Chapter 49. Last Chapter

10.4K 142 35
                                    

“Wala na kayong takas, Yana. Kung ako sayo hindi na ako mag aaksaya pa ng panahon.” Nakangiting sabi ni Julia na animo’y isang maamong tupa.

“Bumalik na kayo sa kwarto niyo.” Walang emosyong sabi ni Riz. Bumaling ako sakaniya, bakit niya nagawa ito? Hindi ko labis maisip na kasama siya ni Julia sa pangingidnap kay Rylie.

“Napakasama mo!” sigaw ni Rylie kay Julia na ikinagulat ko. “Ang sabi mo sa akin ipapasyal mo lang ako!”

Tumakbo papunta sa likuran ko si Rylie upang magtago. “Umuwi na tayo ate Yana please.” Pagmamakaawa niya. Lumuhod ako upang magpantay ang aming mukha. “Uuwi tayo, pangako ko sayo.”

I can feel my chest tightening as I hear the sound of the waves from the sea. I am so helpless. Ngayon ay nagdududa na ako sa sarili ko. Mapoprotektahan ko ba siya? Kahit siya lang?

Kitang kita ko ang pag-asa sa kislap ng mga mata ni Rylie. Kailangan kong tatagan ang aking loob, hindi ako pwedeng magpadala sa takot ko. Maliligtas kami at makakauwi kami ng maayos.

“Pumasok ka na sa kwarto, kakausapin ko lang sila.” Bulong ko kay Rylie. Pinagmasdan muna niya ako ng ilang segundo bago ito tumango at pumasok sa loob. Nakasunod naman si Julia sakaniya.



Kaming dalawa nalang ni Riz ang naiwan, akmang ibubuka ko na ang bibig ko upang magsalita ngunit naunahan niya ako. “Alam kong maraming katanungan ngayon sa isip mo.”

Tumango ako at hinarap siya. “Bakit? Bakit mo nagawa to? Bakit ka nakipagsabwatan kay Julia?” sunud-sunod kong tanong.

Umiwas siya ng tingin. “Mukhang hindi maayos ang pakiramdam mo. Tara pumasok muna tayo sa loob.” Pagyaya niya sa akin. “Alam kong ayaw mo sa dagat.” Dagdag pa niya.

Umirap ako at tinignan ko siya ng masama. “So ngayon concerned ka?” I asked sarcastically. “Kumidnap ka ng isang inosenteng bata Riz!” sigaw ko.

“Ang akala ko’y kilala kita, pero parang nagkamali ata ko.” Mahina kong sabi pero sapat na upang marinig niya.

“Oo hindi ko tinatanong kung sino ang ama ng iyong anak, privacy mo iyan at alam kong i-oopen mo na man iyon kapag komportable ka ng pagusapan natin iyon. Pero bakit naman nalagay sa usapan yon? Wait.” Natawa ako ng bahagya. “Galit ka ba sa akin dahil hindi ko iyon tinanong?”

Natigilan ako ng bumaba ang tingin niya. Oh my! Don’t tell me? Sabihin niyong mali ang iniisip ko!

“Kapatid ng anak ko si Ryker at Rylie.” Sabi niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.

“Hindi ko ginusto iyon, pero pinaramdam sa akin ni David na kaya niya akong pakasalan. Umasa ako, pero nagkamali ako dahil bigla nalang siyang hindi nagparamdam pagkatapos niyang nakuha ang gusto niya.” Pagkukwento niya. “Hindi alam ni David na nagbunga yung pagtatalilk namin, wala naman akong balak na sabihin sakaniya ang tungkol kay Riena pero nagkasakit ang anak ko. My butas ang kaniyang puso Yana at kailangan ko ng malaking pera para
maopera siya.”

“Pumunta ako sa  mansyon ng mga Thompson at sinabi ko ang lahat kay David, pero hindi niya ako pinaniwalaan, itinanggi niya na anak niya si Riena. Nagalit ako! He’s a billionaire kung tutuusin ay kaya niyang mamigay ng pera sa mga tao ng hindi naghihirap. Kaonting tulong lang hinihingi ko sakaniya pero tumanggi siya. Napakamakasarili niya! I wanted revenge. Gusto kong masira ang imaheng iniingatan niya!” sigaw ni Riz habang may luhang tumutulo sa mata niya.

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay lumapit ako sakaniya. Niyakap ko siya at hinagod ang kaniyang likod para patahanin siya. “J..julia heard everything. Nalaman niya ang tungkol kay Riena at nangako siyang ipapagamot niya ang aking anak kung tutulungan ko siya. Hindi na ako nagdalawang isip, Yana. Nakasalalay ang buhay ng anak ko. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa kin.” Aniya.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now