Chapter 20

10.4K 223 32
                                    

Galit na pinatay ni Ryker ang tawag sa kaniyang telepono. “I can’t believe they just pulled out the agreement.” Hindi makapaniwalang saad nito. “The contract was already signed.”

“Best Hit intrudes them away from us for their network channel. They even offered to pay the termination damaged” ani Daniel habang hawak hawak ang iba pang mga dokumento tungkol roon.

Nakataas ang kaliwang kilay ni Ryker, “At sino naman iyang Best Hit na yan?” inis na tanong niya sa sekretarya.

Buti nalang at nagresearch si Daniel tungkol rito, kung hindi ay masisisante siya ng wala sa oras. Mukhang mainit pa naman ang ulo ng boss niya ngayon. “Bago palang sila sa industriya, pero mukhang kasama sila ng Artiste Agency”

Hindi maiwasang hindi mapairap ni Ryker sa narinig. Artiste Agency is their biggest competitors, but they edged them out of the industry years ago. Ang ama niya pa ang namamahala noon. At ngayon, mukhang nagbabalik sila para kalabanin ulit ang TTTA.

“Ilang million na ang ininvest ko para sa promotion, they can’t cancel us just like that” inis pa ring sabi ni Ryker.

Bumaling ulit siya kay Daniel, “I want all hands on deck from the legal department. Hindi natin sila basta bastang papakawalanan ng ganun ganun nalang.”

Ryker was furious, he needs to fix this as soon as possible, “Is this a game for them? Well, I’m ready to play!”

“O-on it” maging si Daniel ay natakot sa kaniyang boss. He knows him really well at gaya ng sabi nito talagang makikipaglaro siya sa mga iyon kung kakailanganin. Hindi siya papayag na basta basta nalang matalo nang walang laban.

Papaalis na sana si Daniel sa opisina ni Ryker ng may maalala ito, “May mga nakalap na akong impormasyon tungkol sa singer songwriter na si Mariz.”

Ilang tipa pa ang ginawa ni Ryker sa kaniyang laptop bago bumaling kay Daniel. “At hindi mo magugustuhan yung malalaman mo”

Kasalukuyang nasa recording station si Yana kasama si Riz, pinakikinggan nila iyong melody na binuo ni Jerald.

The melody, the beat and the harmony is perfect, tama nga ito at baka magkaroon sila ng tyansa sa billboard pag nagkataon. Ang problema lang ay ang lyrics nito, wala silang songwriter na gagawa para roon.

“Ako na ang bahala” nakangiting pahayag ni Yana. Kailangan niyang makausap si Mariz, at sana dumalo ito sa kasal ni Ceejay.

“Hindi ko talaga maintidihan kung bakit kailangan ko pang pumunta sa wedding na iyan.” Lukot ang mukha ni Ryker. Mabobored lang siya roon, isa pa hindi naman niya maituturin na talagang kaibigan iyong Ceejay na iyon.

Lumapit sa kaniya si Yana, napanganga siya sa sobrang ganda nito. May kaonting curl ang dulo nang kaniyang straight na buhok. Light lang ang make up nito pero hindi naging hadlang iyon upang hindi mapansin ang kagandahan niya. Her simplicity makes her elegant even more.

Dumako ang mga mata ni Ryker sa katawan ni Yana, She’s so sexy. Her curve was hugging her beautiful pink dress. Off shoulder ito at hanggang tuhod ang haba nito.

“Mas gusto ko pang magstay sa condo kasama ka habang nakasuot kalang ng two piece.”  Pilyo itong ngumiti, kapagkuwan ay inirapan siya ni Yana. Kung ano anong kalokohan ang pumapasok sa utak nito. Napaka manyak!

“Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon” ani Yana. Para itong wedding sa isang fairytale.

Napakaraming bulaklak sa buong lugar iba’t ibang uri ang mga iyon pero lahat kulay puti at pink. Napapaligiran din ang lugar ng mga nakasabit na mga crystal chandelier. Ang isle naman ay isang kulay pink na carpet na napaliligiran din ng mga bulaklak at mga maliliit na crystal. Mukhang malaki laking pera ang nagastos sa kasalang ito.

Marrying The Womanizer(COMPLETED)Where stories live. Discover now