Chapter 24

7.5K 186 35
                                    

"Paano ka nakapasok dito?" takang tanong niya sa dalaga.

Napakamot ito sa kaniyang batok, "Pinapasok ako ni Daniel" nahihiya nitong sabi, "Aalis na dapat ako, kaso nakita niya ako saka hinabol"

"May nasabi siya saakin tungkol sa mga masamang nilalang?" There's a glint in her eyes as she looks to Ryker.

Napailing ang binata. "Seriously, that guy needs a brea-Wait! Sabi mo paalis kana? Bakit?"

Yumuko si Yana upang hindi magtagpo ang kanilang mga paningin, "Ayoko na sanang makaistorbo, sabi kasi ni Natalia busy ka."

Ryker holds her soft hand, saka nito inangat ang kaniyang mukha. He look straight to her eyes "Hinding hindi ka magiging istorbo sa akin."

Parang may kung anong nagtatambol sa puso niya. Ghad! Why is he always like this? Mamamatay talaga siya sa sakit ng puso.

Biglang lumamlam ang mga mata ni Yana, "Narinig ko na ang nangyari tungkol sa Mega Star franchise. Alam kong ginawa mo ang lahat para makuha iyon."

Bumuntong hininga si Ryker, "Mayroong nagtraydor sa akin, pero hindi ko pa alam kung sino iyon... Sorry kung hindi ko nasagot yung mga tawag mo saka hindi ako nagparamdam sayo ngayong araw." He paused "Pero masaya ako na nandito ka, namiss mo ba ako?" may naglalarong ngiti sakaniyang mga manipis na labi.

"Oo" mahinang sabi ni Yana pero sapat na upang marinig niya.

He was taken aback by her answer. She can't blame him, maging siya ay nabigla sa sagot niya.

Mabilis na nagbago ang kaniyang reaksyon, maloko siyang ngumisi sa dalaga. "Come here"

Biglang nakaramdam ng kaba si Yana. "N-nasa opisina tayo, Ryker. K-kumalma ka"

Amusement filled his eyes as he looks to her. Humiga siyang muli at ginawang unan ang hita ni Yana.

"Kapag natapos na ito, sinisigurado ko sayo na ilalock kita sa kwarto natin."

Imbis na matawa si Yana, mas naisip niya ang sitwasyon ni Ryker ngayon, "Sigurado ka bang ayos ka lang?" seryoso nitong tanong.

Tumitig si Ryker sa puting kisame ng kaniyang private room. "Sana masabi kong hindi, pero ako yung CEO ng kompanyang ito. Maraming empleyado ang umaasa sa akin, isama mo na ang mga stakeholders, pati na ang isang matandang sumasakal sa leeg ko." He close his eyes and sighs. "Kailangan kong maging matatag."

Pinadausdos muli ni Yana ang kaniyang mga daliri sa malambot na buhok ni Ryker. "Mmm, I like it when you touch my hair like that." He said while his eyes shut.

TTTA is important to Ryker, pinapahalagaan niya ito ng lubos dahil ito ang dahilan kung ano siya ngayon. And he can't afford to lose this company to him.

Sa lahat ng mga achievements niya na nagawa sa kompanyang ito, hindi pa siya naaapreciate ng kaniyang ama. He can't gain his respect to him. Panigurado siya na hindi na siya kailanman pagkakatiwalaan ng kaniyang ama dahil dito, he screwed up!

Parang kinakabisado ni Yana ang bawat detalye ng mukha ni Ryker, he's handsome as always pero sa ngayon nakikita niya ang pagod rito. Kung mayroon lang paraan para matulungan niya ito, gagawin niya.

Everything's fine with Lopez Entertainment Agency, everything is smooth with their plan.

Napagpasyahan ni Yana na pumunta muna sa isang coffee shop upang magpahinga, she needs to charge.

"Java chip frappuccino" order nito.

Nakarinig siya ng malakas na halakhak mula sa kinatatayuan niya, the voice was quite familiar to her.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now