Chapter 10

13.5K 313 43
                                    


"Ansaket ng ulo ko" daing ni Ryker habang hawak hawak ang ulo. Natawa ng bahagya si Yana. "Bat mo ako pinagtatawanan?" masungit na tanong niya. So, the way to make her smile is his misery? Nailing na tanong ni Ryker sa sarili niya. 

"Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Pero bakit may pasa ako sa mukha?" takang tanong ng binata. Nakipagbugbugan ba siya kagabi? Bakit parang wala siyang matandaan?

Kinamot ni Yana ang kaniyang ulo, it was her fault. Nang mahimasmasan kase siya kagabi naitulak niya ang binata palayo sa kaniya at sinuntok sa mukha. Sobra siyang nabigla nang naghalikan sila, she doesn't want to admit but she liked it. "A-ahm b-baka pinagdiskitahan ka kagabi ng mga basagulerong lalaki sa daan? Hehe"


Tapos na silang nagalmusal kaya't tumayo na ang binata at isinubsob ang mukha sa sofa. Ryker groans, ansakit talaga nang ulo niya para itong binibiyak  "Gusto ko lang linawin, wala ka bang natatandaan na nangyari kagabi?" biglang tanong ni Yana habang nagliligpit ng pinagkainan. "As in wala?" 

Ryker groans again, "What did I do this time?" hirap na tanong niya habang nakasubsob pa rin ang mukha. "N-nothing.. nakita mo na ba yung article? You're cheating on me with some actress" pag iiba ni Yana sa usapan.

Bumuntong hininga si Ryker, "Daniel will deal with that" tumango tango si Yana at naghanda na para pumasok sa trabaho.


"Sigurado akong hindi iced cream coffee ang lulutas sa problema mo" saad ni Daniel na kadarating lang.

"Yeah, it's not. I kissed her." Napabalikwas ng higa si Ryker at hinarap ang sekretarya.


Nayana kiss lang yon, hindi iyon big deal. At hindi na din niya iyon natatandaan. Pagpapaalala niya sa sarili niya. Hindi siya makafocus sa trabaho dahil laging sumasagi sa isip niya yung halikan nila ni Ryker.

Galit na ipinakita ni David sa dalawa ang article tungkol kay Ryker. "Hindi ka naengaged para lang sa wala Ryker! Headline nanaman ang pambababae mo! May beach house ako na pwede niyong puntahan para naman magkaroon kayo ng time para sa isa't isa." Galit na sabi nito.

"B-beach house?" kinakabahang tanong ni Yana. Matalim siyang tinitigan ni David, "Yes, may problema ba Miss Lopez? Gusto mo bang ipaalala ko kung paano niyo nakuha si Nadine Soberano bilang female lead niyo? Alam mo kung bakit ka ikakasal kay Ryker, kung gusto mong makinabang sa apelido namin, work for it" bumuntong hininga si Yana. Ano pa bang magagawa niya?

Napansin ni Ryker ang reaksyon ng dalaga, "Hm what about the rest house in Baguio? Malamig roon Dad, at tama iyon para magpainit kami" pilyo siyang ngumiti. Nagmartsa paalis ang matandang Thompson.

"Sorry pati ikaw nadamay sa ginawa ko" puno ng sinseridad ang boses nito. "Ako ang gumawa ng gulong ito, kaya dapat—"No, we're in this. Pumayag ako sa kasal na ito, ibig sabihin kailangan ko ding sundin ang Daddy mo. Tama siya I need to work for it. Kaya gagawin ko ang lahat ng kaya ko." Malungkot na sabi ni Yana. She has no choice either. 

Kahit na takot siya sa dagat kailangan niya itong sundin. Malaki ang utang na loob nila sa mga Thompson, dahil sa kanila muling nakikilala ng mga tao ang kanilang agency. 

"Pero beach house yon, Yana. At ayaw mo sa beach" kunot noo siyang lumingon rito "Natandaan mong sinabi ko iyon?" takang tanong niya.

Huminga ng malalalim si Ryker, "Yes"


Just days after the news of Ryker's cheating scandal broke out, the couple we're spotted spending the weekend at the Thompson's beach house. Ito ba ang paraan para masagip nila ang engagement nila? O ito ang way ni Nayana Lopez para sabihing pinapatawad na niya si Ryker? We'll bringing you the latest scoop so stay tuned!

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora