Chapter 8

13.9K 368 176
                                    

Nagtitigan ang dalawa. Nakatayo si Yana sa harap ni Ryker, habang ang binata ay nakalublob na sa pool. Yana pouted, “Bakit hindi mo sinabing may private pool ka sa condo mo?” may halong pagtatampo sa boses niya.

May isang kwarto roon na kapag binuksan mo ay isang pool ang bubungad sa iyo. Seriously? Gaano kalaki ang condo ni Ryker? May personal gym pa ito at sariling Theater room.

“Kung iyan ang dahilan mo para umurong, then it’s not working” Ryker smirked. “We’re doing this Yana. I’ll teach you how to swim”

Maraang ipinikit ni Yana ang kaniyang mga mata. Bakit niya ba kasi hiniling sa binata na turuan siyang lumangoy? Nagsisisi na tuloy siya! Atsaka andaming tao ang pwede niyang kausapin at bakit si Ryker Gunn Thompson pa ang naisipan niya? Gosh she must be out of her mind.

Ang pinakamalala pa? Bilang kabayaran sa swimming lesson na ito? Kailangan siyang tanungin ni Ryker, and she needs to answer it truthfully. Wait. Hindi pala iyon ang malala, dahil ang mas malala pa don' ay ang pumayag siya. What the hell!

Lumapit si Ryker kay Yana. “Can you sit at the edge of this pool and dip your feet to the water?” masuyong utos nito. Now she's shaking.

“Muntik ka ng malunod dahil kay Miles kagabi dahil hindi ka marunong lumangoy. Gusto mo ba lagi nalang ganoon?” Yana rolled her eyes. Inipon niya ang kaniyang lakas ng loob para umupo sa dulo ng pool at inilublob ang mga paa.

Parang nanalo ng jackpot si Ryker sa tuwa. “So anong nararamdaman mo?” tanong ng binata na hindi maalis ang ngiti sa mukha.

“H-hm a-ayos lang” mataray nitong sabi. Pero kinakabahan talaga siya. The water seems so harmless as it enveloped her legs. She felt warm and comforting as the small waves gently touch her skin. She slowly move her legs, the water moved in rhythm. 

Then it hits her. Biglang siyang nakaramdam ng takot. Bumigat ang paghinga niya. Hinawakan ni Ryker ang kaniyang dalawang kamay at pinisil iyon ng marahan. “You’re doing great” Nayana breath in and out. His touch soothes her, as his thumb drew circle on her skin. She intentionally tries to distract herself by the sensation in it.

Tumayo na siya,“S-siguro pwede na i-ito sa ngayon” nauutal niyang sabi. “S-salamat” pagkasabi niya non ay tumalikod na siya kay Ryker. 

“Hey, may deal tayo remember?” Napapikit ng mariin ang dalaga. Bakit ba natandaan niya pa iyon. Lumingon siyang muli kay Ryker. “May isang tanong ako diba?” anito at ngumiti ng nakakaloko.

“Hindi mo naman ako tinuruang lumangoy diba?” nakangiting sabi ni Yana.

“But I got you wet.” Nakangising wika ni Ryker. Namilog ang mga mata ni Yana, it’s double meaning! Pero don siya sa isang meaning.

Yana sighed, okay talo na siya. “My first question, dear Yana, ay… Anong suot mo? Yan na ata ang pinaka sexy na nakita kong swimsuit” note the sarcasm in his voice. Tumawa ng malakas ang binata.

 Tumawa ng malakas ang binata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now