Chapter 9

12.8K 343 55
                                    

Rinig ni Yana ang bulungan ng mga babaeng empleyado ng TTTA tungkol sa kaniya, halos negatibo ang mga komentong narinig niya.

Sabay sabay na nanlaki ang mga mata nila ng makitang nakatayo si Yana malapit sa kinaroroonan nila. “Aalis na ako” nakangiting sabi niya.

“Buti at hindi mo sinama si Yana?” tanong ni Daniel. Kasalukuyan silang nasa isang party kasama ang mga iba’t ibang tao sa industriya. “Akala ko pa naman tapos na ang araw kong kasama kita sa mga ganitong pagsasalo” biro nito.

“Wala naman siyang interest sa mga ganito kaya hindi na ako nagabala pang nagtanong” ani Ryker sabay lagok ng kaniyang vodka. “Saka sapat na iyong public appearance naming dalawa, siguro naman ay gets na ng mga taga media iyon.”

Kunot noong lumingon si Ryker sa kaniyang sekretarya ng tumawa ito ng malakas “What?” masungit na tanong niya.

“Mahigit isang linggo palang kayong engaged and she’s already driving you crazy. Nagagalit ka kapag hindi siya nagrereply sayo, nagagalit ka kapag hindi kanya pinapansin” bumuntong hininga si Ryker at nilagok ulit ang kaniyang inumin. “Admit it, nahuhulog ka na sakaniya and it frustrates you.” Tinignan niya lang ito ng masama saka siya iniwan.

Sa isang rooftop ginanap ang party kaya kitang kita ni Ryker ang tanawin mula sa ibaba. Tama si Daniel, Nayana really drives him crazy at parang sasabog siya dahil hindi niya alam ang kaniyang gagawin. It really frustrates him dahil hindi nito makuha ang atensyon ng dalaga.

Gusto niyang isipin na kilala niya ang mga babae na madaling mahulog sa isang lalaking mayaman at may magandang mukha at katawan but Nayana is a challenge. Hindi na niya matandaan kung kailan ang huling nahirapan siyang makuha ang atensyon ng isang babae, pero eto ngayon ang dalaga at sinusubok muli siya. Anong meron sa kaniya?

“Nasaan ang fiancé mo, Ryker? Akala ko pa naman ay makikita ko siya ngayon, gusto ko pa naman sana siyang makilala” ani Rhian. Hindi niya namalayan ang paglapit ng babae sa kaniya sa sobrang lalim ng iniisip. “Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa pagbigay mo sa akin sa leading role”

Ngumiti ng bahagya ang binata, “Eksakto ka sa role na iyon, so don’t thank me”
Kinagat ng dalaga ang kaniyang pang ibabang labi at para bang inaakit ang lalaking kaharap niya. She even unbutton her polo shirt revealing her two big mountain. “So wala siya, you know my offer is still up” maarteng sabi nito.

Tinitigan ni Ryker ang magandang mukha ng babae. D*mn wala ito kumpara kay Nayana, her simplicity makes her different. Nagisip si Ryker. Maybe a night with someone else is what he needs to get her out of his mind? Sigurado namang ayos lang kay Nayana ito dahil wala naman itong pakealam sa kaniya.

“Magiging Thompson lang siya dahil ikakasal na siya kay Ryker, sigurado ako na hindi iyon love at first sight kung hindi business marriage. Hindi sa ganyang babae mahuhulog ang isang Ryker Thompson, I’m pretty sure na iiwan niya rin iyan” huminga ng malalim si Yana ng maalala ang usapan ng mga babae kanina. Tama sila, iyon nga ang rason kung bakit siya ikakasal kay Ryker pero bakit parang may mali?

Biglang nagvibrate ang cellphone niya kaya binuksan niya ito. Headline ‘Ryker Gunn Thompson caught cheating on his fiancé already? He was caught making out with some actress in the party’ May nakalagay na letrato sa ibaba non' na nagpapatunay na may kasama at kahalikan nga itong babae.

Umiling iling si Yana. Hindi ba mapipigilan ng lalaking iyon ang pambabae niya? At sa harapan pa ng mga maraming tao? Paano na maniniwala ang mga taga media at mga share holders sa kanila na masaya silang dalawa? Argh! Great

Napahawak siya sa kaniyang sentido. Aside from being called the girl who had to sell herself for money, she’s also the fiancée who isn’t good enough for his man. Stupid womanizer!

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon