang tahanan ng mundo..
sa pag balik...mananatili lang sa piling mo mundo'y....Limutin na ang mundoo na mag kasama tayo...
sunod sa bawat galaw...
hindi na maliligaw..

may kumanta sa likod ko at pag kakita ko,hindi ako pwedeng mag kamali isang lalaking nakatayo na di kalayuan sakin na nakatingin sa gawi ko,may dalang mic at sigurado akong siya ang kumakanta

Drake....

"Iah mahal kita,ituloy na natin toh di ko kaya na pakawalan kapa" nag sususumamong sabi niya habang nakatingin siya sakin

"ganon nalang ba yon? pano si Abby diba tinawag mo siya na Babe at Girlfriend mo siya? Ayokong makasira sa inyong dalawa.Chaka bakit ba nandito ka?" tanong ko sa kanya at nakatingin lang siya sakin ng seryoso

"Si Abby lang ba pinag seselosan mo kaya ka nag kakaganyan ? " seryoso niyang tanong sakin at hindi kagad ako makasagot.Nag seselos ba ko? wala naman kami ah? chaka bakit nga ba apektado ko sa kanila? tskk! Ang hirap naman oh! mahal ko na ba siya?

"o-oo n-nag s-selos ako k-kasi m-mahal kita yun lang naman yung dahilan pag nag kakaganito yung iba eh nag seselos lang!" nakangusong sabi ko at nakita kong ngumiti siya,sa ngiti niyang yon ,sobrang pogi niya at ang lakas ng impact sakin ng ngiti niya feeling ko namumula nako dito!

"Si Abby lang pala pinag seselosan mo hahaha maling mali tsk tsk!" nakangising sabi niya.Anong mali na pinag seselosan ko si Abby

"Oo a-alam ko naman na maling mali na mag selos ako eh! kasi hindi naman tayo" malungkot na sabi ko

"Kaya nga sagutin mo nako" maangas na sabi niya at nagulat ako don. Diba girlfriend nga niya si Abby

"P-pano si Abb--"

"hindi kami non,tinawag ko lang siya sa buo niyang pangalan na 'Abby Baed' muka lang babe kasi hindi ka naman malapit sa pwesto ko sa totoo lang nobyo niya ang pinsan ko" nakangiting sabi niya sakin.Napapahiya naman na tumango tango nalang ako.

"Eh bat hindi mo kagad sinabi sakin kahapon nag drama pa tuloy ako" nag kakamot na sabi ko at hinawakan niya ang pisngi ko.

"Hindi ko ginawa dahil yun ang sinabi mo,na bukas nalang natin pag usapan kaya kahit gustuhin ko man sabihin sayo kahapon tiniis ko nalang" nakangiting sabi niya

"Ahmmn Drake kaya mo pa bang mag hintay? kahit na sa simula palang inaway na kagad kita" seryosong sabi ko at sumeryoso din siya

"Nangako ako diba na kahit 10 years hihintayin kita,ang pangako ay pangako.At pag ako nangako hindi napapako at hindi mapapako.Yan ang tandaan mo" seryosong sabi niya at napangiti nalang ako at inakap ko siya.

"Pero sa 10 years nayon hindi mo na ko masasagot" malamig na sabi niya at kinabahan ako dun at napatigin ako bigla sa kanya

"Dahil papakasalan mo nako non" nakangising sabi niya at hinampas ko siya kagad sa balikat pero aminado kong napakilig niya ko don

"umaandar na naman kautuan mo!" sabi ko sa kanya at nahalata ko ang orasan ko sa phone ko at nakita ko 7 na pala ang haba na pala ng oras na mag kausap kami.

"oh bakit may problema ba?" nag aalalang tanong niya

"wala ang tagal kasing dumating nila Danielle eh sabi mag kita kita daw kami dito pero ikaw naman itong dumating!" naasar na sabi ko,totoo naman eh di ko alam kung pinag tripan lang ako kanina at ako naman si tanga na kumagat at oukunta dito

"HAHAHAHHAHAHAHAHA" nagulat ako ng bigla siyang humalaklak at namumula na ang tenga kakatawa at napapahawak na sa tiyan

"ano ba naman yan?! makatawa?" nag tatakang tanong ko at tumugil na siya pero mahina nalang ang tawa niya at lumapit sakin

"Pinlano ko yon Babe sangkot lang si Danielle,kinausap ko siya kahapon at pumayag siya kagad ang sarap niyang kausap feeling ko may lasing akong kausap kagabi nung umalis ka Hahahaha" natatawang sabi niya at ako naman napanganga nalang

"pero wag mona alalahanin yon,ang mahalaga nag mamahalan tayo"nakangising sabi niya at kumindat pa " ayy oo nga pala ayos ba yung kinanta ko kanina?" nakangising sabi niya

"oo muntik na nga akong di makauwi eh kala ko talaga uulan na eh buti nalang saglit ka lang kumanta,wala kasi kong dalang payong" masayang sabi ko sa kanya at halatang nainis siya sa simabi ko

"ang dami mong sinabi tara na nga papakainin kita sa restaurant ni Grent " sigaw niya at inakbayan niya ko habang makasakay kami ng kotse.Dumating kami sa Restaurant at kumain kami ng kumain hanggang sa binalik niya ko sa Parking lot para kunin ko na nga kotse ko at sabay kaming lumabas ng parking lot at umuwi na.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now