Chapter 25

7.9K 170 47
                                    

Galit na galit ang matandang Thompson kay Ryker sa nangyari. Nagmartsa ito paalis pagkatapos siya nitong sermonan.

"Scotch?" inabot ni Natalia ang shot glass kay Ryker. Tinggap naman niya iyon at mabilis na nilagok.

He wants to get numb, maraming masasakit na salita ang narinig niya sa kaniyang ama na para bang wala itong nagawang tama sa buong buhay niya.

"Akala ko nakakatakot na ang aking Dad, mas nakakatakot pala si Senior Thompson." Nailing na sabi ni Natalia saka sumimsim ng alak.

Patuloy lang sa pag inom si Ryker, he wants to get wasted to forget those hurtful words came into his dads mouth.

"Sinabi mo ba sakaniya na mayroong tumraydor sa atin?" tanong ng dalaga. "Hindi mo kasalanan na natalo tayo sa bid"

"About that-" bumuga ito ng hangin "Hindi ako sigurado roon, wala akong ibidensya para malaman kung sino ang may gawa non. Hayaan nalang natin."

He can't say that Yana is the one who's responsible for it, lalo na ngayon na galit ang kaniyang ama. Baka kung ano pa ang gawin niya sakaniya.

"We can't move on to that, Ryker. Iyon lang ang tanging ekplanasyon! Sigurado din ako na mayroong nagtraydor sa atin, at gagawin ko ang lahat ng kaya ko upang malaman kung sino iyon!"

Nilagok muli ni Ryker ang isang baso at tumingin sa kawalan, "May pinoprotektahan ka ba Ryker?" usisang tanong nito sa binata. "Kilala mo ba kung sinong may gawa non?"

Matalim niyang tinitigan ang dalaga, "Stop this nonsense!" bulyaw nito na ikinatahimik niya.

Tumayo siya at inayos ang nagusot niyang suit, "Kailangan ko ng umalis, hindi ako komportable na iniwan ko si Yana pagkatapos kong makatanggap ng tawag mula kay Dad"

He rushed back to the office for the emergency meeting at pagkatapos non ay sinermonan pa siya ng kaniyang ama, today is exhausting! He needs the warm embrace of Yana to recharge for this tiring day.

Hinawakan siya ni Natalia sa kamay para pigilan, "W-wait, w-wag kang umalis." There's sadness in her eyes, "Ngayong araw dapat ang kasal ko."

Mabilis na inalis ni Ryker ang kamay ni Natalia sa kaniyang braso, "I'm sorry about that."

"Ngayong araw dapat ang pinakamasayang araw para sa akin. But it turns miserable now, lalo na't nagfailed ako bilang legal head sa inyong kompanya."

Nilagayan niya muli ng scotch ang shot glass ni Ryker at inabot ito sakaniya, "just a few more drinks? I really need someone by my side."

"Please?" anito ng hindi gumagalaw ang binata.

Marahan itong bumuntong hininga at kinuha ang shot glass, "Konti nalang, okay?" tumango naman ito.

He really needs to get back, baka mamisunderstand ni Yana ang hindi niya pagbalik.

Pero satingin niya'y kailangan niya munang samahan si Natalia kahit sandaling oras lang, besides naging malapit naman siya sa dalaga at may pinagsamahan naman sila.

"So kamusta kayo ni Yana?" tanong nito sakaniya, "Alam ko sinabi mo sa akin na ikakasal kayo dahil mahal niyo ang isa't isa, pero iba yung sinasabi ng mga magulang mo noong dinner."

Alam ni Ryker na alam na ni Natalia ang tungkol sa kanila kaya hindi na ito nagtaka na iopen niya ito sakaniya, "It's complicated, pero seryoso ako sakaniya. Hindi siya tulad ng iba, she's different." There's a sparkle in his eyes while he said that.

"Eh ako? hindi ba ako iba sa mga naging karelasyon mo?" nakangiting tanong ni Natalia.

Ryker chuckled, "Come on Talia, mga bata pa tayo non, we were only fooling around. Pero iba yung kay Yana, you know it feels so right." He smiled again.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now