Chapter 68: Iwas

74 3 0
                                        

Angel point of view

Ilang araw na nung napansin kong tahimik nalang lagi.

Dati kase bawat sulok ng loob nato maingay, sobrang ingay.

Nakakapag taka lang dahil ngayon wala ka ng maririnig na kahit ano. Kahit na nandito pa kaming lahat.

Ang daming tanong na hindi masagot...

Gusto kong tanungin silang lahat kung bakit naging ganito?

Bakit iniiwasan na nila kami?

May nagawa ba kami?

Ano ba yung nangyari?

Nagsasawa naba sila samin?

Si Yuan, sawa na ba sakin?

Bakit bigla nalang nag iwasan, tumahimik, naging hindi palakibo lahat. Bakit parang naglalayuan na sila sa isa't isa?

Dito na ba mag uumpisa?

Tumayo ako sa sofa ko sa loob ng kwarto ko at lumabas para bumaba at tumambay nalang sa Garden.

Kaso pababa palang ako sa hagdanan, nakasalubong ko si Yuan. Nagulat siya ng makita niya ko.

" Ahh, Yums k-kumain ka na ba? " nag aalinlangan kong tanong. Nakatingin lang siya sakin na parang di makapag salita.

Pumikit siya ng madiin at ngumiti ng pilit at nag salita "No, hindi ako gutom. Pahinga gusto ko" at umalis na siya

Bakit ba nagkakaganito?

Ilang araw nadin siyang nagiging ganito saken. May nagawa ba ko sa kanya?

Dumiretso nalang ako sa Garden at umupo don.

Masaya nga ako dahil malapit na kaming maging Official Girlgroup. Pero nilalamon padin ng Kalungkutan dahil sa sitwasyon namin.

Yung dating parang magbabarkada lang at pamilya ang turingan dito sa loob ng bahay nato...ngayon parang hindi na kami mag kakakilala.

Pag pahinga nila, hindi na sila pumapayag na mamasyal kasama kami. Puro yung dinadahilan nila puro pagod sila at kailangan puro pahinga lang ng pahinga.

Hindi naman sila ganon...

Dati...

Kaya dumating na din yung araw na nasanay kami na pag pahinga nila, hindi na namin sila masyadong kakausapin dahil yun yung gusto nila.

Kaya minsan sama sama kaming nasa sala lahat at mga nakaupo lang.

Si Iah nilalaro si Kooky at yun nalang yung kasama niya minsan lumibot, minsan nga puro yun nalang kasama niya di na kami pinapansin. Ayaw din niya kami na pasamahin mag libot sa ibang lugar na sinasabi niyang mabundok at maganda daw yung View. Kaya minsan nag tatampo nadin ako sa bata nayon. Alagang alaga niya si Kooky kung saan saan dinadala.

Si Danielle naman laging nasa kwarto laging pinaglalaruan yung alaga niyang Rabbit, minsan nalang lumabas sa kwarto pero dala dala padin yung Rabbit minsan pati yung kulungan. Pag nakikita namin yon sa kanya ayaw niyang ipahawak samen. Tulad din ni Iah lagi din siyang umaalis at pumupunta sa Nurse ng Rabbit niya.

Si Denice naman laging nag m-ml. Minsan umuwi ng may dalang dalawang cellphone binili daw niya yon para daw pag nalowbat yung isa may dalawa pang extra. Hindi nadin siya madalas makausap. Minsan tuwing mag pa-practice kami at magpapahinga puro cellphone hahawakan niya kagad.

Si Hana naman wala silang problema ni Billy. Pero minsan na din sila nagka problema dahil nagtampo si Hana dahil hindi na sila nag kakausap at nag kakasama ng madalas. Doon lang din namin siya nahalata na gusto na talaga niya si Billy. Sa ngayon masaya sila ni Billy laging mag kasama, pag walang ginagawa minsan nag gagala, minsan makikita mo sa tagong lugar nag pa-practice ng sayaw. Pero pag wala si Billy pati yung ibang miyembro lagi lang naka earphone sa isang sulok.

Ako? Yon laging tulala, iniisip na kelan kami babalik ulit sa dati ni Yuan. Kung kelan babalik yung dating nagbabaga na ngayon sobrang lamig na. Kung kelan ulit babalik yung dating masaya. Yung bang kaming lahat? Hindi yon naalis sa utak ko.

Babalik pa nga ba sa dati yung...gusto ko?

Masakit makita na, sa pati hapagkainan parang hindi kami mag kakakilala. Kaya minsan yung tatlo na si Iah, Danielle, Denice, dun nalang kumakain sa labas. Siguro umiiwas sa ganon na sitwasyon. Yung pati pag lunok mo ng pag kain mo maririnig mo na dahil sobrang tahimik.

Bigyan naman sana ko ng Panginoon ng paraan para mabalik sa dati yung tratuhan namin dati.

Kase ngayon, parang ibang tao na lang kung mag daanan lahat.

Kumbaga parang nasa Isang Rentahan na kwarto lang kaming lahat at hindi mag kakakilala.

==========

Kinabukasan

Nag jogging ako banda mga 4:30 am. Mas maaga nako ngayon nagigising ewan ko kung bakit.

Habang nag jojogging ako may nakabungguan ako na lalaki hindi ko nakita itsura niya dahil bumagsak ako sa lupa.

" Miss Sorry okay ka lang? " kabadong tanong niya at inalalayan niya kagad akong makatayo.

Pinagpag ko muna yung pwetan ko dahil may alikabok.

" Sorry Mi--"

Aice Lopez??

" Ikaw ba yan Aice? " nakakagulat dahil dito pa kami nag kita. Barkada siya ng Kuya Anjhelo ko, also Yuan.

" A-angel ? Is that you?" Pati siya ay nagulat ng makita ako. Akala ko kasi ay nasa Korea na siya dahil dun niya itinuloy yung pag Te-trainee niya sa Pag kanta. Member siya ng dK Group.

" Ako nga, long time no see" nakangiting sabi ko sa kanya, ang laki ng pinag bago niya. Lalo siyang naging Gwapo.

" Kamusta ka na? Dito ka ba nakatira? " tanong niya saken tumango naman ako.

" Ahm Oo, sa Bahay ni Tito dito, kasama namin yung The Core yung kila Yuan? Dun din sila kay Tito, wag mong sabihin na di mo siya kilala hahaha dun kayo dati nag tatrabaho bilang Boygroup." Natawa din siya sa sinabi ko

" Hahaha so kayo na pala ulit ni Yuan?" Masayang tanong niya din. Na-awkwardan ako sa pag uusap namin. Dahil....basta mahabang kwento

" Oo nag kabalikan kami " napangiti nalang din siya at nag salita ulit at nagulat ako sa sinabi niya

" Ahmm nga pala, Next next week or Next month babalik na ulit kami kay Appa Edrick. We end the contract with Clex Entertainment." Nakakagulat man pero masaya ko dahil mukang matutuwa si Kuya pag nalaman na ka-trabaho ko yung Barkada niya na si Aice.

A/n : Appa means Father, yun yung tawag ng buong dK group kay Manager Edrick.

"Wow sounds good. Hihintayin ko kayo don" nakangiting sabi ko sa kanya.

" Ayy, So malapit na nga pala kayong maging official Girlgroup? " tumango naman ako at ngumiti siya

" Goodluck, sikat na kagad kayo eh" mapanuksong sabi niya.

Sikat nga pero mahirap naman

" sige, bye see you around" umalis na kagad siya at nag jogging na ulit ako.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now