Chapter 58: Bakla

86 4 0
                                        

3rd person point of view

Samantalang naka upo namam sa pinonh buhangin si Billy at Hana habang dinadamdam ang tubig dagat na umaabot sa paa nila.

"Ahm... Hana...pwedeng... mag tanong?" nag aalinlangan na tanong ni Billy kay Hana

"Pero nag tatanong ka na?" nag tatakang tumingin si Hana kay Billy

"Aishhh" bulong nalang ni Billy sa isang gili d.

"Ano ba yon?" tanong sa kanya ni Hana,mukang kinakabahan pa ang itsura ni Billy kaya hindi kagad makapag salita.

"ahm ano ba yung gusto mo sa isang lalaki?" napapakamot sa batok na sabi ni Billy,si Hana naman ay nag taas lang ng kilay na parang hindi inaasahan yung tanong ni Billy.

"B-bakit mo naman naitanong?" halata sa muka ni Hana na naa-awkwardan na siya sa usapan nila

"Wala lang,gusto ko lang malaman" pilit na tawa lang ang naisagot ni Billy pag katapos niyang sabihin ang sinabi niya

"Ah, tulad lang ng kanina.Gusto ko yung Worth it,yung deserve ako at deserve kodin siya. At chaka yung lalaki na pangmatagalan talaga" nangingiting sagot ni Hana,pasimple naman na tumitingin si Billy sa kanya

"So kahit ba hindi ako ganyan na lalaki,pwede ba kitang...ligawan?" seryosong tanong ni Billy na nakapag pagulat kay Hana

"P-pero, m-may nililigawan kana?" nag tatakang tanong niya at napatawa naman saglit si Billy

"Nag kamali ako sa niligawan ko eh...kaya sana sayo, hindi na..." nangingiting sabi ni Billy "Ngayon Hana sagutin mo lang ako kung pwede ba kitang ligawan kahit na wala sakin yung sinasabi mo" nakatingin sa buhangin na sabi ni Billy

"Billy, deserving kang tao, hindi mo lang alam.Pero yun yung tingin ko sayo " nakangiting sabi ni Hana kay Billy
"Kaya nga nagustuhan kita, kasi deserving kang tao at marami pa kong nagustuhan sayo" nagulat si Billy sa sinabi ni Hana pero hindi padin siya nag sasalita

"Matagal tagal ko din hinintay yung moment nato eh, yung makaamin sayo. Sa totoo lang, dapat dati pa eh, kaso huli nako...huling huli nako, yung nag swimming tayo nung papauwi na tayo, nung pinag usapan niyo ko at napunta kay Vanessa hanggang sa point na gusto mo din siyang makita at ligawan. Yun din yung part na nasaktan ako ng patago. Kasi ano ba ko? ano mo bako? ano ba kita? para ipakita sayong nasasaktan ako? yung gabi na pag uwi natin sana balak kong umamin sayo kaso umatras ako, kasi alam kong si Vanessa tipo mo at hindi ako. Kaya ilang araw din akong wala sa sarili simula nung pumunta si Vanessa sa bahay at nag kita kayo. Masakit man nung nakita ko kayo, pero minabuti kong itago nalang, nakakatawang isipin na, lahat nalang ng gusto namin lagi kaming mag karibal,mag kalaban. Sa totoo lang, naging mag kalaban kami sa madaming bagay, napunta sa kanya si Niko na sobrang minahal ko, inshort...inagaw niya sakin,siniraan niya ko kay Niko at naniwala naman si Gago. Kaya ang dulo napunta sa kanya. Pero ngayon na niligawan mo siya at gusto kita, yun yung talagang nakakatawa Hahaha lagi nalang ako yung natatalo,nahuhuli." nakangiting sabi ni Hana pero hindi maaalis sa mata niya ang tunay na lungkot,lumapit sa kanya si Billy iniharap ang muka ni Hana sa kanya

"Pero mas matuwa ka na dahil sayo padin bagsak ko, sa ngayon siya yung talo at hindi ikaw" inakap siya ni Billy at hinalikan sa noo.

"Ngayon, papakawalan mo pa bako kung kelan alam mong, ikaw talaga yung gusto ko?" natatawang tanong sa kanya ni Billy

"Hindi naman ako tanga para sayangin pa to, Oo pumapayag nako" natatawang sagot ni Hana at tumayo si Billy at nag tatakbo at nag tatalon sa sobrang saya, may time din na nag tatakbo siya at sinalubong yung mga alon, kaya tawang tawa si Hana.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now