Chapter 37

7.4K 125 88
                                    

"Successful ang operasyon, Mr. Thompson. He's a strong little man." Nakangiting pahayag ng Doktor.

Dahan dahang hinaplos ni Ryker ang blondeng buhok ni Rylie bago lumingon sa doctor.

"We managed to stop the bleeding. May mga fractures siyang natamo pero hindi naman iyon ganoon kaseryoso... Pwede ka nang magpahinga, bukas lang ay magigising na siya."

Parang nabunutan ng malaking tinik si Ryker ng marinig ang katagang iyon.

Mabuti naman at naging maayos ang operasyon.

"Gaya ng nirequest ng iyong ama, tanging si Rylie lamang ang pasyente sa floor na ito at walang sino mang makakapunta rito. Pili lang din ang mga staff at nurses na makakapunta sa silid niya. Wala na kayong dapat ipag alala." Wala sa sariling napatango si Ryker. "Thank you, Doc."

Muling bumaling ang binata sa kaniyang kapatid, naaawa ito sa kaniyang kalagayan. Marami itong gasgas sa katawan at nakabenda din ang braso nito. "You scare me. Babawi ako sayo kapag gumaling kana."

Humarap siya kay Yana na nakatayo sa kaniyang bandang likuran. "Magsstay ako dito ngayong gabi. Gusto ko ako yung unang makita ni Rylie kapag nagising na siya."

"Pasensya na... Hindi ko din alam kung bakit" he stopped "kung bakit sa condo mo ako pumunta" he looked down.

"Wala iyon." Yana gave him an assurance smile.

"Oras na, pasensya na dapat ay tulog ka na ngayon pero heto at sinamaan mo pa akong bumalik sa hospital. Tatawagan ko lang si Daniel at ipapasund-"No! Ayos lang ako, kaya ko naman."

Nagdadalawang isip man pero pumayag na si Ryker. "So, tatawagan nalang kita bukas? Hm uupdate kita tungkol kay Rylie" bigla itong napaisip, "Or not? Kase magkaibigan lang tayo?" nagtatanong ang mga mata nito at nangungusap.

"Sige, aalis na ako." hindi na hinintay ni Yana ang response ni Ryker at tuluyan na siyang umalis sa silid.

How cruel David is, muntik ng mag-agaw buhay si Rylie pero kapakanan pa din nito ang iniisip. He even requested to closed the whole floor just to make sure na walang sino man ang makakakita sa bata.

Ryker despise his father very much. Hindi na niya hahayaang ganitoin muli ng kaniyang ama ang kaniyang kapatid.

Nahiga siya sa long sofa na nasa loob ng silid. Antok na antok na siya dahil hindi pa siya natutulog sa araw na ito.

Well, kahit papaano ay naging komportable siya sa tabi ni Yana kanina. That is enough for him. Pero sana ay narito rin ang dalaga sa tabi niya sa mga oras na ito. He needs her and, he wants her to stay in here pero satingin niya'y sumusobra na siya kung hihilingin pa niya sa dalaga iyon.

"HEY" nagising si Ryker sa pamilyar na boses. Namilog ang kaniyang mga mata ng makita si Yana sa harapan niya. "A-anong ginagawa mo rito?" takang tanong niya. "Hindi ba't umalis ka na?"

Tumango siya, "Umalis ako kase binilhan kita ng makakain." Iniabot nito ang hawak niyang pagkain na galing sa isang 24/7 na fast food chain.

"I don't want to leave you here alone. Kung okay lang sayo, sasamahan kitang magbantay kay Rylie." Abot langit ang tuwang nararamdman ni Ryker sa mga sandaling ito. Hindi niya aakalaing babalik si Yana para sakaniya at para kay Rylie.

Magana siyang kumain at inubos ang lahat nang binili ni Yana para sa kaniya.

Pagkatapos non' ay niligpit na niya ang pinagkainan.

"Mahiga kana ulit rito, may upuan naman sa labas doon nalang ako." paalam ni Yana.

Tumayo ito, at akmang hahakbang na siya paalis ngunit hinila siya ni Ryker pabalik sa upuan kaya't napahiga ito.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon