Chapter 15

10.8K 247 31
                                    


"William, pwede ba tayong magusap?" binigyan niya ito ng matalim na titig. Tumango naman ito at sumunod sakaniya palabas ng restaurant.

"May problema ba?" tanong kaagad ni William ng makarating sila sa labas. Tanging masasamang titig ang ibinabato ni Ryker sa kaniya, sa totoo lang ay naguguluhan siya kung bakit gusto siya nitong makausap.

"Nagsisinungaling ka! Hindi mo niligtas si Yana noong araw na iyon! Bakit ka nagsisinungaling sa kaniya?" bakas sa boses ni Ryker ang pagkadismaya at galit. Hindi ito ang sumagip kay Yana, pero bakit sinasabi niyang siya iyon? Bakit siya nagsisinungaling sa dalaga?

"Anong pinagsasabi mo?" kunot noong tanong ni William. Hindi niya maiwasang hindi magtaas ng boses sa kausap. Ano bang alam niya?

Gumalaw ang panga ni Ryker tanda upang malaman na galit siya, "Sigurado akong hindi mo siya niligtas noong araw na nalulunod siya sa dagat!"

Tumaas ang kaliwang kilay ni William at humalukipkip "Anong pinagsasabi mo?" paguulit nito "Ano ba ang alam mo? Hindi mo nga alam yung tungkol roon kung hindi lang sinabi ni Yana."

"I... I... I just know." Sagot nito pagkatapos ay huminga ng malalim. "Hindi ko naappreciate yung pagsisinungaling mo sakaniya."

Nanliit ang mga mata ni William habang hawak hawak ang baba na animo'y nag iimbestiga ng isang kaso "N-naroon ka ba noong araw na iyon?" tanong nito. Napahawak ito sa kaniyang sentido, "Okay... walang nakakita kung sino ang nagahon sa kaniya sa dagat. Pero ako ang nakakita sakaniya at nagdala sakaniya sa hospital. So technically, I saved her" Lumapit ito kay Ryker at bumulong "And I will save her from you."

"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan niya noong naligitas siya." Matalim siyang tinitigan ni William bago pumasok ulit sa restaurant.

Pagkatapos nitong maligtas sa kapahamakan, she rejected everything. Pagkain, treatment at ayaw na din nitong makipagusap kahit kanino except sa taong inakala niyang sumagip sa kaniya. And that's William. Ito ang tumulong sakaniya upang maging ayos muli, but eventually he also leaves her.

"Aalis na tayo" malamig na sabi ni Ryker ng makabalik siya sa pwesto nila kanina.

Naguguluhang tumingin sakaniya si Yana, "P-pero kakadating lang ng inorder nating pagkain" lumingon it okay William. Napansin nito nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa, masama ang tingin nila sa bawat isa at animo'y nagpapatayan na sila sa kanilang isip. "Anong pinagusapan niyo? Anong nangyari?" tanong ng dalaga.

"Let's go Yana. Now!" bulyaw ni Ryker. Padabog na tumayo ang dalaga pagkatapos ay isinukbit ang bag sakaniyang balikat.

"Makinig ka! Hindi ko nagustuhan ang tono ng pagsasalita mo! Don't boss me around!" pagalit na sigaw ni Yana. Pinagtitinginan na sila pero wala siyang pakealam. Naiinis ito sa binata, kung makaasta ito ay para siyang aso na pwede niyang utusan ng kahit ano.

Ryker felt anger and sadness at the moment. Nang sabihin ni William kung paanong hirap ang dinanas ni Yana para itong sinaksak ng maraming kutsilyo sa buong katawan. Siya dapat ang naroon at hindi si William. Bigla itong nakaramdam ng disappointment, kinuha ng binata ang lugar niya, dapat siya iyon. It should've been him. Parang nanlidilim ang paningin niya, he's very angry and annoyed with her past with William.

Kahit anong pilit at subok niya sabihin ang nangyari noon ay hindi niya magawa dahil hindi ito inoopen ng dalaga sakaniya. At ngayon si William pa mismo ang nagopen ng topic na iyon. Pero mas galit siya sa sarili niya. "Kailangan mong makinig sa akin. I own you, woman! Kailangan ko bang ipaalala saiyo na binenta ka ng ama mo sa amin? Kapalit ng inyong negosyo?" Fck! N-no he didn't mean that!

Matalim siyang tinignan ni Yana bago pa ito nagmartsa paalis sapwesto nila. Nakita niya ang galit at lungkot sa mga magaganda niyang mata, and she doesn't deserve this. Ge fucked up this time! Big time.

"Yana!" tawag ni William sa dalaga, sinundan niya ito. Lumingon naman ito sakaniya, he can see pain in her eyes. "I'm sorry kung nasira ko yung dinner na-"Hindi mo kasalanan iyon. Pero narinig mo na yung sinabi niya, at tama ang hinala mo I'm marrying her because of our business." Huminga ito ng malalim. Nasisigurado niya na naiisip ng lalaking kaharap niya ngayon ay madali lang siyang makuha.

"Bakit ka pumayag? Alam kong gagawin mo ang lahat para sa negosyo at para sa ama mo pero ang kinabukasan mo ang nakataya dito. Hindi ka magiging masaya kasama siya. He's a jerk!" Anito.

He's a jerk? Their memories together came into her. How he makes her happy, how he makes her comfortable, and how he shows her the he loves her. "No, he's not. Mas madaling kasuklaman ko siya kung totoo iyon."

Ibinalibag ni Ryker ang hawak niyang beer. Nagkalat ang bubog sa tabi ng pool. He let himself drown in the water. He fcked up

"Narinig mo na ba yung kwento tungkol sa malungkot na Gold Fish?" tanong ng dalaga.

"Malungkot ito dahil siya ang pinakamaliit sakaniyang mga kasama. Naiinggit siya dahil malalaki ang mga kasamahan niya, at lagi niyang pinagdarasal na sana ay lumaki siya."

Habol hiningang umahon si Ryker mula sa tubig, napaubo ito. Muntik na itong mawalan ng hininga dahil sa tagal niyang nakababad sa tubig. A memory came back to him. Their memory that day.

Titig na titig si Ryker sakaniyang cellphone kahit na mayroon silang meeting sa conference. Nagaalala siya sa dalaga dahil hindi ito umuwi kagabi, hindi man lang siya nito tinawagan o tinext man lang. He would appreciate an 'OK' now.
Daniel rolled his eyes. Hinihingan ng opinion ang kaniyang boss mula sa prineset na project pero mukhang wala ito sa sarili niya at focus na focus ito sakaniyang cellphone.

"Anong nangyari?" kaagad na tanong ni Daniel ng matapos ang meeting. Nagaalala ito sakaniyang boss. Ryker is always strict when it comes to work. Agad niyang sinisisante ang mga empleyadong may hawak na cellphone sa office hours. Ang motto nga nito ay 'business first before anything else' pero mukhang nagiba ang takbo ng mundo.

Dali daling nagtungo si Ryker sa Lopez EA he needs to apologize to her. Alam niyang nasobrahan siya and he didn't mean to say those words to her. Nadatnan niya ang dalaga na abalang nagpipirma ng mga papeles "Can we talk?" tanong nito pero hindi siya nito kinibo.

"Look, I'm so-"Ready kana?" hindi na natapos ni Ryker ang dapat niyang sabihin ng biglang dumating si William.

Nagayos si Yana at binitbit ang kaniyang shoulder bag, "Ah yes, let's go?" nakangiting tanong niya kay William.

"Where are you going? I'm talking to you Yana." May halong diin sa kaniyang boses.

Lumingon ang dalaga sakaniya, "May dinner date kami."

Wait... did she slept in his house?

-🎀

A/N: Don't forget to vote this chapter and leave a comment. I really appreciate that. 🖤

K B L U E S C R I P T

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now