Chapter 45

7.4K 132 42
                                    

Happy 13.7K reads! The end is near, sanay tunghayin niyo ang wakas ng kwentong ito.

Play the song ☝️ Nothing Is Easy By Song Ji Eun.

Dinala ni Hugo si Yana sa kaniyang hotel room, sakto naman na ang hotel na tinutuluyan niya ay ang lugar din kung saan pinagdausahan ang Anniversary ball ng mga Thompson.

"N-nasaan t-tayo?" wala sa sariling tanong ni Yana. She's not in the state of mind because of the drugs.

Ngumisi si Hugo bago niya sinagot ang dalaga. "My room. You don't know how long I've been waiting dor this."

Matagal ng balak ni Hugo ang mapasakanya si Yana. He even tried to sneak in to the hospital that night but he failed. Pero ngayon sigurado na siya na maaangkin na niyang buo si Yana. Wala nang sagabal. Wala nang Ryker at wala nang kahit sino.

Lalapit na sana siya kay Yana ngunit biglang tumunog ang kaniyang telepono. Tumatawag ang kaniyang Ama. Napabuntong hininga si Hugo saka siya lumayo ng kaonti kay Yana upang sagutin iyong tawag. "Yes Dad? What do you want?" he asked impatiently.

Nang matapos ang tawag ay muli siyang bumalik sa kaniyang silid. Ngunit labis na nagsalubong ang kilay niya ng makitang wala si Yana roon. Sinubukan niya itong hanapin sa buong silid ngunit hindi niya talaga ito makita. Where did she go?



Aligagang pinuntahan ni Daniel si Ryker. Kailangan nilang mailigtas si Yana sa kamay ni Hugo. Who knew what was his plan. "Anong nangyari? May problema ba?" takang tanong ni Ryker sakaniya.

"Diba alam mo yung British na lalaki na kasama ni Yana? Yung kadate niya ngayong gabi. May nilagay yung gagong iyon sa inumin ni Yana. At ngayon hindi ko na sila maagilap!" pahayag ni Daniel, pero mukhang wala naman iyong halaga kay Ryker.

"Nagsabi na din ako sa ibang guards na bantayan ang exit para hindi sila makatakas. Pupunta ako ngayon sa front desk upang magtanong kung nag check in ba si Hugo rito." dagdag niya saka binalingan ang babaeng nag ngangalang Sophia na nasa tabi ng kaibigan.

Ryker just stay stilled with no emotion in his face.
Napailing si Daniel sa kaniyang boss at sinamaan niya ito ng tingin. "F-ck! Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa! Pero nasa panganib si Yana ngayon Ryker!" sigaw niya.

"Tutulungan mo ba ako o tatayo ka lang diyan?!" Tanong ni Daniel, pero ilang segundo na ang nakalilipas ngunit wala pa rin siyang nakuhang kahit anong tugon kay Ryker. Fck!

"Fck you, Ryker!" puno ng galit na sigaw ni Daniel. Nilampasan niya ito at buong lakas niyang binunggo sa braso nang kaibigan. Yana don't deserve this! Tama nga siguro na naghiwalay na sila.



Madaling pumunta si Daniel sa may front desk. Bawat segundong lumilipas ay mahalaga. Yana is in danger! "Sorry sir, pero bawal po talagang ibigay yung room number ng aming mga customer."

Kumuyom ang kamao ni Daniel. "Makinig ka! Nasa panganib yung babaeng kasama niya. He drugged her!"

"Sorry sir hindi po talaga pwe— Give the room number." sabat ng babae. Lumingon si Daniel sa nagsalita. Kumunot ang noo niya ng makilala ito.

"Anong ginagawa mo rito Sophia?" may pagtatakang tanong niya pero hindi siya sinagot ng dalaga bagkus ay bumaling itong muli sa receptionist na nasa front desk. "My father owns this hotel, at kilala niyo naman siguro ako."

"Y-yes Miss Delmond!"


Patakbo silang dalawa papunta sa elevator ng maibigay ang room number kung nasaan sina Yana. Sophia won't sit back if she knows that something wrong is happening kaya't nagpaalam siya kay Ryker upang sundan si Daniel.



Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now