Chapter 5

16.2K 485 694
                                    

Ryker is busy doing his morning routine, ang pagwowork out. May sarili siyang gym sa loob ng kaniyang condominium unit at kompleto rin ang kaniyang mga equipment. Hobby kasi talaga niya ang magworkout. "Eto na ang creamed iced coffee mo" ani Daniel saka niya ito inilapag sa marbled bar counter roon.

Kinuha ni Ryker ang kaniyang tuwalya at tinuyo ang kaniyang pawis.

Inilabas ni Daniel ang kaniyang Ipad upang tignan ang schedule ni Ryker para sa araw na iyon "You have a meeting with the board of directors at ten, followed by lunch meeting with Mr. Gonzales pagkatapos non ay cleared na ang iyong schedule para sa paglipat ni Miss Nayana sa iyong condo" tumango lang si Ryker at ininom na ang kaniyang iced coffee.

"Wow" hindi makapaniwala si Yana sa dami ng mga talents na gustong pumasok sa agency nila. Parang kahapon lang wala sila ni isang talents na natira. Pero ngayon simula ng malaman nila ang tungkol sa engangement nila ni Ryker biglang nagiba ang lahat. Everyone is dying to join them. Iba talga ang impluwensya ng TTTA sa kanila.

"Baby hindi na tayo mawawalan ng trabaho" ani Riz habang himas himas ang baby bump niya. Si Riz ang assistant ni Nayana simula ng palitan niya ang kaniyang ama, naging saksi din ito sa pagbagsak ng kanilang kompanya.

Sabay silang natawa, hindi na sila mawawalan ng trabaho. Ito na ang simula ng paglago ng Lopez Entertainment Agency. Hindi naman pala ganoon kasama kung ikakasal siya kay Ryker, at paniguradong matutuwa ang kaniyang ama tungkol rito.

Nagvibrate ang phone niya hudyat na mayroong notification rito, madali niyang binuksan ito at nakita ang isang mensahe galing sa isang unknown number.

[Unknown number]
Are you ready to move in today, my love :)

Bigla niyang naalala ang sinabi ni David, ang ama ni Ryker. Sinabi nito na kailangan nilang tumira sa iisang bahay upang maging mas kapanipaniwala ang kanilang relasyon. Bumagsak ang kaniyang balikat, binabawi na niya ang sinabi niya kanina. Living with Ryker is a hell for her. At sigurado siya don.

Natapos na ang lunch meeting ni Ryker kay Mr. Gonzales, mabuti nalang at  makikita na niya kung nagreply na si Yana sa kaniya. Ngunit ng buksan niya ang kaniyang phone tanging ang check icon ang lumabas na nangangahulugang nakita na ito ng dalaga ngunit hindi lang siya nireplyan. SEEN

"That woman is unbelievable!" hindi makapaniwalang sabi ni Ryker. Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang inis.
"Alam mo para kang teenager na naghihintay ng reply galing sa crush niya" pangaasar ni Daniel.

"I'm mad! Pinalinis ko na ang condo ko, paano ko malalaman kung lilipat nga ba siya ngayon o hindi. Sayang ang effort!" padabog siyang tumayo sa kinauupuan at nagmartsa paalis sa restaurant kung saan ginanap ang meeting niya kay Mr. Gonzales.

"Bakit siya galit? Trabaho ko iyon." Nagtatakang tanong ni Daniel sa sarili niya. Bigla siyang natawa saka na sinundan ang kaniyang boss. The tables have finally turned! Dati, ang mga babae ang naghahabol sakaniya pero ngayon? Mukhang siya na ang naghahabol sa babae. Daniel is excited kung ano ang mga mangyayari.

"Nayana rito!" sigaw ni Maggie at kumaway kaway sa kadarating lang na si Yana. Ngumiti naman ito sakanila at lumapit.

"Ang tagal na nating hindi nagkita!" ani Maggie at bumeso sakaniya. "Hay nako paniguradong busy siya. Pinapatakbo niya ang kompanya ng kaniyang ama at ikakasal na siya! Omg girl congrats!" natatawang wika ni Claire. Kaklase ni Yana ang mga ito noong sila ay nasa High School pa lamang.

"So paano nangyari iyon? Hindi ka nagkukwento sa amin nakakatampo" nanghahabang ngusong tanong ni Maggie.

Namilog ang mga mata ni Yana, anong sasabihin niya? Na ikakasal lang sila dahil gusto ng mga magulang nila? No way. "It was love ... at first sight" anito at ngumiti ng peke. Iyon ang paliwanag ni Ryker sa mga interviewer kaya iyon nalang ang sasabihin niya.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now