Chapter 32

7.7K 152 56
                                    

‘Friends?’ Ngumisi ang binata sa naisip, he doesn’t want to be friends with her. He wants more than that at gagawin niya ang lahat mabalik lang ang dalaga sakaniya.

Sabi nito’y gusto niya ng reset. Then be it, this time no more secrets and lies. Magiging totoo siya sa sarili niya at hinding hindi na siya magtatago ng sekreto kay Yana.

“Ayos ka lang ba boss? Nagpaalam ka na ba kay Yana?” tanong ni Daniel.

Kasalukuyan silang nasa private plane nito na papunta sa Hongkong para sa naudlot na meeting.

“No… Hindi ako magpapaalam sakaniya kase alam kong magkikita pa kami. Hindi man siya sumama sa akin ngayon pero alam kong babalik at babalik siya sa akin.” May pag asa sa mga mata nito habang sinasambit ang mga katagang iyon “Kung hindi man, ako ang babalik rito para sakaniya.”

Oh god he’s crazy!

“Yana, may magandang balita ako sayo!” salubong sakaniya ng kaniyang boss na si Tey.

Binitawan niya ang hawak na wine glass at tinabi iyon. “Helena is back!” excited nitong sabi.

Kumunot ang noo niya, at sino naman iyon?

“Siya yung ginang na nakatira sa malaking mansyon sa may talampas. Tanaw ang buong kapaligiran sa kaniyang tirahan. Pwede kang magtanong sa kaniya tungkol sa insidente, malay mo'y makahanap ka ng kasagutan.”

Posible ba iyon? Na makahanap siya ng kasagutan sa ginang na nagngangalang Helena? Paano kung wala ito noong mga panahong naaksidente siya?

Marahan niyang iniling ang kaniyang ulo, well wala naman sigurong mawawala kung magtatanong siya hindi ba?

“Nagrequest siya ng catering service sa atin para icelebrate ang paguwi niya. At chance mo na iyon para makausap siya.” Nakangiting wika ni Tey.

Inilibot ni Yana ang tingin sa buong mansyon, Modern Gothic ang disenyo nito at halos itim ang makikita sa buong pasilidad. Mukhang mamahalin din ang mga kasangkapan at hindi basta basta.

Siya lang ba magisa dito? Wala ba siyang anak? Balita niya’y namatay ang kaniyang asawa matagal na ang nakalipas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Siya lang ba magisa dito? Wala ba siyang anak? Balita niya’y namatay ang kaniyang asawa matagal na ang nakalipas. Sana’y nagasawa ito ulit para hindi naman siya tumandang walang kasama sa buhay.

Kung siya man ang nasa katayuan ng ginang, mas gugustuhin nalang niya na magkaroon ng masayang pamilya kahit mahirap kesa naman sa maging mayaman pero magisa lang sa buhay.

Nabalik siya sa realidad ng marinig niya ang isang tunog galing sa ikalawang palapag. Isa iyong tunog mula sa isang takong.

Parang isang penikula'y bumaba sa hagdan iyong tinatawag nilang Helena. She walked with confidence and everything about her was shouting elegance.

“Tey” tawag ni Helena sa kanilang boss “Maraming salamat at dumating kayo sa tamang oras” she smile genuinely.

Yana can’t help herself but to admire the beautiful woman in front of her. Sabi sakaniya’y nasa around 40’s na ito ngunit para sakaniya’y nasa may 30’s palang ito. Her skin was porcelain like hers at ang buhok nito’y napakaitim na nasa hanggang balikat. Para itong matandang version ni Snow white.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now