Chapter 23

7.6K 166 41
                                    

"Thank you so much at pumayag ka lalo na't nagback out na ako nung una." Nahihiyang saad ni Yana kay Mariz.

"Okay lang iyon" nakangiting tugon nito "Gusto ko talagang gawan ng lyrics yung melody na pinarinig mo. Noong una ay medyo nagaalangan ako syempre fiancé mo si Ryker"

Today is Sunday, at napagpasyahan nila na ngayon pirmahan ang kontrata para sa kanilang collaboration. Mabuti nalang at pumayag si Mariz kahit na nag backout na si Yana noong una.

Ito lang ang tanging paraan para ipakita ni Yana kay David Thompson na kaya niyang palaguhin ang kanilang kompanya nang wala itong tulong na naibibigay.

"Ayos lang ba si Ryker tungkol rito?" usisa ni Mariz. She slowly nodded her head.

Hindi niya pa ito nakakausap tungkol rito dahil busy ang binata sa trabaho lalo na't malapit na ang bid para sa Mega Star Movie.

Pero siguro ay okay naman siya rito dahil sinabi nito sakaniya nuong isang araw na ayos lang kung makipag collab siya kay Mariz, besides lyrics lang naman ang kailangan niya sa dalaga at wala naman sigurong epekto iyon sa The Thompson Talent Agency.

"Sabi niya ayos lang kung magcollab tayo"

Napakamot si Mariz sa kaniyang batok, "Ah ganoon ba?" Yana smiled to her with assurance.

"Oo nga pala pwede ba akong makigamit ng comfort room?" tanong nito. Mabilis na tumango si Yana at itinuro ang daan papuntang rest room na nasa ikalawang palapag ng condo.

Kunot ang noo ni Ryker, at madilim ang awra nito. Anger rushed through him. How this f-cking happened?! keeps repeating to his mind.

"Hindi ako makapaniwalang natalo tayo sa bid" umiiling na sabi ni Daniel, halata sa boses nito ang pagkadismaya.

Everyone in the conference room felt disappointed, "I'm so sorry Ryker." ani Natalia.

Natalo sila sa bid ng isang libong piso lamang. Paano nangyari iyon? Sinigurado nila na confidential ang lahat ng mga detalye para sa bidding offers nila. This is impossible!

"Mayroong nagkalat sa ating bidding offer at sinabi ito sa Best Hit, We have a f-cking mole in our company!" nabigla ang lahat sa pagsuntok ni Ryker sa long table ng conference room.

Binigyan niya ng matalim na titig ang lahat ng taong nasa loob ng silid. No one dares to make eye contact to him, lahat sila ay nakayuko, "Kapag nalaman ko kung sino ang nagtraydor sa akin, I swear I'll make you pay!"

"Billboards parating na kami!" masayang sigaw ni Riz. They made it! Ayos na ang kanta, tama nga na si Mariz ang kinuha nilang songwriter. Mabuti nalang at nakagawa ng paraan ang kaniyang boss upang makumbinsi ito.

Buong araw na nasa opisina si Ryker, he's working his ass off! Hindi siya makapaniwalang natalo sila sa bid ng isang libo lang. Insulto iyon para sakaniya.

"Boss kailangan mo nang magpahinga, wala na tayong magagawa sa ngayon." May pagaalala so boses ni Daniel. Ni hindi ito kumain ng lunch o merienda dahil abala ito, he's stressed!

Marahas siyang umiling, "Narinig mo ba ang boses ng aking ama noong kausap ko siya?" bumaling siya sa kaniyang sekretarya "I disappoint him... again."

Napahimalamos siya sa kaniyang mukha. Kung mayroon pang ibang paraan para makuha nila iyong movie na iyon ay gagawin niya. He needs to please his father.

Sigurado siya mayroong isang tao na tumraydor sa kanila, the bidding offers are confidential at tanging mga matataas lang na tao ang nakakaalam rito. F-ck isang libo lang ang ikinatalo nila sa offer kaya't nakakapagtaka, kung milyon ang diperensya siguro'y ayos pa pero isang libo? F-ck!

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora