Chapter 2

21.2K 573 830
                                    

Galit na hinarap ni Ryker si Sed, ang photographer sa araw na iyon. "You didn't even notice that there is someone drowning 'cause you're focusing on that f*cking phone?! You're so unprofessional." nagtiim bagang ito.

"I'm so sorry Mr. Thompson I didn't mea— "What the fck?!" malutong na mura nito.

Patakbong pumunta si Daniel sa lugar kung nasaan ang kaniyang boss. "Ayos ka lang Ryker?" tanong nito ng makitang basang basa ang binata.

"Yes, but please call the ambulance to che— hindi na natuloy ni Ryker ang dapat nyang sabihin, dahil ng lumingon ito sa lugar kung saan nakahiga ang dalaga kanina ay wala na ito.

"Where did she go?" takang tanong nito.

Kanina lang ay narito pa siya at nakahiga, nasaan na siya?

PATAKBONG pumunta ng dressing room si Yana, hindi na niya nagawang magpasalamat pa sa taong sumagip sa kaniya sa pagkalunod sa pool.

Her mind was so preoccupied, ang gusto niya lang ay ang umalis sa lugar na iyon.

She's crying and she feels so helpless. Once again, nangyari nanaman ito sa kaniya.

DUMIRETSO si Yana sa hospital kung saan nagpapagaling ang kaniyang ama.

Dinalhan niya ito ng mga prutas upang mas lalong mapabilis ang pagrecover nito. "Kamusta ang photoshoot?" bungad ng ama, pagpasok palang niya.

Ngumiti siya ng mapait, buti pa ang photoshoot kinamusta pero ang anak niya na muntik ng malunod at mamatay ay hindi niya kinamusta.

"Pinaghirapan kong makausap ang editor ng Fashion Time para lang sa photoshoot na iyan, so I'm expecting na naging succesful ang shoot" napailing siya, wala ng agency ang gustong makatrabaho ang Fashion Time at tanging sila nalang ang kumagat sa alok na iyon.

Yes, oo sikat ito at malaki ang tyansa na sumikat at makilala muli ng agency nila, iyon ay kung hindi lang kumalat ang issue.

"Sinong talent ang ipinadala mo? Si Hannah ba? Si Karen o si Jil?" tanong muli ng kaniyang ama.

Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Paano nalang kung sabihin niya ang totoong nangyari? At wala na ang mga talents nilang iyon dahil matagal na silang umalis, at si Jil kanina lang.

Ikinuyom ni Yana ang kaniyang kamao "Daddy! Kahit minsan lang! Please itigil niyo na ang tungkol sa agency na iyan!" hindi na napigilan ni Yana ang kanyang emosyon at maging siya ay nabigla sa pagsigaw sa ama.

Bakit lagi nalang ang Lopez EA? hindi ba pwedeng pagusapan naman nila kung kamusta ba ang araw niya? Kung anong nangyari sakaniya?

Ayaw na niyang muling sagutin ang ama kaya't minabuti nalang niya na umalis roon.

INABOT ni Noel ang kaniyang telepono. Kailangan niyang tawagan ang pinakamahalagang tao na maaring makatulong sa sitwasyon ng kanilang kumpanya.

And that's David, the owner of TTTA.

KASALUKUYANG nagdidinner si Ryker kasama ang isa sa mga sikat na artista.

The girl was beautiful, maganda ang hubog ng katawan nito at makikita ang karangyaan sa kilos at galaw nito. But he doesn't care. Dahil ang laman ng utak niya ngayon ay ang babaeng niligtas niya kanina.

Ang pinagtataka pa nito ay hindi naman ganoon kalalim ang pool at kaya naman niya itong abutin kahit na hindi ito marunong lumangoy. Pero bakit nalunod pa rin ito?

Hindi rin siya makapaniwalang umalis lang ang dalaga ng walang paalam at hindi man lang nagpapasalamat sakaniya.

Nabasa pa siya sa pagligtas sa babaeng iyon. Walang utang na loob, a simple thanks will do.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora