Klint point of view
Nandito lang kami ni Danielle sa bermuda grass habang tinitingnan lang yung mga nagdadaan.Ang awkward,tiklop ako pag dating sa babae nato.
"Sweet ng dalawa noh?" tanong niya sakin,ang ganda talaga ng boses niya
"oo naiinggit nga ako pag nakikita ko yang dalawang yan kase hindi mapag hiwalay,chaka ang saya nila pag mag kasama sila." masayang sabi ko sa kanya,feel na feel ko yung sinasabi ko hehehe ang sarap kasi mag open sa Gusto mong babae.
"Hmm eh ngayon...Naiinggit ka pa rin ba...sa kanila?" nag aalinlangan pang tanong niya,tiningnan ko siya at para talagang naiilang siya.
"Hindi na nandiyan ka na eh" sabi ko sa kanya na ikinagulat naman niya at napangiti nalang siya
"ahmm Klint may aaminin ako sayo" sabi niya sakin at parang excited naman ako kung ano ang sasabihin niya.
"Hmm ano naman yon? " nakangiting tanong ko sa kanya
"Matagal na talaga kitang gusto,ikaw ang biased ko sa grupo niyo.Patay na patay ako sayo dati pa.Ikaw ang nagagalingan ko sa inyo kaya nagustuhan kita hanggang sa saan kayo mag concert hindi ko pinapalagpas,pinupuntahan ko yon kahit saan lugar.Klint Gusto kita" seryosong sabi niya at ako naman abot hanggang Jupiter ang ngiti ko,sino ba naman kasi hindi sasaya at kikiligin eh umamin na sayo yung taong gusto mo din.Ito na yata ang masayang regalo sakin ng Diyos.Biruin mo sikat na babae at maganda,mabait sinusundan ka kahit saan ka mag punta dahil gusto ka niya ang sweet niya hahahaha! mapapantayan ko na sila Drake ngayon wahahah
"Danielle Gusto din kita...gustong gusto kita " nakangiting sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya at napangiti din siya
"Danielle liligawan kita at handa akong mag hintay kahit sobrang tagal pa yan" seryoso ako mag hihintay ako kahit gaano pa katagal.Para sa kanya gagawin ko lahat
"Hintayin mo lang ako na sagutin ka Klint." masayang sabi niya at napangiti ako,kahit dimo sabihin yan hihintayin talaga kita
"handa akong mag hintay dahil alam kong worth it naman ang pag hihintay ko" sabi ko sa kanya at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko,kung eto man ang hihintayin ko okey na! kahit na hindi niya ko sinasagot umpisa palang ramdam ko na na,ituturing niya ko na boyfriend niya.
"Hahahahahahahah" biglang humagalpak ng tawa si Danielle kaya nagulat ako.Hanep mag kakasakit pala ko sa puso neto.
"b-bakit!?" tanong ko sa kanya at tawa parin siya ng tawa
"wahahahaha tingnan mo yung dalawa dinumog na ng mga fans nila hahaha! natabunan na sila ang hirap ng nasa ganon na posisyon hindi ka pwedeng magalit sa mga fans,dahil kakalat na masungit ka,Pilipinas nga naman haha pag ginawa mo yon,suplado/suplada na kagad...hindi ba pwedeng pagod lang?" sabi niya habang nakangiti siya,totoo naman eh.Pag sinungitan mo ang fans mo ibabash ka na kagad. Hindi ba pwedeng pagod nga lang naman?
"oo nga haha" sagot ko nalang sa kanya at tumawa nalang ako ng pilit
"Hayst badtrip niyan mamaya si Iah" nakangising sabi niya,nag taka nman ako sa sinabi niya?
"bakit naman?" tanong ko sa kanya
"Ayaw niya kasi na dinudumog siya ng mga tao hindi niya sinabi sakin yung dahilan kung bakit ewan ko ba don sa babaeng yon" sabi niya habang pinapanood sila Drake at Iah na hindi na mag kandaurara dahil sobrang dami ng tao na lumapit sa kanila
"parehas pala sila ni Drake ayaw din niya na dinudumog siya,okey okey pa pag isa isa ang lumalapit sa kanya pero pag madami na ayaw niya talaga.Naalala ko nung dinumog kami nung nakaraan,si Drake salubong ang kilay na pumagitna samin dahil ayaw daw niyang dumugin,ang arte ng bata nayon hahaha" kwento ko sa kanya at sabay kaming natawa

YOU ARE READING
My Enemy is my Forever (BOOK l) COMPLETED
Teen FictionBOOK 1: MY ENEMY IS MY FOREVER (COMPLETED) BOOK 2: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED) BOOK 3: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED)