Chapter 7

13.9K 366 180
                                    

Ryker rolled his eyes at saka huminga ng malalim, "At ano nanaman ang nangyari?" natatawang tanong ni Daniel.

Kunot ang noo ni Ryker kaya halatang nabubwiset siya "Andaming letra sa alphabet pero simpleng 'OK' lang ang reply niya?" tinitigan niyang muli ang reply ng dalaga. At may pahabol pang reply ito na isang smile emoticon. Nawala bigla ang inis niya.

"What is it this time?" takang tanong ni Daniel dahil biglang nagbago ang mood ni Ryker. Hindi na niya ito sinagot dahil paniguradong tutuksuhin lang siya nito. Oo smile emoticon lang iyon pero nawala ang inis niya. That woman really drives him crazy!

Daniels' grinning ear to ear. "Fck you Daniel. Leave my office now!" bulyaw nito.

"Nasaan si Ryker?" tanong ni Yana kay Daniel na siyang sumundo sa kaniya. "E-eh w-work" kamot ulong sagot nito.

"Work? Do you mean he's banging one of your intern?" nanlaki ang mga mata ni Daniel. "How did you.." tinignan niya ang dalaga ng may halong pagtataka.

"Hindi siya magiging womanizer para lang sa wala. Hindi na ako masusurprise" pormal na sabi nito atsaka pinagpag ang damit niyang nadumihan.

Tumawa ng malakas si Daniel, "Okay I'll stop you there and surprise you. Nagttrabaho talaga siya. Iniwan ko siya sa conference room habang kameeting ang mga matatandang lalaki. At mali ang iniisip mo." Pagpapaliwanag nito.

Okay she's guilty, siguro'y naging judgemental siya masyado. "Pero bakit parang-" "Nashock lang ako you called my boss a womanizer." Natatawang sabi nito.

"You're a Thompson now, dear. Ikakasal ka na kay Ryker you should wear dress more properly" sita ni Julia kay Yana, ang stepmom ni Ryker.

Tinignan nito ang suot niya, she's wearing jeans and a simple hanging shirt. Binaling niya ang tingin sa suot ni Julia, she's wearing expensive and branded dress. Oh so dapat ganito ang mga sinusuot niya? "May dress ako na pwede mong suotin"

Nasa isang sulok lang si Yana habang pinagmamasdan ang mga bisitang dumalo sa kanilang private engagement party raw. Halos mga kilalang artista ang narito. Nakaramdam tuloy siya ng hiya, ayaw man niyang sabihin ito pero nasaan na ba si Ryker?

Ilang sandali pa ay lumapit sa kaniya ang isang magandang babae, kung hindi siya nagkakamali ito ay si Miles David

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang sandali pa ay lumapit sa kaniya ang isang magandang babae, kung hindi siya nagkakamali ito ay si Miles David. Isa sa mga sikat na singer ngayon. Grabe ngayon lang niya ito nakita sa personal. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa angking ganda nito, "So ikaw pala ang fiancé ni Ryker?" mataray na tanong nito. Wait parang nangyari na ito? De javu much?Natawa siya ng maalala niya yung model na nangliit sa kaniya noong party. Si Hannah.

"Look, kung mamaliitin mo lang ako tungkol sa aking itsura. Save it." Pagkasabi niya non' ay iniwan na niya ang dalaga. Alam niyang hindi siya ganoon kagandahan para ipamukha pa iyon sa kaniya.

Dinala siya ng kaniyang mga paa sa pool side ng mansion. "Ikaw nanaman!" sabi ng batang lalaki sa kaniya. Ang pangalan ng batang iyon ay Rylie.

Lumuhod si Yana upang magpantay ang mukha nilang dalawa. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now