Drake point of view
" 1 2 3! Talon!" sigaw namin lahat at sabay sabay na lumubog. Nakita namin kagad yung mga nag gagandahang isda. Sinasalubong namin silang lahat.
Hiniltak ko si Iah at sabay kaming naglangoy na mag kahawak ang kamay.Si Angel Noona at Yuan Hyung nagkakaramusahan lang,para silang bata.
Hanggang sa umahon kami at naramdam nalang namin na papalakas ng papalakas yung mga ambon hanggang sa maging ulan.Mabuti nalang at pabalik na kami.
----
Pag kabalik namin sobrang saya nila nag hahabulan nag babatukalan ng buhangin. Malamig man pero palagay ko hindi nila iniinda yon dahil nag eenjoy talaga sila.Sobrang sarap pala na marami kayo at nandito kayo saktong umuulan pa.
" Woohh! sobrang su-sweet niyo kailangan diyan! batukalin ng batukalin!" sabay hiyaw ng dalawa na si Grent at Rhake Hyung, hinabol nila kami kaya nag sitakbo kaming lahat.
Ilang beses na kaming nababato at halos lahat kami nag babatukalan na.Saktong kami lang ang nandon dahil umuulan at malayo kami sa pwesto ng maraming tao.
(now playing: Ulan by rivermaya)
Maraming oras kami na ginagawa namin yon, hindi man lang kami napagod tumakbo o dumampot ng buhangin sa sobrang pag eenjoy.
Hanggang sa mag dilim na at nag bihis na lahat kami, ito na yung last night namin dito.At bukas ng maga uuwi na kami.Malapit ma din ang pasukan namin kaya mag hahanda na kami.
Nakapaikot na kaming lahat at may bonfire sa gitna at may dalang gitara si Rhake Hyung. Kumakanta lang kami dito lahat.
(now playing: One thing- One direction)
One thing ang kakantahin namin at kami lang ni Klint Hyung, Zeann Hyung, at Grent Hyung ang kakanta.
Habang ako na yung kumakanta hindi ko mapigilan na hindi matitigan si Iah. Kinindatan ko siya at maraming nakakita non, tinulak tulak siya nila Noona at namumula naman si Babae.Napangiti nalang ako sa inasal niya ng tumawa siya na parang wala lang.
----
(now playing: simpleng tao- Gloc9)
Sila Yuan Hyung naman ang kumanta hindi ko inaasahan na pati si Angel Noona mag rarap.Ang astig niyang mag rap.
Para tuloy nainggit ako sa kanila.Aayain ko din na kumanta si Iah, marunong naman ako mag gitara. Mamaya hihiramin ko nalang.
"Babe kanta tayo" pag aaya ko sa kanya ngumiti naman siya at tumaas ang kilay
"Nang ano naman?" tanong niya, ano nga ba?
"Basta,alam kong kabisado mo yon eh" narinig ko ng kinanta niya yon.Kabisado ko naman yun eh
Pag katapos kumanta nila Yuan Hyung yinakap niya si Angel Noona.Parang ang tagal na nilang mag karelasyon.Parang sisiw nalang sa kanila yung ginawa nila kanina.
Kinuha ko yung gitara kay Rhake Hyung, at inumpisahan ko na.
"Babe pangarap lang kita" nag taas lang siya ng kilay at nag taka
"I mean yung kakantahin natin" tss. Akala yata pangarap ko lang siya. Well, totoo naman Pangarap ko talaga siya.
Pag uumpisa ko, lahat naman sila tutok samin ni Iah, sila Angel Noona parang kinikilig na nakatingin samin
Mabuti pa sa lotto
May pag asang manalo
Di tulad sayo imposiblePrinsesa ka...ako'y dukha
Sabi nila naman kasi may mangyayari
at kahit mahal kita
wala akong magagawa
tanggap ko to aking sinta
pangarap lang kita.

YOU ARE READING
My Enemy is my Forever (BOOK l) COMPLETED
Teen FictionBOOK 1: MY ENEMY IS MY FOREVER (COMPLETED) BOOK 2: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED) BOOK 3: THE GIRLS REVENGE (COMPLETED)