Chapter 3: Alok

219 5 0
                                        

Iah point of view

Uuwi nako wala nakong gana. Nakatingin lang ako sa baba habang naglalakad dahil nakatingin sakin lahat ng taong dinadaanan ko, ngayon lang ako napagalitan ng ganito. Tapos tipsy pa, iba din.

Habang dumadaan ako sa bench biglang may humarang sakin na anim na lalaki at naka akbay pa sila sa Drake. wtf?! dito din ba sila nag aaral lahat?! Napansin kong naka upo lang sa bench yung Klint at nagiisa.

" Ayos yung pag bubunganga, ah? Hindi ka naman masyadong napahiya niyan?" Napataas ang isang kilay ko at napatingin sa harap ng magsalita yung Drake.

" Ay, close ba tayo? Bigla ka naman naging ganyan." Pambabara ko. Ngumisi siya at tumingin sa mga Hyung niya na parang may pinagusapan sila.

" Kawawa, ang taray pala.." hindi ko pinansin yung nagsalita na yon at hinanap nalang sila Athena sa bench kung nakatambay sila don. Uwian na din naman baka wala na silang class.

"tumigil nga kayo!" sigaw sa kanila ni Drake

Umalis na lang ako sa pwesto nila at naglakad na. Baka nandon na yung sundo ko sa labas dahil hindi naman ako nagdala ng sasakyan. Ginagawa pa dahil tanga yung kotse ko.

" Saglit." Huminto ako at nilingon yung Drake ng magsalita siya.

" Ano?"

" Kinakausap kapa diba?" Close ba kami?

" Pwede ba wag mo 'kong pagtripan? Hindi tayo close." Inirapan ko siya at inalisan na. Pero napabalik din ako ng hinawakan niya yung kamay ko na hinitak ko din kagad. May makakita pa, e. Nandito yata ibang nakakaharutan ko.

" Walang nangti-trip sayo. May gusto lang akong itanong."

" Pakibilisan mo at uuwi na ako."

" Payag ka ba kung liligawan kita?" Seryoso siya? Marami akong nakakaharutan na nagtatanong niyan at oo lang ako ng oo pag nasa mood ako. Pero yung klase ng pag tatanong nito parang dapat Oo lang ang isagot ko at bawal akong tumanggi.

" Sira ulo ka no?"

Tinalikuran kona siya at hindi pa ako nakakarating sa gate may tumalisod na sakin. Tangina? Buti naitukod ko kagad ang dalawang kamay ko. Muka tuloy nagasgas dahil mahapdi at ang init init.

" Ayos ka lang?" Natatawang tanong niya sakin habang nakikipag apir sa lalaking tumalisod sakin. Walang'ya!

" Mas ayos pa sa ayos." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil naiinis na ako. Ano ba ginawa ko para talisurin ako?

" Lagi kang mabubully dito pag tinanggihan mo 'ko. Hindi ako nagbibiro." Tinawanan ko lang ang sinabi niya. Matatakot na sana ako pero naalala ko marami akong barkada dito at Lolo ko ang Principal. Bakit naman ako matatakot?

" Hindi ako interesado sa gagawin mo. Kahit  na ipatanggal mopa 'ko sa Clark University" nakangising sagot ko.

" Kabahan ka pag nang yari yon dahil isang uto ko lang sa mga studyante dito, wala kang magagawa " nakangising sabi niya at natawa naman ako ng sarkastiko sa kanya

"ganyan ka ba ka desperado saken? napag hahalataan ka na eh " nagulat siya sa sinabi ko kasi totoo naman ang sinabi ko. Hindi ko akalain na may desperado palang lalaki. Gwapo pa naman.

" Tanggap kona ganon ako."

"wala akong pake" nakangising sabi ko sa kanya at napatawa siya ng konti yung kasama niya kanina nandon na nag aasaran at nag tatawanan na ulit at nangunguna parin yung Zeann.

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDWhere stories live. Discover now