Chapter 6

14.8K 405 219
                                    

Nadatnan ni Yana si Ryker na abala sa kaniyang cellphone at wala pa ding pang itaas na damit, goodness gracious!

"Magdidinner tayo? Kailangan ko bang magsuot ng magarang damit?" tanong nito.

"Hm hindi na. Nagorder na ako ng pizza I want to stay home and I want to know you better" anito habang abala pa rin sa kaniyang cellphone at hindi man lang nilingon ang dalaga.

Namilog ang mga mata ni Yana sa gulat, "Kumakain ka ng pizza?" takang tanong nito. Tinignan niya ito na para bang hindi tao ang kausap niya.

Buti naman at ibinaba na ni Ryker ang kaniyang cellphone, "Yes of course. I drink water and I breathe in oxygen too, Nayana."

He should be bringing her to one of the most expensive restaurant in this town and his Dad would love that for sure, it's for their exposure. But fck it! Somehow he just want to stay home while eating pizza with her.

A smile curved into her face. Nagulat si Ryker "You're smiling" he said out of nowhere. Eto ang kauna unahang nakita niyang ngumiti ang dalaga sakaniya and it's a genuine smile.

Ryker rolled his eyes. Fuck it! It's just a smile! Marami na siyang nakitang iba't ibang ngiti may mga seductive pa nga e. Pero ewan ba, her smile was so priceless at hindi ito matutumbasan ng kahit kaninong ngiti.

Ilang sandali pa ay dumating na ang dalawang box na pizza na inorder ni Ryker. Nasa balkonahe silang dalawa at prenteng nakaupo sa isang wooden sofa habang nakapatong ang kanilang mga paa sa isang maliit na coffee table. Tumingala si Ryker sa langit. Andaming bituin! This feels strangely comfortable. Ni minsan ay hindi pa ginawa ito ni Ryker kasama ang isang babae.

Dapat ay nasa public places sila ngayon upang ipakita sa ibang tao at sa mga paparazzi ang ginagawa nila but no. This is heaven for him. Mabuti nalang at naisip niya ito.

Nayana didn't expect this from Ryker kaya ganoon na lamang ang pagkabigla nito nang yayain siyang kumain ng pizza. Okay he's bearable for now. "How was your day?" biglang tanong ng binata.

Lumingon si Yana sakaniya ng may halong pagtataka sa kaniyang mukha, "A-ayos naman. Andaming talents ang gustong pumasok sa agency namin. Kung hindi lang nila-" Ryker cut her. "Ang tanong ko kamusta ang araw mo, not the company." Masungit na sabi nito.

Bakit naman tinatanong ni Ryker ang araw niya? Ang simple lang ng tanong nito pero bakit parang ang hirap nitong sagutin? Her brown eyes darted back and forth at mukhang hindi naging komportable ang dalaga sa tanong nito. Sana'y hindi nalang siya nagtanong.

"Lumabas ako kasama ang aking mga High school friends ngayong araw. At magkakaroon daw kami ng reunion sa isang resort malapit sa beach." Finally at nagkaroon na din siya ng boses upang magsalita. But her eyes saddened. Ryker let out a breath, he wanted to hug her so bad. He wants to wiped out the sadness in her.

"So sasama ka sa reunion niyo?" tanong nito. Para siyang tumutungtong sa isang balat ng itlog at maingat siya dahil ayaw niyang mabasag ito. Hindi naman siya nahihirapan noon makipag usap sa isang babae pero bakit ngayon nahihirapan siya? Gusto niyang tanungin ang dalaga kung mayroon ba siyang problema ngunit hindi niya magawa. Parang biglang umurong ang dila niya.

"N-no. A-ayokong pumupunta sa mga b-beach" nauutal nitong sabi. And that was it. Hindi na sila muling nagusap hanggang sa natapos silang kumain at pumunta ng kwarto upang matulog. Pero atleast, he found something about her... ayaw nitong pumupunta sa beach.

Nagtatalo, nagsusumbatan at nagsisigawan ang kaniyang mga magulang. She just want to escape, naririnidi na siya. It's always like that. She found herself at the coast while looking the crystal blue water of the beach.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now