Chapter 21

9K 195 48
                                    

“I admit, I like the beat and the melody. In fact, may alam na akong topic para sa lyrics nito.” Nakangiting sabi ni Mariz. Yana felt relieved, mabuti naman at nagustuhan niya ito.

“I won’t hesitate to help and to collaborate with you Miss Lopez but the thing is...” she paused, while looking straight to her eyes “Sigurado ka ba rito?”

Kunot ang noo ng dalaga, anong ibig nitong sabihin? “Hindi ba’t ikaw yung fiancé ni Ryker Gunn Thompson?”

Agad naman siyang tumango, “Oo pero gusto ko sana’y walang maging epekto iyon sa pagpayag mo sa akin.”

Humalukipkip si Mariz “Hindi mo ako naiintindihan, hindi mo pa ba nababalitaan?” takang tanong nito.

“Hindi ko dapat tanggapin iyong alok mo dahil magiging ka nang Thompson. Nagtatrabaho ako sa aking ama, we owned the Best Hit.” Namilog ang mga mata ni Yana sa narinig, shock was written all over her beautiful face.

Natagpuan ni Yana ang binata sa may hardin, nakaharap ito sakaniya. Sumilay ang ngiti sa mukha ni Ryker ng makita siya saka sinalubong “Mabuti naman at natapos kana, pwede na tayong umalis!” para itong batang excited sa kung saan man siya dalhin ng mga magulang. 

Yumuko si Yana bago nagsalita, “Alam mo ang tungkol kay Mariz, sinabi ko siya sayo. Pero bakit hindi mo sa akin sinabi na kalaban niyo pala sila sa industriya?”

Hinawakan siya sa baba ni Ryker at inangat ito para magtama ang paningin nila, “Hindi iyon big deal. Trabaho mo ito at nirerespeto ko iyon dahil isa kang CEO ng Lopez EA, marami ang umaasa sayo. At saka wala lang ito.” Nginitian siya nito para siguraduhing ayos lang ito sakaniya.

Kinabig ni Yana ang kamay nito na nasa baba pa din niya, how can he say that? Matalim niyang tinitigan ang binata, “Anong wala lang ito? Ikakasal tayo dahil gusto ng ama mo na magkaroon ka ng magandang impression sa inyong mga board of directors. Ano nalang ang sasabihin nila kapag ang fiancé mo ay nakikipagtululungan sa inyong kalaban?” huminga ito ng malalim “Sana sinabi mo muna ito sa akin para hindi ako nagmukhang tanga sa harapan ni Mariz.”

Mariing napapikit si Ryker, “Look, ayos lang sa akin na makipagcollaborate ka kay Mariz, kahit pa ang agency nila ang sumira sa kontrata na ilang milyon na ang nagastos namin” tumingin siya sa mga mata nito “I even agreed to come to this stupid wedding for you. Imbes na sumaya ka eto ka’t galit sa akin?” hindi makapaniwalang tanong nito, bigla itong nakaramdam ng tampo sa dalaga.

He doesn’t care about the company. He doesn’t care about himself, as long as she’s happy ayos na siya roon. Pero bakit siya pa itong galit sakaniya sa kabila ng iyon? Damn, bakit mas iniisip pa nito ang sasabihin ng kaniyang ama at ng ibang tao?

Napahawak siya sakaniyang sentido, frustration is evident to his face. “Did I cross your mind?” he look straight to her eyes “Because you’re always on mine.”

He’s the one who look away first. Is she trying to protect his reputation because of their stupid arranged marriage or because she’s genuinely care about him? “Minsan hindi ko na alam kung ano ako sayo.”

Mukhang nakain ni Yana ang kaniyang dila at wala itong masabi kahit anong salita. She’s guilty, sana'y nagpasalamat nalang siya sa mga kabutihan nito para sakaniya. Pero iniisip din naman niya ang kapakanan nito, she can’t be selfish lalo na’t kung alam niyang hindi iyon makakaganda para sa binata.  She cares for him too, like how he is to her.

“Mukhang ikacut na nila ang cake, tara na sa loob.” Walang emotion at walang buhay na sabi ni Ryker saka nauna ng pumasok sa loob.

Pinagmamasdan ni Yana ang repleksyon sa malaking salamin na nasa comfort room. She let out a deep sighed. “You’re so stupid.” Anito sakaniyang sarili.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon