Chapter 42

7.2K 137 64
                                    

This chapter is dedicated to MarianneLamban ❤️ Thank you for waiting. Sana magustuhan mo 🖤

Also, Happy 11.4k Reads MTW!!

•••

Nasa condo sila ngayon ni Ryker at masayang nanonood ng mga action movie na nirequest ni Rylie. Hindi mawala ang ngiti sa maninipis na labi ng bata.

Nagpadeliver ng dalawang box ng pizza si Ryker para sa kanilang dinner at masaya silang tatlong kumakain ng hapunan. Once again, Rylie felt free.

Pansin ni Yana ang pagka busy ni Ryker sa telepono nito kaya't sinita niya ito noong makatulog si Rylie sa kaniyang tabi. "May problema ba sa trabaho? Tutok na tutok ka kase sa cellphone mo." Nag aalalang tanong ni Yana, bumaling naman sakaniya ang binata na mukhang may malalim na iniisip.

"Paano mo po nalaman ang pangalan ko?" takang tanong ni Rylie sa babaeng nabangga niya.

Ngumiti ito kay Rylie bago sagutin ang tanong nito, "Kase ako yung Ma-"Don't you dare!" matalim na tinitigan ni Ryker ang babae.

Kumunot ang noo nito sakaniya, "K-kaibigan ako ni Ryker, narinig ko kaseng tinawag ka niya kaya nalaman ko ang p-pangalan mo." She lied. "Hello, my name is Marsha."

Itinago ni Ryker ang kaniyang kapatid sa kaniyang likuran. "Anong ginagawa mo rito?" may bahid ng inis sa boses niya. Walong taon na ang nakalipas at ngayon pa talaga siya nagparamdam? Para ano?

"Akala ko bang nagmigrate kana sa New York for good?" tanong ni Ryker.

"Hindi ko na kailangang sagutin yang tanong mo Ryker... Pero gusto ko lang na bisitahin ang aking mga kaibigan dito sa Pilipinas." Ngumiti ito pagkatapos ay sinulyapan ang batang si Rylie. So namana pala nito ang kulay ng buhok niya. They have the same blonde hair.

"At kabilang ba roon ang aking Ama?" hinawakan ni Ryker ang braso ni Marsha at pinisil iyon ng mahigpit.

"Nasasaktan ako ano ba! Wala akong ibang plano ang gusto ko lang ay ang makita siya." Dahan dahang lumuwang ang pagkahawak ni Ryker sa braso nito.

"Damn, bakit ba ang hot mo kapag nagagalit ka?" ipinadausdos ni Marsha ang hintuturo nito sa dibdib ni Ryker, mabilis namang inilayo ni Ryker ang kaniyang sarili sa babae. Wth

"Bye Ryker, malakas rin ang kutob ko na madalas na tayong magkikita simula ngayon." Pagkasabi ni Marsha non ay tuluyan na itong lumabas ng mansyon.

Dali daling dinial ni Ryker ang numero ng kaniyang sekretarya. Ilang ring lang ay sumagot na ito. "Daniel! Gusto kong tutukan mo si Marsha. Gusto kong malaman kung bakit siya nagbalik sa Pilipinas."

"Wala lang ito, wag ka nang mag-alala." ngumiti si Ryker kay Yana at niyakap niya ito ng mahigpit. He felt comfort with her warmth.

"Oo nga pala." Inalis ni Yana ang pagkayakap ni Ryker sa kaniya at hinarap siya nito. "Pwede ba nating ampunin si Rylie?" Tanong niya na ikinatanga ni Ryker.

She wants to adopt Rylie, napamahal na siya sa bata at gusto niya itong tuluyang magkaroon ng kalayaan sa kamay ni David. Wala naman sigurong pakealam si David kung aampunin nila ang bata since wala namang halaga si Rylie sa kaniya.

"N-natin?" dahan dahang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Ryker.

Tumikhim si Yana. "K-kung gusto mo lang... Wala akong alam sa pagiging ina pero susubukan ko lahat ng kaya ko." Half of her says, ayaw nitong maranasan ni Rylie ang narasan niya noong bata pa lamang siya. Rylie deserves everything and she's willing to give that everything to him.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant