Chapter 28

7.4K 143 29
                                    

She needs to find out the truth about what happened that day and she likes to go away for a while. Away from all this chaos and pain.

Malalim ang kaniyang iniisip habang pinagmamasdan ang magandang tanawin mula sa bintana ng eroplano, para siyang nasa langit dahil sa dami ng ulap na nakapaligid. She knows its coward to run away, pero kahit minsan ay umuurong din ang mga leon sa laban lalo na’t kapag alam nilang natatalo na sila.

We can’t always be brave, especially when everything is suffocating you to the point where escape is the only way to breathe, because sometimes it feels better to leave all the pain behind.

Kung nag ‘yes’ ito sa araw ng kasal nila ng binata, ay nagsisinungaling lang siya. Maraming mga katanungan na gusto niyang masagot, dahil puno ng pagsisinungaling ang kanilang relasyon. Hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan niya pa ba ito.

Pagod na siya sa mga taong ginagamit ang nakaraan niya bilang bentahe sa kaniya, at pagod na din siyang magpanggap na para bang hindi siya naaapektuhan sa pangyayaring iyon. Isa lang ang natutuhan niya, she can only trust herself. Kahit minsan lang, ay uunahin muna niya ang sarili niya.

Naging usap usapan ang balita tungkol sa kasalanan nina Ryker at Yana, it’s the talk in the city. Maraming hakahaka ang lumabas kung bakit humindi ang dalaga sa kasal, meanwhile The Thompson Talent Agency (TTTA) acquire Lopez Entertainment Agency. Sila na ang humawak rito dahil bigla nalang naglaho ang dalaga na parang bula, walang sino man ang nakakaalam kung nasaan siya maging ang kaniyang mga magulang.

“Ang sarap naman nito!” hindi mapigilang saad ni Rona nang matikman ang bagong inumin na gawa mismo ni Yana.

“Halos isang buwan ka palang dito pero shit! Mukhang master mo na ang pagiging bartender” anito saka muling sumimsim sa inumin.

It’s been a month since she moved to the small, quiet, Island of Daku. Dito siya mismo nalunod sa karagatan na ito. Nakakatuwang isipin na mukhang walang alam ang mga tao rito tungkol sa kaganapan kung saan siya nanggaling, they don’t even know the celebrity there. Napaka simple ng pamumuhay rito at tiyak na marerelax ka sa sobrang payapa ng paligid.

Pumunta siya rito, upang bigyan ng kasagutan ang mga katanungan sa isip niya, pero satingin niya’y hindi pa ito ang tamang panahon para roon. A part of her says that she’s still not ready to face the truth.

This place is like a safe haven for her, ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit siya dinala ng mga magulang niya rito eight years ago.

Ibinalibag niya ang kaniyang katawan sa malambot niyang kama pagkatapos ay mahinang minasahe ang kaniyang sentido. Biglang nagring ang phone niya at galing iyon sa kaniyang sekretarya.

“Yanaaaaa!” sigaw nito, muntik niya pang mabitawan ang kaniyang cellphone dahil sa gulat.

Tuwing sabado ay nagvivideo call sa kaniya si Riz ngunit ngayon ay nagtataka siya kung bakit tumatawag ito gayong Lunes palang, namiss ba siya nito?

Inilibot niya ang paningin sa kuwarto kung nasaan ang dalaga, nanlaki ang kaniyang mga mata nuong napagtantong nasa hospital pala ito, “Oh MY Ghad! Manganganak ka naba?!”

“Oo, malapit na!” sigaw pabalik ni Riz, she’s having contractions.

Napangiti si Yana sa balitang kaniyang narinig, sa wakas ay ilalabas na nito ang kaniyang baby girl “Diba sabi mo ilalabas mo ang baby mo ng puno ng positive vibes? Eh bakit nakasimangot ka?” pagbibiro niya rito.

“Satingin mo ba nakakatawa yon?” masungit na tanong nito, “Hihintayin kong magkaroon ka ng pakwan na malapit ng lumabas sa pagkababae mo, tignan ko lang kung puno pa ng positive vibes ang maiiisip mo”
Hindi maiwasang hindi matawa ni Yana, siguro’y dala lang ng sakit na nararamdaman ni Riz iyon.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now