Chapter 10: Double Date

147 4 0
                                        

Klint Point of view

Na love at first sigh ako kay Danielle kagabi nung naka video call ko siya nasa kanya lahat ng tipo ko sa babae.Yung feeling na alam ko naman na sobrang daldal ko sa mga tao pero pati ako nanibago ko sa sarili ko kagabi dahil hindi ako makapag salita.ewan ko ba,ang awkward ng pangyayari.

Simula kagabi hanggang pag tulog ko ayaw maalis sa isip ko yung muka niya lahat yung umpisa na makita ko siya nung una nung tumalon siya sa kama ni Iah.Yung pag papakilala niya.Yung ngiti niya habang nag sasalita.Yung boses niyang halata ng madaldal.Yung pag tawa niya ng walang arte.Ang ganda niya kahit anong galaw niya.Parang gusto ko siya makita bawat minuto.Hindi man kapani paniwala pero na love at first sigh nga yata ako sa kanya.Ang lakas ng tama ko sa kanya.

"Hoy Klint! sama ka ba?" napaka bossy talaga nitong abnong Drake nato.Pag nasa harap niya si Iah ang galang niya samin may pa Hyung Hyung pa siyang nalalaman.Pero pag wala si Iah ang bossy at nawawala na yung mga Hyung sa dulo ng pangalan namin.

"bakit po 'sir drake?' " sarkastikong sabi ko sa kanya at sinamaan niya lang ako ng tingin ang bossy talaga!

"Sama ka ba kako mag da-date kami ni Iah my Loves" nakangisi siya habang sinasabi niya sakin yon parang inaasar niya ko sa tingin niya.Papatalo ba naman ako?! siyempre di ako sasama sa kanya ipapamukha niya lang sakin na wala akong gf at iinggitin niya lang ako mamaya kaya huwag nalang!

"ayoko iinggitin niyo ko eh,parang tanga lang akong susunod sunod sa inyo don.Edi maglalaro nalang ako dito mag isa" totoo naman eh ayoko kaya maging third wheel muka bang ka-third wheel third wheel itong mukang ito sa pogi kong toh mahihiya yung salitang third wheel.tsk

"Sino ba nag sabing iinggitin ka namin ha?! sino din bang nag sabing sunod sunodan ka samin! hindi ka muna kasi nag tatanong kung sino paba yung kasama eh! maling mali!" oo na! Pinapamukha na naman nito sakin na tatanga tanga ko eh

"Dami mong sinabi umalis ka na nga diyan!" kinabig ko siya palabas pero hindi siya nag paawat at kumapit siya sa headboard ng kama ko para hindi ko siya mahatak ang kulit talaga! argh

"Wait lang kasi ang tanga mo talaga pag hindi ka sumama si Danielle yung magiging third wheel samin!" naiinis na sabi niya habang nakahawak pa din siya sa headboard ko.

wait whattt?!

kailangan ko nga talaga sumama nandun si Danielle gusto ko na siya makita.Kagabi pako nag titiis ang tanga ko nalang pag umayaw pako ngayon.

"San ba yon? Ano ba yung kailangan kong isuot? Bonggang date ba yon? ano yung gagawin natin don? anong oras din ba? Mag hahanda naba ko ngayon? mag kano yung dadalin kong pera? kotse ba dadalin ko? ano ba mga kailangan?" tanong ko sa kanya at siya naman natuliro ewan ko dine tinopak na

"Gaganyan ka ngayon?! Mag brief ka siraulo!" hiyaw niya sakin at umalis na kita mo nga kanina nag pupumilit pa tapos ngayon galit dapat ako yung galit eh.Eh basta gagayak nalang ako,kailangan ko ng maligo para ready na kagad hehehe

*after 3 hours

Natapos din akong maligo,imposible man na 3 hours akong naligo pero totoo.

Nag suot ako ng Black na damit at pantalon na itim at puting sapatos at nag jacket din ako yung makintab yung parang binuhusan ng mantika heehe joke lang.

"Hoy Klint tara na!" aya sakin ni Impaktong Drake,buti nalang mabilis lang akong nakaligo hehehe.Galing ko talaga ti-timing hahahah

"Lumabas ka na bilisan mo!" reklamo na naman niya,kung di lang talaga kasama si Danielle mag bababad pa talaga ko sa cr.

"oo teka nag bi-brief pako hintayin mo nalang ako sa baba malapit nako!" sigaw ko sa kanya at narinig kong napabuntong hininga siya

"aishhh! puta!" galit na sigaw niya at bumaba na.Kasalanan ko bang boyscout ako ha?! mabilis naman akong mag bihis mabilis din naman ako maligo.Ano ba problema niya.

Pamaya maya natapos nako mag bihis at bumaba nako.Nasan si Drake?

"Hoy Drake nasan ka na ba?!" sigaw ko sa kanya.

"tara na" kalmadong sabi niya at parang wala lang nangyari.Kanina lang galit na galit ngayon naman parang nag ka-amnesia

"san ba yung location?" masayang tanong ko sa kanya.Siyempre nag mamagandang loob nako.Baka mamaya iligaw ako neto eh.

"Bulag street di makita City" diretsong sagot niya at ako naman napatulala nalang sa sagot niya. Ang sarap niya talaga kausap.

"San nga!?" napapahiyaw na talaga ko ng lalaki nato pag ako napikon ibabalibag ko sa kanya susing hawak ko.

"Sa Plaza 7 pm.6 na ngayon isang oras yung byahe papunta na din sila don.Tara na" kalmadong sabi niya. Tsk siyempre makikita na niya yung Iah niya. Magiging anghel na naman to mamaya.

"lesgow na!" excited na sabi ko at pumasok nako sa Porsche ko at siya naman pumasok na siya sa Lamborgini niya,hindi naman niya paboritong gamitin yon eh ginaya lang si Iah tss.Bulok naman kotse pag dinikit sa kotse ni Iah.Hahahaha

*plaza

nandito na kami sa parking lot siyempre ayos tong Plaza nato may Parking lot pero dun ako nag parking sa tamang gararehan kesa naman sa kumag nayon na dun nag parking sa Toda ng mga tricycle driver balak yata mamasada! may katok talaga.

Pamaya maya lumapit na siya sakin at nakangisi pa,siguro malapit ng pumunta dito sila Iah kaya nag aanghel anghelan na.Kadirii!

"Ngiting natatae yan ah? tumae ka ba kanina?" seryosong tanong ko sa kanya pero kumunot lang ang noo niya

"itsura mo mukang mag titinda ka ng ice candy sa Plaza" ang suplado talaga,pag sa iba ang sungit pero pag kay Iah ang bait! ang Unfair! sabagay,takot nga pala siya don wahahahah

"oh ayan na sila!" sabi ng isang grupo dito ng lalaki sa likod namin,nilingon naman namin yon at tumingin kami ng nag tataka,sila ba yung ida-date bakit nandito sila? sasama ba sila samin? aagawan pako kay Danielle hanep

"pare ang ganda ni Danielle noh?"

"oo pare,pati din si Iah ang ganda ang aangas ng mga galaw niya nakakalalaki man pero nakaka inlove sila"

"oo nga tapos si Danielle nakakaturn on yung pagiging madaldal niya"

"ayy pare nabalitaan niyo bang umamin sila na may isa pa silang pinsan,sikat din at maganda kaso maliit"

"okey na pare yon atlis hindi unano pwede na din"

gagong tong mga to ah! eh kung sagasaan ko sila mamaya!? updated na updated!

"Hoy lumayas nga kayo diyan hindi niyo malalapitan si Iah mamaya dahil kasama niya ko mamaya at mag da-date kami " biglang nag salita tong Drake nato,inunahan pako.

"oo nga pati si Danielle!" hiyaw ko sa kanila at muka nila napahiya hahahha kaya umalis na sila

My Enemy is my Forever  (BOOK l) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ