Chapter 16

9.9K 269 27
                                    

"Ayos ka lang ba?" tanong ni William kay Yana, pansin kasi nito na parang wala ito sa kaniyang sarili. "Pwede naman nating ipostpone ulit ang dinner natin. Pwede mo namang kausapin si Ryker kung iyon ang gusto mo."

Umiling iling siya. No, hindi niya hahayaang maging marupok this time, nasaktan siya ng binata hindi physically but emotionally. Parang sinasabi na rin nito na ikakasal sila dahil binenta siya ng kaniyang ama sa pamilya nila.

Though, totoo naman iyon. Pero ang akala niya ay hindi na sila nagpapanggap, hindi niya tuloy masiguro kung ano talaga ang namamagitan sa kanila.

Inilapag ni William ang pagkain sa kaniyang wooden table. Sinadya niyang iluto ang mga pagkaing paborito ni Yana, he's trying to impress her. Pero mukhang hindi niya ito mapapaimpress dahil wala ang atensyon nito sakanya.

Inilapag na niya ang mga pagkain pero tulala pa rin ito at parang hindi man lang niya naramdaman ang presensya niya.

Tumayo si Yana at binitbit ang kaniyang bag, kailangan niya talagang makausap si Ryker ngayon din.

Naguguluhan na siya, he's always showing her mixed signals at nalilito na siya, "Pasensya na William, pero kailangan ko ng umalis" he can see sincerity in her eyes. Tumango siya bilang pagsang ayon, wala na din naman itong magagawa.

Dali daling pumasok si Yana sa condo nila at hinanap ang binata. She needs answer at mababaliw siya sa kaiisip hanggat hindi nasasagot ang mga katanungan sa isip niya.

"Ryker?" pagtawag nito, ngunit walang sumagot bagkus may isang babaeng nakatapis lang na twalya ang lumapit sakaniya. Mukhang kakagaling lang nitong naligo at basang basa pa ang kaniyang buhok.

"Sino ka?" mataray na tanong ng babae. Parang sinasaksak ang puso niya. Ang akala niya ay nagbago na si Ryker sa pagiging babaero niya, pero nagkakamali lang pala siya.

Nasagot na ang mga katanungan niya. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagpaniwala siya sa kasinungalingan nito. Ang tanga tanga niya para maniwalang seryoso siya sakaniya.  Mahina siyang natawa.

Bago pa tumulo ang luhang nagbabadya sa kaniyang pisngi ay tumalikod na siya sa babae at tuluyan ng umalis.

"May dumating ba? Parang narinig kong bumukas ang pintuan" takang tanong ni Daniel kay Shaira.

Matalim niyang tinitigan ang binata, "May babaeng pumasok dito, tapos nung nakita niya ako umalis na siya... Wait? Babae mo ba siya?!" pasigaw na tanong nito.

"Pero parang kilala ko siya, siya si Nayana Lopez yung fiancé ni Ryker. Anong ginagawa niya rito? Diba condo mo ito?" takang tanong niya kay Daniel.

Namilog ang mga mata ni Daniel habang nakahawak sa kaniyang ulo. He's dead!  He's fucking dead!

Dali dali niyang dinial ang numero ng kaniyang boss. Talagang malalagot siya nito kay Ryker. Damnit!

Ibinalibag ni Ryker ang kaniyang suit sa sofa na nasa opisina niya. He's working his ass off. He was about to open his laptop when his phone rings, it was from Daniel. Ano nanaman kayang kailangan nito? "Anong kailangan mo? Huwag na huwag kayong papasok sa kwarto ko sinasabi ko sayo"

Hiniram nito ang condo ni Ryker para sa babaeng kakakilala niya lang sa bar. Pumayag naman ito sa gusto niya since ayaw niyang magstay roon dahil naaalala niya lang ang kaniyang fiancé. "May atraso ako sayo. It's a big one."

Huminga ng malalim si Ryker bago sumagot, "No big deal. Just make sure, you clean up my condo and replace my bedsheets" walang gana nitong saad. 

Magsstay nalang siya sa opisina, hindi din naman siya makakatulog ng maayos dahil wala ang dalaga sa tabi niya. To think na may kasama itong ibang lalaki. Bigla itong nakaramdam ng sobrang galit.

It's killing him, oo masakit yung mga salitang nabitawan  niya kay Yana pero parang triple yung sakit na nararamdaman niya ngayon na kasama nito si William.

"Pumunta rito si Yana at nakita niya si Shaira na nakatapis lang. Hindi niya ako nakita kaya't inakala niya siguro na babae mo iyon. Umalis siya ng wala man lang sinasabi. I'm sorry boss, I know I fucked up. P-pero sinisiguro ko na magpapaliwanag ako sakaniya."

Parang nabuhayan si Ryker sa kaniyang narinig, hinahanap ba siya nito? Pero ang sabi niya ay may date sila ng doctor na iyon?

Tumayo siya sa kaniyang swivel chair. Sinubukan niyang kontakin ang dalaga ngunit unattended ito. He needs to explain, ayaw niyang isipin nito na may iba pa itong kinakasamang babae bukod sa kaniya. And it makes him crazy thinking that.

"Feel at home lang boss" ani Riz kay Yana. Nandito na naman siya upang makitulog, gaya kagabi.

Inilapag ni Riz ang tatlong beer sa kaniyang maliit na mesa. Satingin niya ay eto ang makakapagaan sa loob ng kaniyang boss sa sitwasyon niya ngayon.

Inabot naman ni Yana ang isang bote at agad na nilagok iyon, she's so stupid e siya naman mismo itong pumayag sa pambabae ni Ryker unang una palang. So bakit nagagalit siya ngayon?

"But that was before he asked me out!" sigaw nito. Hindi niya na maiwasang hindi sumigaw ng dahil sa galit na lumulukob sa buong pagkatao niya. "He's so stupid! My heart is so stupid!"

Apat na bote na ang nauubos niya, at mukhang natamaan na siya dahil hindi na ito umiimik at nahiga na siya mahabang sofa. Inalalayan siya ni Riz at kinumutan. Hindi man lang niya ito nasamahang uminom dahil buntis siya at makakasama sa bata kung iinom din siya.

"Thompson's really sucks." Bulong nito. Napabalikwas siya ng upo ng marinig ang sunod sunod na katok sa kaniyang apartment.

Dahan dahan siyang lumapit roon at bumuluga sa kaniya ang gwapong mukha ni Ryker kasama ang isang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay sekretarya niya ito.

Matalim niyang tinitigan ang lalaking nagwasak sa puso ng kaniyang boss, "Anong ginagawa mo rito?" mataray nitong tanong.

Hindi nagpatinag si Ryker sa mga tingin ng babaeng kaharap niya, he just want to see Yana and explain everything to her. "Nasaan si Yana?"

"At bakit mo siya hinahanap? Hindi ba't mayroon ka nang bagong babae? Just leave her alone!" pagalit nitong sabi.

Lumamlam ang mga mata ni Ryker, "Look it wasn't me. Wala akong ibang babae maliban sa boss mo. And I swear to God hindi ko siya kayang lokohin." She can see sincerity in his eyes.

"He's right." Sabat ni Daniel, "Hindi babae ni Ryker ang nadatnan ni Yana sa condo. Nasa office siya noong mga oras na iyon at hiniram ko ang condo niya para sa babaeng nakilala ko sa bar. It was me." Paliwanag nito.

Umawang ang bibig ni Riz, so it was pure misunderstanding? Umiling siya, pero may kasalanan pa din ito sa kaniya. Pinagsalitaan niya ang kaniyang boss ng masakit na salita.

Lumingon si Riz kay Yana na mahimbing ng natutulog sa sofa saka bumaling muli sa dalawa. Ang tanging gusto niya lang ay ang sumaya ang kaniyang boss, deserve nitong sumaya sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan nito.

Marahan niyang binuksan ang pinto at tinuro ang dalaga "Naroon siya, explain everything to her. Please, wag na kayo mag away ulit. Napupuyat ako sa boss ko, nakakasama sa baby ko to" hinawakan niya ang kaniyang baby bump at hinimas.

Ngumiti ng bahagya si Ryker at tumango. Pumasok siya sa loob ng apartment. Agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang dalaga.

She's there sleeping peacefully. Hindi nakatakas sa paningin niya ang mga bote ng alak sa mesa. Hindi niya maiwasang hindi sisihin ang sarili niya sa nangyari. He's so stupid!

Lumapit siya rito at hinaplos ang maamo nitong mukha, "I'm so sorry" mahinang bulong nito. "I'm so sorry if I got you mad." Masuyo niya itong hinalikan sa noo.

Maingat at dahan dahan niya itong kinarga gaya ng pangkasal.

Nanuot sa ilong ni Yana ang isang pamilyar na amoy, "Nakakainis ka Ryker, pero bakit ganoon? Hindi ka m-maalis sa isip ko."

Biglang napangiti si Ryker. She's sleep talking. I'm glad that you think of me, my Yana. And no, I'm sorry but I won't leave your mind, never.

••
I dedicate this chapter to my friend AngeliqueRoseElias, Life's tough, but you are tougher. I know you can handle whatever life throws you. I'm always here for you. Iloveyou!! 💙

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon