Chapter 11

12.9K 296 36
                                    

“Ryker?” takang tanong ni Yana ng yakapin siya ng mahigpit nito. Sinundan ba siya nito? Hindi na kasi niya nagawang magpaalam kanina dahil naiihi na talaga siya.

“Para ba sa camera ulit to? Nalaman ba ng mga paparazzi na nandito tayo?” naguguluhang tanong niya ng hindi pa din humihiwalay sa pagkayakap ang binata.

He hugged her tightly, “No” simpleng sagot nito. He just want to hug her, sobra siyang nagaalala ng hindi niya makita ang dalaga, ang akala niya ay nasa dagat ito at nalulunod na. Mabuti nalang at naisipan niyang pumasok muna sa beach house bago pumunta sa may dagat.

Hindi rin sila nagtagal sa pagsasalong iyon dahil nagaya ng umuwi si Yana. May iba pang gumagambala sa isip niya “R-ryker a-about the kiss” huminga siya ng malalim. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nila napaguusapan iyon.

Without a word, his muscular arms frame her and pinned her on the wall as his lips crashed to her. Walang wala ito kumpara sa halikan nila kagabi. This kiss is filled with passion and desire.

Yana can’t think straight, hindi nga siya makatayo ng maayos dahil nanlalambot siya. Gusto niya itong itulak ngunit ang lahat ng lakas niya ay nawala. His tongue explores hers then his lips brushed against the nape of her neck. Namilog ang mga mata niya, she’s not ready for this.

Mahina niyang tinulak ang binata dahilan para magkaroon ng distansya sa pagitan nila.

Habol nila ang kanilang hininga. Ang mga kamay ni Ryker ay nasa kaniyang beywang pa rin. Biglang tumalikod ang binata sa kaniya at nagkamot ng ulo, “H-hm m-mag papahangin lang ako” anito bago tuluyang lumabas ng kanilang silid.

A-anong nangyari? Nanghihinang napaupo si Yana sa isang wooden sofa.

Napabalikwas ng higa si Yana. Hinilot niya ang kaniyang sentido dahil sumasakit iyon. Hindi siya nakatulog ng maayos at iniisip niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Ryker. Ngayon, hindi niya alam kung paano niya ito haharapin.

Huminga siya ng malalim ng makaamoy ng masarap na pagkain. Napilitan siyang tumayo upang sundin kung saan iyon nanggagaling. Nagugutom na siya at nagwawala na din ang mga bulate sa kaniyang tiyan.

Nadatnan niya ang binata sa kusina na abala sa pagluluto, humarap ito sa kaniya ng maramdaman nito ang kaniyang presensya, “G-goodmorning” nauutal na bati ni Ryker. “Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong nito

Dumako ang mga mata ni Yana sa katawan ng binata. Nakasuot lang ito ng isang urban short at walang pang itaas na damit. Ke aga aga, nagkakasala ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang marunong din pala itong magluto.

“Look, I’m so sorry about last night.” Puno ng sinseridad na saad nito. “It was a mistake, sinisigurado ko sayo na hindi na mauulit iyon. Pinagluto kita ng almusal.” Pagkasabi niya non ay nilagpasan na siya ng binata at naiwang magisa sa kusina. Yes, a mistake. Yun lang iyon. Bulong ni Yana sa sarili.

Nakita nito na may nakahain na dalawang pinggan ng pancakes sa coffee table. Umupo siya rito at pinagmasdan ang pagkain na nasa harap. Paborito niya ito! “Hindi mo gusto ang donut, kaya pancake nalang” halos mapatalon siya sa gulat ng magsalita ang binata sa likod niya.

Umirap ito, “Hindi naman sa ayaw ko sa donut, p-pero niluto mo ba t-talaga ang mga pancakes na ito para sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ni Yana. She’s just too overwhelmed na pinagluto siya ng nagiisang Ryker Thompson.

Tumango tango ito bilang sagot. “I’m not a womanizer for nothing Yana, Of course I also know my way to woman’s heart. Anito sabay kindat sa kaniya.

Pinagmasdan ni Yana ang kislap sa mga mata ng binata, he’s back with his annoying self. Umaakto ito na para bang wala lang yung nangyari kagabi. Siguro ayos na ito.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ