Chapter 64: Race

69 3 0
                                        

Drake point of view

"okey na ba yung gagawin diyan mamaya sa gitna?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Okey na okey na Bro, lintik ka talaga magmahal! Kaya sayong sayo kami eh! Ge bro aangasan pa ba namin yung Gamit dito?" Sira ulo talaga tong si Prince.

"As if naman na may alam ka sa pag aayos!" Humagalpak naman siya ng tawa kaya natawa nadin ako.

Actually hindi ko naman hangarin na makipag karera talaga kay Iah, hahahaha.
Isusurprise ko lang talaga siya, gusto ko lang siya lagi na ginaganito.

Tinanaw ko na siya at nandon na nga siya nasa tabi siya ng kotse niya at may kinakausap pa.

Lumapit nako sa kanya at sakto naman umalis na yung kausap niya, kaya lumapit nako ng tuluyan sa kanya.

"Oh ano? Naka setup na ba yang kotse mo?" Tumaas naman kagad yung kilay niya. Nakapamulsa naman akong nag hihintay ng sagot niya.

"Oo, lagi naman naka setup to eh" hinawakan pa niya yung harapan ng kotse niya, ang astig niya sa ginawa niya na yon.

"So pwede na ba natin umpisahan?"

"Tinatanong pa ba yan? Eh halata naman na handang handa na yung L-Centenario Roadster ko" walang ganang sabi niya habang kinukutkot yung kuko niya, aba! Ang yabang niya yata ngayon?

" sumakay ka na ang dada mo diyan" nakangising sagot ko sa kanya, sinamaan niya naman ako ng tingin at padabog na sumakay sa kotse niya.

Sumakay na din ako sa kotse ko at tinawagan ko na muna si Prince kung nakaharang na sa dadaanan namin mamaya yung surprise.

"OO KASI HANDA NA NGA!" wala pa man din akong natatanong sumagot na kagad.

"Tarantado ka ah! Pag hindi pa barag sakin yang muka mo" babala ko sa kanya, tumawa lang siya, pero kinakabahan naman na si Gago

"O-OO SIGE NA SIGE NA!" Pinatay niya kagad at narinig kong umandar na yung kotse ni Iah na parang handang handa na.

-----

Nag simula na at pinaharurot ni Iah yung kotse niya, ako naman normal lang na takbo mga ilang meters lang layo ng kotse ko sa kanya.

Pamaya maya nakita ko ng bumagal yung kotse niya at dahan dahan na huminto. Binagalan ko nalang din yung takbo ng kotse ko.

Nakita kong bumaba siya at halatang naiirita pa siyang bumaba, iba talaga tong babaeng toh hahahha

May nakaharang na mga Drum na malalaki sa daanan kaya talagang mapapahinto ka. Mga lima yata ang nakabuwal at Tatlo yata ang nakatayo.

Pamaya maya lang pinindot ko na yung timer at biglang sumabog yung apat na drum, na pati ako nagulat. Napalipad kasi yung Drum sa sobrang lakas at biglang nag silabasan at nag liparan yung parang laman ng party popper at mga lobo na black at red.

Sabay din ng pag sabog ng apat na drum ang pag labas ng isang Chow chow na aso sa isang drum at tumakbo papalapit sa sasakyan ko.

Nakita ko naman si Iah na nakangiti na sinusundan ng tingin yung aso mukang mangha mangha. Mukang hindi man lang nagulat sa pag sabog ng drum.

Lumabas naman ako ng kotse ko at nagulat pa si Iah sa paglabas ko.Binuhat ko ang aso papalapit sa kanya.At binigay ko sa kanya.

"Ikaw mag bigay ng pangalan sa 'aso natin' "

"Kooky ipapangalan ko sa kanya" halatang cute na cute siya sa aso kaya kinuha niya kagad.

Bagay naman sa aso kaya hindi nako umangal.

Nilapitan ko naman siya at dahan dahan kong inilapit yung muka ko sa muka niya hanggang sa nag halikan na kami, habang nakapagitna samin si Kooky.

"Para saan yung surprise na to?" Nag tatakang tanong niya.

Sa totoo lang hindi ko din alam, gusto ko lang siya isurprise. Sa isang araw na hindi kami nag kasama at nag kita, kulang na kulang ako. Siguro kaya naisip ko to para bumawi sa kanya.

"Para sayo hindi ba obvious?"

"I mean bakit may ganito?" Lumapit pa siya sa mga drum habang buhat buhat si Kooky

"Para isurprise ka" tipid na sagot ko sa knya

"Isa pa ibabato ko sayo yung drum na to" paghahamon niya sakin, nakangisi lang ako sa kanya habang nakasandal ako sa kotse ko

"Kaya mo?"

"Oo kaya ko---" akmang ibaba niya yung aso at bubuhatin nga yung drum kaya nagulat ako.

"O-oo alam ko namang kaya mo, tinatanong ko lang" depensa ko at siya naman nag pout lang.

"Para kasing tanga kinakausap eh" inirapan pako kaya napangiti nalang ako

"Sinuprise kita para makabawi ako sayo, kasi hindi tayo nag kasama kahapon kahit nasa iisang bahay lang tayo nakatira" inakap ko siya habang sinasabi ko sa kanya yon.

Pag harap ko sa kanya namumula na siya.

" Thank you for this cool surprise I love you babe" hinalikan niya ko sa labi.Kaya napangiti nalang aki at inakap ko nalng ulit siya kahit hindi siya makaakap sakin dahil dala dala niya yung aso.

"Kaya pala nag patihuli ka kanina ah" natatawang dagdag pa niya.

"Ang panget naman kung mauuna pako sayo, isusurprise ka nga eh" natawa nalang din ako sa sinabi ko.

"Mamimiss kita Babe" bulong niya sakin kaya napaharap ako sa kanya

"Bakit naman?" Nag tatakang tanong ko sa kanya

"Eh diba may ginagawa kayong Album? Siyempre busy talaga kayo, pero naiintindihan ko naman" isa ito sa nagustuhan ko sa kanya. Kasi may ibang babae na hindi talaga makaintindi, ang nasa isip lang nila may iba ka ng kasama.

"Thanks for understand Babe"

"Ehem ehem! Wala bang bayad diyan?"

Epal!

"Mamaya, epal kayo!" Sigaw ko sa kanila.Kahit kelan panira ng moment si Prince, humagalpak naman ng tawa si Ron at si Rycho

"Hi Iah " sabay na sabi nila kay Iah at sabay din na kumaway

"Hi" nahihiyang sabi ni Iah habang nakangiti

"Ang ganda mo pala sa malapitan kaya nagustuhan ka ni Drake eh" putaragis na dalawang to ang daldal.

"Lumayas na nga kayo oh ito susi ko umalis na kayo bukas niyo sakin isauli yan! " inihagis ko sa kanila yung susi at tumatawa pang umalis

"Tara na Babe ako na mag da-drive pauwi" inabot niya naman sakin yung Susi at umalis na.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now