Chapter 19

9.4K 227 40
                                    

"Ilan na ang naging girlfriend mo?" Tanong nito. She's just curious, siguro andami na nitong naging girlfriend baka nga hindi na nito mabilang sa sobrang dami.

Imbes na sagutin ang tanong ng dalaga, tumayo ito pagkatapos ay hinubad ang damit pangtaas.

Pinagkrus ni Ryker ang kaniyang dalawang braso sa tapat ng dibdib, "New rule, sa bawat pass kailangang magtanggal ng damit." anito saka ngumiti ng nakakaloko.

"Madaya ka talaga!" sigaw ni Yana sabay irap. He's not fair!

Tumawa ng malakas si Ryker dahil sa naisip na kalokohan. Pagkatapos ay tumalon ito sa pool, habang tatawa tawa pa rin.

Sumalok ng tubig and binata gamit ang kaniyang kamay at binasa ang dalaga.

Hindi maipinta ang mukha ni Yana, namilog ang kaniyang mga mata sa gulat.

Napalitan ng pagaaalala ang mukha ni Ryker, "Fck! I'm sorry, Yana. Ayos ka lang ba?"

Imbes na sagutin siya nito, yumuko ito at ibinabad ang mga kamay sa pool. Sumalok din ito ng tubig at tinapon iyon kay Ryker.

Malakas na tumawa ang dalaga sa naging reaksyon nito.

Nakisabay na din sa tawanan si Ryker, "My turn, Sinabi ni William na hindi kana kumausap ng kahit sino pagkatapos ng insidente, anong nangyari?"

"Should I remove my shirt?" tanong nito kay Ryker.

Napalunok ito ng laway, yes he would love that but he wants answers. "New rule, for every pass you need to dance and dive into the water."

Kumunot ang noo ni Yana, "Bakit pabago bago ka ng rules? Nakakainis naman!"

Ngumisi si Ryker, "My pool, my game, my rules" anito sabay kindat sakaniya.

Napahawak si Yana sakaniyang sentido, mababaliw talaga siya sa lalaking ito.

Napabuntong hininga si Yana bago magsalita, "Hindi ko matandaan yung nangyari noon, pero ang alam ko nung nagising ako nakaramdam ako ng sobrang pagod."

Inabot nito ang bote ng wine saka ininom iyon. "Hindi ko maintindahan, bigla nalang akong nakaramdam ng di mapaliwanag na kalungkutan na para bang may nakadagan na isang mabigat na bagay sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano, kung bakit, at kung paano." Uminom ulit ito ng wine.

"Si William lang yung naging sandalan ko noong mga panahong iyon. He helped me to get distracted about the incident." tumingin ito sa kawalan habang inaalala yung mga nagdaang panahon.

"Pinagsawalang bahala ng mga magulang ko iyon. They didn't care about me, at sinasabi nila na yung kalungkutan na nararamdaman ko ay dahil lang sa nakaraan ko."

Nagtatakang tumingin si Ryker sa mga mata ni Yana. "What past?" tanong nito.

Nagtama ang mga paningin nila, kitang kita ni Ryker ang lungkot sa mga mata ni Yana. "Ampon lang ako."

That made him shocked.

Ibinaling ni Yana ang tingin sa kulay asul na tubig, "Noong sanggol palang ako iniwan na ako ng aking mga magulang sa isang bahay ampunan. Doon ako lumaki. Pagsapit ko nang ika pitong taong gulang may magasawang umampon sa akin. My mom and my dad, sinabi ko sa sarili ko na susuklian ko yung kabaitan nila balang araw kasi utang na loob ko yung, pagampon nila sa akin. That how I became Lopez."

"Ginawa lahat ni Dad ang makakaya para pasikatin ang kaniyang Talent Agency kahit bigo ito, kaya noong nagkasakit siya ay pinamahalanan ko agad iyon kahit pa hindi ako bihasa sa ganoong larangan. I managed his business, nagtrabaho ako ng mabuti para maging ayos ito."

"Pero satingin ko ang pagpayag sa engagement, ibang usapan na iyon. Doon ko naisip na parang isang bagay lang ako para sa kanila." Bumuntong hininga siya "Naisalang alang ang aking kinabukasan para sa kanila, para maging masaya sila. I think I've done more than enough. Ni hindi ko sila kayang kausapin ngayon."

Tahimik lang na nakikinig si Ryker, nasasaktan siya lalo na't nakikita niyang nasasaktan ito. "Hindi naman din ako naniniwala sa pag-ibig na iyan. Para sa akin para lang itong laro na kailangang harapin sa buhay."

"My parents obviously didn't love me."  Mapait itong ngumiti.

Ito ang unang pagkakataon na nagopen si Yana tungkol sa buhay niya, maging si William ay walang alam sa nakaraan niya.

She felt vulnerable, almost naked. Pero sa tingin niya'y ayos lang din naman kung kay Ryker niya ito sabihin. Napatunayan na ng binata mapagkakatiwalaan ito, ikakasal na sila sa susunod na mga araw kaya't may karapatan din itong malaman ang tungkol sa buhay niya.

Gusto niya din itong makilala nang lubusan, she wants to know his strengths, his weakness, his secrets, and all about him.

Ryker can't find any words to say, he wants to make her smile and laugh, he wants to tease her but seeing her in this situation? His mind doesn't work. No one can make her smile. Ngayon lang nito nalaman na ampon ito, masakit siguro iyon para sa kaniya. Ni hindi man lang niya nakilala ang tunay niyang mga magulang.

Lagi niyang naiisip na may kung anong kalungkutan ang pumapaligid sa kaniya, ngayon alam niya na kung bakit.

Lumapit siya rito, "Yana." Malumanay niyang bigkas sa pangalan nito. He wants to comfort her, he wants to change her sadness at gusto niya din na maisip nito na nandiyan lang siya sa tabi niya para pagahanin ang nararamdaman niya.

"Don't" pagpipigil nito. She doesn't want to hear anything to him. Ayaw niya ng kinakawawa, ayaw niyang makita siyang mahina ng kahit sino. She used to be strong, she used to be tough.

In an instant her sad face changed into bright and happy, "Hoy! Ilang tanong na iyon? Nakarami ka na ah!" pilit itong tumawa.

Siguro'y nagaalangan pa ito. Hindi niya pa kayang ipakita sakaniya ang tunay niyang nararamadaman, but heck, he would always be there for her. He can be her shoulder to cry on when that time comes.

Ngumiti na rin si Ryker, saka tuluyan ng lumapit sa dalaga. Samantalang ibinaba naman ni Yana ang kaniyang mga paa at ibinabad iyon sa tubig.

Nabigla man si Ryker pero ngumiti pa rin ito, she's improving.

"Ask then"  nakangiting sabi nito habang pinapatuyo ang buhok gamit ang kaniyng kamay.

"Hindi ba't nagpapanggap lang tayo? Bakit ngayon hulog na hulog kana sa akin?" sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Yana.

"W-whoaah. Hulog na hulog?" tinuro ni Ryker ang sarili pagkatapos ang dalaga "Sayo?"

Tumawa ito ng malakas, "You're giving yourself too much credit, Woman"

Pero tama siya, hulog na hulog na nga ito sa dalaga, he's drowning and he can't save his self kahit pa marunong itong lumangoy.

Nagseryoso ulit ng mukha si Yana pagkatapos ay tumingin ng diresto sa mga mata ni Ryker, "Anong nakita mo sa akin? Bakit ang bait mo? Hell, I called you a womanizer and I also kicked you in your balls" nakangiting sabi nito.

"That's two questions, Lopez. But to answer your question, I really don't know. It just happened." at dati pa...

Pinagmamasdan ni Ryker ang mahimbing na tulog ng dalaga, mukhang pagod na pagod ito. He brushed her hair using his fingertips. "Masaya ako dahil inopen mo sa akin ang tungkol sa buhay mo. Kung kaya ko lang, I would do the same. Trust me. But I can't" huminga ito ng malalim.

He wants to be the hero in her story, gusto niya itong tulungan para mabalik ang memorya nito noong kasama siya, gusto niya din sabihin sa kaniya na siya yung taong nagligtas at sumagip sa kaniya noong nalulunod siya dagat.

Pero nangako siya na pprotektahan niya ang taong iyon, at sana maintindihan siya nito kung bakit niya ito ginagawa, balang araw.

Niyakap niya ng mahigpit si Yana saka masuyong hinalikan sa noo, "Hindi ko alam kung kaya kong ibigay lahat ng pagmamahal na nararapat saiyo, Yana... Pero susubukan ko."

••

A/N: How's the flow of the story? Nakakasunod pa ba?

Huy, recommend mo story ko sa mga kaibigan mo kapag nagustuhan mo ito hehe 💙

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now