Chapter 35

7.8K 153 37
                                    

Naging laman ng balita si Nayana dahil sa pagpapakilala sa kaniya ni Lady Berkshire bilang nawawalang anak nito. Everyone was shock with that news, kamakailan lang ay runaway bride siya ngayon ay long lost daughter na. What a twist in her life!

Halos lumuwa ang mga mata ni Yana ng makarating sa tinutuluyang mansion ni Helena. Triple pa ito sa laki ng mansion ng  mga Thompson.

Helena welcomed her with warm hug.“Pinaayos ko na ang iyong kwarto. Pwede ka nang pumunta roon para matignan mo.” Nakangiting wika ng ina.

“Kung may ayaw ka sabihin mo lang at ipapatawag ko si Celine ang aking personal Interio—“No!” putol niya rito. “Hindi na po kailangan, hindi naman po ako maarte. Alam ko naman pong maganda iyon kahit hindi ko pa nakikita” she smile.

Helena is at ease now, she finally found her lost daughter. Alam nang Diyos kung gaano niya kagustong makita at makilala ito. 25 years niya itong hinanap, hindi niya inaasahang ito mismo ang lalapit sakaniya. Siguro’y plano iyon ng Diyos.

Renantony purchased many properties in Desborough before he died, marami rin itong natayong mga negosyo. Sa daming pera na pumapasok sa kanila’y naisipan ni Helena na magdonate sa iba’t ibang charities.

“Nayana, can I ask you a favor?” tanong niya sa anak bago ito maka hakyat ng hagdanan papuntang kwarto na nasa ikalawang palapag.

Ngumiti muna ito sakaniya bago tumango, “Okay lang ba kung dumalo ka sa Masquerade Charity? Hm. Hindi kase ako makakapunta dahil may emergency sa kompanya. I need to go to Desborough.” May pagaalalang sabi ni Helena.

How can she say no? Ito ang unang favor ng kaniyang ina. 

“Anyways, being my daughter is not that easy. You need to help me since marami tayong negosyo na kailangang hawakan at patakbuhin. And I want you to meet your own secretary.”

As if a cue, a familiar woman appears in front of her. “Guess who’s sexy, slim and ready to work for her best friend again?”

Abot tenga ang ngiti niya ng makita si Riz, wala na itong baby bump dahil nanganak na ito. Dali dali siyang lumapit at niyakap ito ng mahigpit. “I miss you!”

“How was the company Daniel?” prente itong nakaupo at nakasandal sa kaniyang swivel chair. Today was tiring as f-ck! Ang dami nilang inasikaso at iba’t ibang producer din ang tumatawag sakanila para sa mga projects na ihahandle nila.

“TTTA is doing great boss! Lalo na ngayong alam nila na related tayo sa mga Berkshire.” Nakangiting sagot nito.

Kumunot ang noo ng binata, “Iyon naman pala, so bakit sinali mo ako sa mga taong ibibid sa Masqurade Charity na iyon?” matalim niya itong tinitigan.

Napakamot ng ulo si Daniel pagkatapos ay nag peace sign. “Actually three months na ang nakalipas noong inilista ko ang pangalan mo sa mga taong ibibid. I mean hello! Back then, You are the great Ryker Gunn Thompson hashtag The Womanizer of the Century. Naisip ko na magugustuhan mo iyon, di ko naman aakalaing magkakaroon ka ng Nayana.” Anito.

“Besides private ang event na iyon at walang mga paparazzi ang makakapasok. Plus, lahat ng mga taong dadalo ay nakasuot ng mask.” Ngiting asong sabi nito. “Kinky right?”

Matalim pa rin ang tingin niya sa sekretarya “Take my name off!” bulyaw nito. “Hindi ako pupunta roon! That's final!”

Anong akala nito sakaniya? Bayarang lalaki? Damnit! Ang katawan niya ay para lang kay Yana.

“I can’t! Mamayang gabi na ang event. At isa ka sa mga hinihintay nilang bid.”

Napahilamos ng mukha ang binata, bakit ba siya nagkaroon ng ganitong sekretarya? He swears! Kapag natapos ang gabing ito he will fire him!

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now