Chapter 43

6.5K 123 27
                                    

Few more chapters for Marrying The Womanizer. I hope y'all enjoying the story of Yana and Ryker. Their love story is like a ferris wheel with lots of up and downs, sana ay suportahan niyo sila hanggang dulo.

Anyways, happy 12.6k reads!! Thank you so so much for reading!!❤️

——

Chapter 43

Nakikita ni Yana ang klarong tubig sa itaas habang lumulubog siya pailalim. Sinasabi ng isip niya na lumaban siya na ihaon ang sarili niya pero biglang naging blanko ang utak niya. Parang namamanhid ang buong katawan niya. Hindi siya makagalaw. And all she can remember is the pain.



“Stable na ang kalagayan niya, mabuti nalang at naresuscitate mo siya at nadala mo siya sa hospital sa tamang oras.” Pahayag ng doktor.

“Ryker?” kahit nanghihina'y pinilit ni Yana ang sarili upang makita kung sino ang kausap ng doktor. Pero gayon na lang ang pagkadismaya niya ng makita si Daniel. “Mauna na ako.” paalam ng doktor sa kanila.

“Pasenya na Yana pero ako lang to.” Sabi ni Daniel. Napaubo siya at parang namuo ulit ang sakit na nararamdaman niya. “N-nasaan siya?” tanong niya habang pinagmamasdan ang pintuan na animo’y ilang segundo lang ay darating ang lalaking hinahanap niya.

Marahang pumikit ang mga mata ni Daniel at tinignan siya nito ng may pag aaalala “Yana”

“Nasaan siya?” tanong niya ulit,  hindi na niya magawang maging mahinahon sa mga oras na ito. She wants Ryker, she wants to see him, and clarify things with him. Siguro’y nananaginip lang siya at hindi totoo yung mga nangyari kanina.

“Mabuti nalang at naisipan kong pumunta sa condo niya kanina. Kung hindi siguro’y wala kana ngayon.” Disappointment is evident on Daniel’s face. “Anong iniisip niya? At iniwan ka pa talaga niya sa ganoong kalagayan?”

Suddenly her tears fell down to her eyes. Hindi iyon panaginip lang. Totoo ang lahat ng iyon, Ryker doesn’t want her anymore. Hinayaan siya nitong malunod ng hindi man lang siya sinasagip. Iniwan na siya nito.


Hinawakan niya ang kaniyang dibdib kung nasaan ang kaniyang puso. It hurts so much that she can feel the pain into her soul. Her breathes become rugged. “Stay still, tatawagin ko ang doktor.” Aligagang sabi ni Daniel saka siya nito iniwan.


Wala kay Daniel ang kaniyang atensyon. Ang tanging lumalabas at pumapasok sa utak niya ay si Ryker. He broke up with her. Pinaglaruan lang siya nito.

Pero diba dapat pagkatiwalaan niya ito? Baka may rason kung bakit niya ginawa ang lahat ng yon. Sinabi niyang mahal siya nito, hindi naman siguro ganoon kadaling maalis ang pagmamahal mo sa isang tao hindi ba? Gusto niya itong muling makausap, she needs to hear him one more time. Kahit na masakit gusto niyang marinig ulit at sabihin sa harapan niya na hindi na siya nito mahal.




She waited, and waited, and waited, and waited. Hindi niya inalis ang tingin sa kaniyang cellphone, lagi siyang nakaabang sa pintuan at nagbabakasakaling baka dumating si Ryker pero nabigo siya, ni anino nito'y hindi niya nakita. It's been weeks at madidischarge na siya bukas.

Wala siyang kinausap, sa loob ng dalawang linggong iyon. Hindi siya nagpapasok ng mga bisita kahit pa ang kaibigan nitong si Riz. Bumukas ang pintuan ng kaniyang silid at oras na para sa kaniyang tanghalian. "Ayokong kumain, umalis kana." aniya sa nurse ng hindi man lang binabalingan. She always refuses her food dahil wala itong gana.

"So gusto mo ng mamatay?" malamig na tanong ng dumating. Bumaling naman si Yana sa nagsalita. "Mom?" namilog ang nga mata nito ng makita ang kaniyang ina.

May pag aalalang tumitig ang kaniyang ina sakaniya, "Hindi ba't sinabi ko kapag may problema ka'y lapitan mo lang ako?" sinserong sabi nito. Lumapit si Helena sakaniya at naupo sa ma'y higaan niya. Matalim siyang tinitigan ng kaniyang ina. "Ang tigas talaga ng ulo mo!" sigaw ni Helena.

Then her angry eyes become soft, niyakap niya si Yana ng mahigpit. "Anong nangyari sa pinaka independent na babaeng nakilala ko? Anong nangyari sa babaeng ngumingiti pa rin kahit na may malaking problema ang dumating sakaniya? Hindi ako nagsisisi na iniwan kita dahil alam kong lumaki ka ng independent. You know what? you all did that on your own. You did that without a man, without him." pangangaral ni Helena.

Yana just bowed her head. "Sorry to disappoint you."

Umiling si Helena. "Yes you disappoint me but, you need to moved on now, child." Inilabas ni Helena ang kaniyang cellphone at pinakita kay Yana ang balita tungkol kay Ryker. He's making out with Sophia Delmond, ang anak ng nag mamay ari ng Delmond Inc. But what's shocked her even more is that... That Sophia Delmond is the woman at the auction who bid 10 Million for Ryker.

So, all this time magkakilala sila? Is that the reason kung bakit hindi siya nito hinayaang magbid ng mas mataas pa sa 10 million? Yana didn't even realize that her tears starts falling from her eyes. The pain is too much to handle. She felt so vulnerable and weak. Sinubukan niyang pigilan ang mga luha sa kaniyang pisngi pero hindi niya iyon nagawa. Masagana ang mga luha niyang naglalandas sakaniyang pisngi. Naririnig niyang nageecho ang kaniyang paghikbi sa kaniyang silid.

Helena lean on her, niyakap siya nito ng mahigpit saka niya hinahaplos ang kaniyang likod upang patahanin siya. "That d-ckhead doesn't deserve you, child. Hindi niya deserve ang nga luha mo. Be strong anak, but for now let it out. Andito lang ako para sayo." Yana continues to sobs, and let out everything like what Helena said. "Siguro'y binigyan kaniya ng rason para mahalin mo siya, pero hindi lang siya yung lalaki sa mundong ito. May lalaking mamahalin ka ng lubos pa sa iniisip mo." Mas lalong lumakas ang paghikbi at pag iyak ni Yana. It's strange that she can't see herself with anyone else but Ryker.



Nakatulog si Yana sa sobrang pagod nang dahil sa pagiyak. Pero nang makaramdam siya ng presensya sa kaniyang kwarto'y iminulat niya ang kaniyang nga mata. A man wearing casual suit is looking at her intently. Malabo pa ang paningin niya at hindi nakakadagdag ang madilim niyang silid upang makilala ang lalaking nasa harapan niya. "S-sino ka?" she asked. May pag asa sa kanya na baka ang taong nasa silid niya ay ang lalaking hinihintay niya.

"Yana! Im sorry! Nagising ba kita?" kinakabahang tanong ng lalaki. Binuksan ni Yana ang lampshade sa tabi niya at ilang saglit pa ay nakapagadjust na ang kaniyang mga mata at klaro na niyang nakikita ang gwapong mukha ng lalaki. "Hugo? Oras na bakit ka narito?" tanong niya. It's already 2 am.

"I'm sorry. I heard what happened to you, so I immediately booked my flight to Philippines after I finished my work at Desborough. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nakikitang maayos ka." may pag aalalang sabi nito. Kumunot ang noo ni Yana, so all this time marunong palang magtagalog si Hugo?

"I should leave, I'll come back tomorrow." paalam ni Hugo. Nakaramdam ng bahagyang pagkadismaya si Yana, ang akala niya'y si Ryker iyon.

Pero... bakit sa ganitong oras pumunta si Hugo sa kaniyang silid? Hindi na tumatanggap ng bisita ang hospital sa mga oras na ito. Did he sneaked in?





May pagaalalang tumingin si Riz sa kaniyang boss. "Sigurado ka ba na hindi ka magpapahinga, kakadischarge mo lang sa hospital three days ago."

"Ayos lang ako." sagot ni Yana ng hindi man lang binabalingan si Riz. "Pwede ka ng umalis kung wala ka nang sasabihin." malamig na sabi ni Yana.

Bumuntong hininga si Riz, pagkatapos ay inilapag niya ang invitation sa mesa ni Yana. "May annivesary ball ang mga Thompson's the day after tomorrow, at invited ka." 

Yana paused, she felt herself stilled. "A-ayos lang naman kung hindi ka makakapunta." saad ni Riz. Bakit ba binigay niya pa itong invitation sa boss niya?

Yana wants to proved that she's all moved on, that she's better without him, that he didn't leave a marked in her heart. Pero sinong pinagloloko niya? Ilang araw niyang sinubukan na kalimutan si Ryker pero hindi niya nagawa. She didn't like how vulnerable she felt because of him, but for now she wants to face him... "No, I'm coming."

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now